"MAY sakit daw si Zedric?"
"Talaga? Akalain mo 'yon? Nagkakasakit din pala ang gagong iyon?"
"Nakakahiya. Ang tanda-tanda na, nagkakasakit pa."
"No'ng isang araw pa 'yon may dinadamdam, eh, tapos nagpaulan pa kahapon, kaya hayun, di makabangon."
"Kawawa naman. Siya lang yata mag-isa sa condo niya."
"Kung nag-aalala ka sa kanya, puntahan mo 'tas magdala ka ng foods."
Nagtatawanang nag-apir pa sina Dylan at Marc.
"Hindi naman ulan ang dahilan sa sakit niya, eh."
"Ano?"
"Kalandian," malakas na tumawa si Dylan. "Nakita ko siya kahapon, may kasamang babae."
"Weh? Di nga?"
"Oo nga! Pero atin-atin lang 'to, ah. Baka ipabugbog ako no'n kapag nalaman ni Pearl."
Kumunot ang noo ni Pearl. Tumigil siya pagkain para makinig sa usapan ng mga chismoso sa kabilang table ng cafeteria. Hindi na sana niya papansinin ang dalawa kung hindi lang binanggit ng mga ito ang pangalan niya. Pero talaga bang may ibang kasamang babae si Zedric kahapon? Hindi lang siya?
Ang gagong 'yon! Nagpakabait pa ako sa kanya!
"Hindi alam ni Pearl?"
"Ewan. Wala naman iyong pakialam."
"Sabagay. So, ano? Maganda ba 'yong babae? Sexy?"
Hindi yata siya napansin ng dalawa dahil patuloy pa rin ang mga ito sa pagchichismisan.
"Oo naman!"
"Nakita mo?"
"'Yong likod."
"Sira-ulo ka pala, eh. Paano mo nasabing maganda?"
"Si Zedric pa! Alam mo naman ang isang 'yon, tirador ng magaganda at sexy."
"Saan mo nga pala sila nakita?"
"Sa mall. Kumakain ng Jollibee."
Napapikit lang ng mariin si Pearl. Akala niya kung sino na. Siya lang pala ang tinutukoy nito. Hindi lang yata siya nito nakilala.
Tumayo na siya at dumiritso ng faculty room saka kinuha ang kanyang bag.
"Aalis ka?" tanong ni Desiree nang abutan siya nito doon. "May klase ka pa, ah."
"Pwede bang ikaw muna ang mag-substitute. May pupuntahan lang akong importante. Salamat."
Hindi na niya hinintay pa itong makahirit. Dire-diretso siya sa parking lot, sumakay sa kotse niya saka iyon pinaharurot palayo. Huminto din siya sa isang pharmacy para bumili ng gamot. Mayamaya pa ay nasa harap na siya ng unit ni Zedric. She pressed the doorbell once, twice, many times. Pero walang sumagot. She then pressed it once again. Bigla siyang kinabahan nang makarinig siya ng lagabog mula sa loob.
"Zedric?" Malakas niyang kinalampag ang pinto nito.
Isang nakahubad na lalaki na pupungas-pungas pa ang nagbukas ng pinto. "Pearl?" Tila hindi pa ito makapaniwala sa nakita. "What brought you here?"
"You... ah..." Bigla yata niyang nalunok ang dila. Hindi na niya alam ang sasabihin dahil medyo nadi-distract siya nakikita ngayon. His awesome body was displayed right before her very eyes!
"Me?"
"No. Are you o—"
Napasinghap siya nang muntik nang matumba ang lalaki. Mabuti nalang at nakakapit ito sa pinto. Mabilis niya itong nilapitan at inalalayan.
BINABASA MO ANG
It's Only Love (Complete)
RomanceThis is an edited version. Published under Precious Hearts Romances last 2015. Enjoy reading! Dimple ♡