Chapter 3

683 28 4
                                    




Ryu

"Ry... "

Naramdaman kong may humawak sa balikat ko at iminulat ko ang mga mata ko. My body is aching all over. Nakatulog pala ako sa upuan ng waiting area sa labas ng operating room.

Tinignan ko ang relo ko. Limang oras na ang nakakalipas nung ipinasok ang hindi nakikilalang babae sa operating room. Mabuti at dumating agad si Archie and he took over the patient. His family owns the hospital and he is currently the top neuro sergeon in the country. Mas kampante ako kapag sya ang magiging doktor ng pasyente.

Ang sabi ni Archie, malakas ang tama sa liver ng babae at kailangan agad na ma-operahan ito. Dagdag pa ang malakas na pagkakatama sa ulo nang bumagsak sa sahig ito. There are blood clots in her head, but he's hoping na hindi masyadong nadamage ang ulo nito. Not to mention the amount of blood na nawala sa kanya. He didn't say it bluntly pero alam kong nasa peligro ang pasyente. He warned me that it's gonna be a very complicated operation but they are going to do their best to save her life. They always say that. But who knows what will happen. Kahit sila pa ang pinaka magagaling na doktor, hindi pa din sila Diyos. But knowing Archie, He will do anything for the sake of his patients.

"Ry... It's a tough night. Go home. We'll take over from here." Sabi ni Kane.

Hindi ko alam na nakarating na pala dito si Kane. Kasabay nyang dumating si Archie kagabi dito sa ospital, but upon learning that the girl cannot be identified dahil wala man lang na kahit anong dala ang babae para malaman kung sino sya, ay umalis din sya kaagad para ma-trace ang identity ng Babae. Her family needs to know her condition.

"Yeah man, go home. You look like crap." Sabi naman ni RJ

They all looked concerned if not for the safety of the woman but for me. I know that they've never seen me like this. They can't blame me, it's not everyday that you run over and murder someone!

I looked around the waiting room, pero walang ibang nandon kundi kami pa ding tatlo.

"Hindi pa din dumadating ang pamilya nya?"

Napakunot ang noo ni Kane.

"That's the thing..." Napaka ot sya ng ulo. "I still don't know who she is."

Napakunot din ang noo ko.

"Now that's a first. Paanong nangyari yon?"

Si Kane ay isa sa pinakamagaling na computer specialist. Software developer in the morning, then hacker at night. Lahat ng mga pinapahanap ko sa kanya, tao man or any missing document, whereabouts, wala pang isang oras may report na kaagad sya. Ngayon lang sya sumablay.

"The police can't find anything on her. No wallet, cellphone, ids.. nothing. Hindi pa din natin ma run mga facial recognitions, since hindi pa natin na s-scan ng mabuti ang mukha nya. We can't get anything for now. Kapag ligtas na sya at nakuhanan na natin ng facial scan and finger prints, malalaman na natin ang identity nya."

Ok, his point is valid so I'm not going to put that against him.

Bumukas ang pinto ng operating room at lumabas si Archie.

"Nandito na ba ang pamilya nya?" Archie's voice is strained. Usually cool lang sya at makulit kahit na seryoso ang propesyon nya, pero makikita mo ngayon ang pagod sa mukha nya. ilang oras din kasi ang komplikadong operasyon at wala pa syang tulog.

Umiling ako. "I'll take resposibility for now."

"Ok.. ligtas na sya" Nakahinga ako ng maluwag, para akong nahugutan ng tinik sa sinabi ni Archie. Malamang, hindi na ako makukulong nito.

Sana'y ako na nga....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon