CHAPTER 21

219 10 0
                                    

Chapter 21

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na alam mo na ang lahat?"

Nakaupo ako sa kitchen counter ng mag-a-alas dos na ng madaling araw. Nasa kwarto na ang mga housemates namin, hindi ko lang din alam kung nakatulog na, kasi itong si Ryu mukhang mataas pa ang adrenaline. Inilapat ko ang ulo ko sa kitchen counter habang si Ryu ay binuksan ang fridge at naghahanap ng makakain. It's unusual for him to eat at this hour, pero baka naconsume na ng adrenaline nya ang mga nutrients sa katawan nya kaya ginugutom na ngayon. Ako naman, kumukulo ang tyan ko pero parang wala akong ganang kumain.

It's been an exhausting night, I should be dead asleep by now, pero para akong nakainom ng isang drum na kape at hindi ako makatulog! My mind kept coming back to what happened this day, para kasing sudden turn of event na naman ang nangyari kanina. But at least nakapagsabi na ako ng totoo sa kanila.  Hindi ko ine-expect na matanggap pa nila ako at hinahanda ko na ang sarili ko na ma-evict sa bahay ni kuya.

Syempre at first naramdaman ko ang feeling of betrayal sa kanila kahit hindi naman nila ito  sinasabi. Nakikita ko kasi sa mga mata nila esp kay Archie. Sino ba naman ang hindi magagalit kung ginawa kang parang tanga? Amnesia daw? Habang iniisip ko parang gusto ko din sabunutan ang sarili ko! Ang bait bait ng mga taong ito at iyon pa ang nagawa ko sa kanila... Come to think of it, 4 of the most brilliant young men, naisahan ko? Sa sobrang hiya ko sa ginawa ko, muntik na nga akong mag-alsa balutan kung hindi lang nakakulong si Thea sa kwarto ko at hindi ko makuha ang mga gamit ko. But I no longer have the energy to deal with her for now. Hinayaan ko na lang muna ang mga housemates ko ang kumausap sa kanya, I'll face her tomorrow, but for now, I need a break at sasabog na ang utak ko!

Hindi naman nagtagal ang arkwardness namin sa isa't isa, siguro nung nag-sink in na sa kanila yung mga sinabi ko, they understood my predicament, or at least they tried to,  and they promised to do whatever they can for my sake. Hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat sa Diyos at sa kanila ako napadpad at meron pa palang mga taong na katulad nila. Akala ko kasi noon na pare-pareho lang ang mga taong mapagsamantala mas lalo na yung mga maykaya at makapangyarihan. They will definitely drain you of whatever you can for their own benefit. Pero, I don't want to drag them into this mess. Malaki na ang nitulong nila sa akin... hanggang doon na lang siguro 'yon, they can only do so much and masyado ng makapal pa ang aking face kung po-problemahin pa nila ang mga problema ko.Hindi ko na sila idadamay. I will find a way to deal with my problems without getting them into this mess. Kung paano? Hindi ko pa alam... bukas ko na lang iisipin at wala na ako sa katinuan sa ngayon.

Haaaaayyyy! Ayoko na din munang isipin ang Genesis! Baka sa isang araw pa ako makatulog at mas lalong madagdagan ang stress na nararamdaman ko! Kailangan kong mablangko ang utak ko ngayon para ma-restart at makapag-isip ulit ako ng maayos. Kung pwede nga lang sanang mag-reformat ng buhay at mabura ang lahat to start a new, o kaya kahit hindi reformat,, kahit backtrack lang time pwede na din sana. Hmmmmm..... Back track of time? Time traveling? Hmmmmm.... Or I can develop a program like that? Ay wait! Me and my over-sized brain! Delete! Delete! Delete! Eto na naman ako at nag-d-day dream ng mga possibilities, baka kung ano na naman ang magawa ko at magkanda-loko loko na naman ang buhay ko! But then again.... why not? Maybe in the future kapag ayos na itong gusot na kinasasangkutan ko?

Don't!!!! Arrow! STOP IT ALREADY!

Ipinikit ko ang mata ko at Inumpog umpog ko ang noo ko, as if naman maba-blangko na ito agad... Bakit ba? Trip ko lang... malay mo naman kapag nilakasan ko, matrigger na talaga ang amnesia ko! I need to forget everything for now... kahit ngayong gabi lang naman...

Nung makalimang beses na bagsak ng noo ko, nagtaka ako at malambot ang tumama sa noo ko. Pagdilat ko ng mata ko, nakasalo sa noo ko ang kamay ni Ryu... Mapatuwid tuloy ako ng upo, pero hindi ko nabalanse ang sarili ko at muntik na ako mag-crash landing sa sahig, kung hindi ulit ako nasalo ni Ryu!

Sana'y ako na nga....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon