Chapter 14

624 27 2
                                    

Arrow/Aurora

"Ready?"

Magbubukangliwayway ng magkita kami ni Thea sa beach. After dinner last night, we hit it off as if we've known each other for a long time. Parang long lost friend ang peg namin sa isa't isa. Pareho kami ng wavelength at pareho kami ng mga trip. Pero mas loka-loka sya sa akin. Lagi nyang pinag-txtripan yung ate nya Spoiled brat daw kasi, palibhasa, sikat na model. But actually mas sikat nga si Thea compared sa ate nya that is, in the cosplay, vlogging and gaming world. Palagi daw syang pinapagalitan ng ate nya to get a real job, but in fact walang sinabi yung endorsements ni Thea compared sa ate nya. Down to earth lang itong babaeng ito.

Pinilit nya akong gumising ng maaga despite na halos madaling araw na kami nakabalik sa mga villa namin. Dadalhin daw nya ako sa favorite place nya dito sa resort pero kailangan naming maghike ng dalawang oras pero it's not anything I've ever seen before daw. So mas nanaig ang curiosity ko kaya kahit 2 oras lang ang tulog ko, bumangon na ako.

"Ready when you are." Sabi ko at binitbit ko na ang maliit na backpack ko.

Nakailang hakbang lang kami ng may narinig kaming tumatakbo papalapit sa amin.

"Hey wait up!"

Si Denver.. napangiwi tuloy ako. He's been such an ass last night. Parang gusto ko ng mag-backout a. Paano nya nalaman na may lakad kami ni Thea? Masyado bang malakas ang usapan namin, o chismoso lang sya?

"Bakit kasama yan?" Bulong ko kay Thea, She just shrugged.

"hayaan mo na." Bulong din nya sa akin. "He's straight forward, but he's harmless."

"Harmless?? " medyo napalakas ang sabi ko kaya siniko nya ako dahil malapit na sya sa amin.

Haaaayyy nako.. ano pa nga bang magagawa ko, andito na sya e... Alangan namang pauwian ko sya.

"Good morning princess... You look even great in the morning."

Wow.... What's good in the morning kung nandito ka? lakas maka-presko a...

Tipid na ngiti ang binigay ko sa kanya

" Tara na, baka sikatan na tayo ng araw." Sabi ni Thea..

Nakakailang hakbang pa lang ulit kami...

"And you're going where?"

Napalundag kami ni Thea!

"Ryu!!! Aatakihin talaga ako sa puso dahil sa yo!" sabi.. out of the blue naman kasi, bigla biglang sumusulpot!!! I swear,, kalahi ni Batman itong lalakeng ito!

"Hindi mo lang ako napansin, but I caught you sneaking out of the villa and you didn't even have the decency to tell me where you're going at kung sino ang kasama mo?" He said looking at Denver.

Napanganga ako...pero wala akong maisip na sabihin..

Feeling strict parent??

"We're just going on a hike, at biglaan. Saka wala na din naman akong chance na magsabi. "

He ws so engrossed with Yara last night, halos hindi na nga nya ako napansin na bumalik na ako sa Villa. And who knows what time sya umuwi??

Napasimangot na lang ako...

"Heeeeeyyyy!!! wait up.. Sama ako!!!!"

Sana'y ako na nga....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon