Chapter Six

6.3K 106 6
                                    

"OOPS, sorry," hinging paumanhin ni Pearl nang biglang may mabangga siya paglabas. Nagulat pa siya nang makilala kung sino 'yon. "Ikaw na naman?!"

"Oh, hi, Pearl. Long time, no see," nakatinging bati ni Zedric.

"Ano'ng ginagawa mo dito? Sinusundan mo na naman ba ako?"

Mahigit isang linggo mula noong nag-walkout siya sa "honeymooners" booth dahil sa asar ay ngayon lang niya ulit ito nakaharap. As much as possible, iniiwasan niya itong makasalubong o makita man lang. Naiilang kasi siya ginawa nitong paghalik sa kanya sa peke nilang kasal na ewan niya kung bakit tinugon niya. Alam niyang iba na ang iniisip ni Zedric nang mga oras na 'yon. And she didn't want to have an awkward confrontation with him because of that. Kaya nga hindi siya nagpadala sa pang-aakit nito sa kanya sa kwarto.

"I'm not following you. But this must be destiny, eh?"

"Destiny mong mukha mo. Umalis ka sa harap ko kung ayaw mong isako kita."

Lumipad ang tingin ni Zedric sa hawak niyang mga plastic. "Mapagkawanggawa, matulungin at maganda. Nasa iyo na lahat, Pearl." Tinignan lang niya ito ng masama. Mabilis naman itong tumabi para bigyan siya ng daan. "Need some help?"

"No, thanks." Maingat na nilagay ni Pearl sa isang sako ang mga na repack na niyang tatlong kilong bigas na may kasamang de-lata at noodles.

A week ago, a very harsh tragedy named Yolanda hit Philippines, especially Eastern Visayas. Maraming tao ang nawalan ng bahay, mga ari-arian, mahal sa buhay, hanapbuhay at pag-asa dahil sa trahedyang iyon. Kaya heto, nag-volunteer siya sa isang organisasyon na tumulong sa repacking . Bukod pa doon, nagdonate din siya ng mga damit at relief goods.

"Ano pa'ng ginagawa mo dito?" salubong ang kilay ni Pearl nang makita si Zedric.

"I think I might lend a hand," nakangiting anito sabay taas ng apat na plastic ng relief goods na hawak nito.

Nagkibit-balikat lang siya bago bumalik sa kanyang pwesto. Abala siya paglalagay ng mga de-lata nang maramdam ang pag-upo ng kung sino sa tabi niya. Si Zedric.

"Ayos ka lang ba diyan?"

"Huwag mo akong kausapin."

"Bawal bang mag-usap dito?" Luminga-linga pa ito sa maingay na paligid.

"Kung maggugulo ka lang sa 'kin, ang mabuti pa, umalis ka na kung ayaw mong sipain kita."

"O, highblood ka na naman. Kailan ba bababa 'yang dugo mo sa 'kin?"

Pinandilatan niya ito. "Nang-aasar ka ba talaga?"

"Ikaw lang ang nag-iisip niyan." Zedric reached out a hand to wipe her sweat.

Malakas niyang tinapik ang kamay nito. "Madumi ang kamay mo."

"Oh, sorry. Here." Isang puting panyo ang pinunas nito sa noo niya. Kinuha niya iyon dito pero inilayo lang nito ang panyo. "Ako na."

"Ako na. Kaya kong punasan ang pawis ko."

"Just let me do this, okay?" seryoso ang boses nito kaya hindi na siya umalma pa. Hinayaan nalang niya ito.

Ang akala niya magiging payapa na ang buhay niya, gaya nang kung gaano kapayapa ang pintig ng puso niya para dito, pero nagkamali siya dahil heto na naman ang kadaldalan ni Zedric.

"Gusto mo ng tubig?"

"No."

"Gusto mo paypayan kita?"

"Hindi."

"Baka naiinitan ka na diyan?"

"Hindi nga."

It's Only Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon