Chapter 9

617 26 2
                                    


Arrow/Aurora

"What's with the outfit?"

Sabi ko na nga ba at pupunahin nila ako. Naka-office attire kasi ako dahil may interview ako as office clerk sa isang kompanya. Medyo excited at medyo kinakabahan ako. This is actually my first job interview... Dati kasi meet the CEO na agad ang peg ko, dahil college pa lang ako pinirata na ako. Now, I don't know what to expect on my very first job interview.. Ang medyo nakakakaba pa, wala akong masyadong alam sa field na ito.. All I know is the job deals with documents. how hard can it be? hehehehe.. I hope... Saka na ako mag-re-research kapag natanggap na ako. 

I hate documents! Haaaayyy well, do I have a choice? Mas lalong ayokong maging secretary at magtimpla ng kape ng boss ko. Kaya ok na din yon! I need a job and very badly. Kahit siguro nagtitinda sa karinderya, papatusin ko na basta magkatrabaho lang!

Nasa kitchen counter ang apat na lalake ng buhay ko (sa ngayon) at kumakain ng breakfast. Lahat sila dito nag-overnight. Usually si Kane talaga ang halos dito na nakatira kahit hindi sya blood related kay Ryu. Bahay na din nya siguro talaga ito. Si RJ at Archie naman kung kelan maisipang mag-overnight lang, Usually 2 to 3 times a week, kapag hindi sila busy. Pero walang isang araw na hindi ko sila nakikita. Usually dito sila nag-d-dinner then kwentuhan till 11 or 12 midnight. Iyon ang routine nila. Isa lang ang napansin ko.. himalang parang wala silang mga girlfriends? Minsan may mga date sila pero bihirang bihira. Parang papalit-palit pa nga ng ka-date.

Minsan hindi ko na din natiis at tinanong ko si Kane kung wala ba silang mga girlfriends?

Kumunot lang ang noo at ang sabi " Kasalanan mo 'to e!" Tapos biglang iwan sa akin! Wala akong nagawa kundi sundan na lang sya ng tingin.

Huh? Anong kinalaman ko don? Parang ang layo ng sagot nya sa tanong ko! Pasaway! Ang wirdo nitong si Kane! Ilang araw na naman atang hindi natutulog ito at may tinatapos na trabaho, kaya siguro hindi na alam ang mga sinasabi nya.

Well anyway, simula noon, hindi ko na inungkat ang tungkol sa mga girlfriends na yan. At least alam ko na wala pang GF si Ryu.. ay sila palang lahat! hehehehe...

Nakatingin silang lahat sa aking nung pumwesto ako sa kitchen counter.

Deadma lang.... Kunwari hindi ko narinig ang sinabi ni Ryu.

Kain mode lang ako as usual.

When I didn't offer any explanation, nagtanong na ulit si Ryu this time medyo iritado na.

"May lakad ka ba?"

Pinuno ko ang bibig ko ng pagkain para tango lang ang sagot ko.

"And where would that be?"

Tumuro lang ako sa kisame... hehehe... then tinuro ko ang bibig ko... I think they got the message na wala akong balak sabihin kung saan ako pupunta.

Sumubo ulit ako kahit hindi ko pa nalulunok lahat ng nasa bibig ko.

"Ok.. ihahatid na kita, kung saan man yon." Sabi ni Ryu at nagpatuloy na sa pagkain.

Napatingin ako kay Ryu.. Magsasabi sana ako ng NO, pero punong puno ang bibig ko kaya hindi tuloy ako makaalma. Nagback-fire ata ang ginawa ko a.

"I can spare some time too. 11 am pa naman yung appiontment sa akin ng isang patiente ko, I'll let the other doctors do my rounds this morning." Sabi ni Archie.

Nanlaki na ang mata ko. Teka wait lang.... anong ibig sabihin non? sasama sila sa akin?

"Ako din, After lunch pa yung casting ko." Sabi ni RJ.

Sana'y ako na nga....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon