Chapter Thirteen

6.3K 91 0
                                    

"ARE YOU okay?"

Napalingon si Pearl kay Zedric. Nakaupo ito sa gilid ng mesa habang nakahalukipkip at pinagmamasdan siya. Nasa kwarto siya nito ngayon. Doon siya nito dinala pagkatapos nang nangyari kanina. Hinayaan lang muna siya nitong umiyak. Mabuti na rin 'yon dahil kailangan niyang ilabas ang lahat ng sama niya ng loob. Pinunasan niya ang mga luha saka tumango. "Yeah. I think so."

Kumilos si Zedric. Kumuha ito ng tubig at pinainom sa kanya. He sat beside her and tucked some loose strands of her hair behind her ear. "Kung hindi ka pa handang magsalita, okay lang. Naiintindihan ko. Maghihintay lang ako kung kailan ka maging handa."

Pinagmasdan niya ang guwapong mukha nito. He seemed calm. Halata din sa mukha nito ang pag-alala. "Hindi ka ba galit sa 'kin?"

"Bakit naman ako magagalit sa 'yo? Wala ka namang kasalanan sa 'kin."

"Meron. I lied. I kept secret from you."

"Well, choice mo naman 'yan. But believe me. Hindi ako galit sa 'yo o nagtatampo. As for me, there's still nothing wrong with you."

Hindi na naman niya mapagilan ang mapaluha. Niyakap niya ng mahigpit si Zedric. "I'm sorry. Maniwala ka sa 'kin. It was never my intention to hide it from you. It was never my intention to lie. Natatakot lang talaga ako sa magiging reaksyon mo. Natatakot ako na hindi mo ako matanggap. Natatakot ako na iwan mo. Palagi mong sinasabi noon na gusto mong magpakasal na tayo, na gusto mo nang magkaaanak tayo. You were so happy of the idea of us having a family and I don't want to take that happiness away from you. Kaya pinili kong itago ang sakit ko. Hindi mo lang alam kung gaano ako napi-pressure at natatakot noon. May mga gabing hindi ako makatulog dahil sa pag-iisip kung papaano mo matatanggap ang nangyari o kung matanggap mo ba. Nadidepress na rin ako. Wala akong masabihan noon kundi si Remie lang. Oo, nakikinig siya sa mga problema ko, pero hindi ko maintindihan ang mga advice niya. She wanted me to leave you. Kaya pala, dahil may gusto siya sa 'yo. At hindi ko inaasahan na tatraydurin niya ako. No'ng nakita ko kayo ni Remie, sobrang nasaktan ako. Lalo na no'ng hindi ka nagpaliwanag. Sabi ko sa sarili ko, baka kaya nangyari 'yon ay dahil hindi naman ako naging tapat sa 'yo. Karma ko siguro 'yon. Sabi ko, mas magiging masaya ka kay Remie. And Remie's beautiful, she can gave you a baby, bagay din kayo. Pero hindi ko matanggap, e. Kailangan ba talagang gano'n? Sobrang sakit kasi, e. And when you approached me after all these years, I know deep in my heart that I still love you. Palagi mong sinasabi sa 'kin na high blood ako sa 'yo, well, it's just my way of preventing myself from falling for you again. Lalo na't may deperensya ako. Naoperahan ako two months after what happened. Akala ko alam mo na ang tungkol doon, akala ko sinabi ni Remie sa 'yo noon. Then I just realized na wala ka pa ring alam. Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako kay Remie dahil hindi niya sinabi sa 'yo o magagalit ba sa kanya dahil hinayaan ka pa niyang bumalik sa 'kin at bigyan na naman ako ng problema—"

"Nang araw na mahuli mo kami, that was the last time I saw her. I was never hers."

Tumango siya. "I heard. I've been dealing with myself about this whenever I'm alone and it's hard. Maiintindihan ko kung magagalit ka sa 'kin dahil nagsinungaling at naglihim ako sa 'yo. Pero sana maniwala ka sa 'kin na hindi kita pinaasa. Hindi kita pinaglaruan. Hindi rin madali para sa 'kin 'to. Because everytime that I'm with you, I fall. Dinedeny ko lang iyon sa sarili ko. Pinipigilan ko. At nandoon pa rin 'yong katotohanan tungkol sa 'kin. That I can't give you a family. I'm sorry for being like this. Hindi ko 'to ginusto, hindi ko sinasadya. I'm sorry..."

Inilayo siya ng bahagya ni Zedric. He cupped her face and wiped her tears away. Nakita niyang umiiyak na rin ito. "Alam mo ba na galit ako? Galit ako sa nangyari, hindi sa 'yo. But let's not talk about the past. Magsisisihan pa ba tayo, e, ang dami na nating pinagdaanan? Let's just learn from them. So what kung hindi tayo magkakaanak? E di, mag-ampon tayo."

It's Only Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon