Chapter 7

633 28 0
                                    




Arrow/Aurora

"WHAT THE HELL ARE YOU WEARING?!"

Dumagundong ang boses ni Ryu ng lumabas ako ng kwarto. We are going somewhere, not sure where. Pero ang pinagtataka ko, bakit kumpleto sila? wala bang trabaho ang mga ito? Kala ko mga busy ang mga ito? Especially si Archie na palaging sinasabi na maraming mamamatay na pasyente kapag hindi sya pumunta ng ospital?

Tinignan ko ang suot kong Miniskirt, as in MINI SKIRT... Maganda naman sya... I love the color and design.. May taste naman talaga yung bumili.. Iyon lang... napa-ikli lang talaga.

"huh? Well, it's really kind of short..."

"Anong short? Kita na kaluluwa mo dyan!!! " Sabi ni Ryu at binatukan si RJ.

"Ganda naman a." Sabi ni Kane at binatukan din sya ni Ryu. "Hey! Masakit yon a.... And besides... Kasalanan ba naming matangakad itong si Au? Lampas tuhod ng sales lady kaya yan! "

Ok so that explains it, isinukat pala sa sales lady. I'm 5'8" and I'm kind of taller than most Filipina women. Pero kapag katabi ko itong mga lalakeng ito, para akong nanliliit.

Umakyat si Ryu sa kwarto nya at pagbalik ay may bitbi syang jogging pants at inabot ito sa akin.

"Wear this."

Napataas ang kilay ko.

"As if mag-ka-kasya?" He glared at me and I glared back! Hindi naman ako masyadong maarte pagdating sa damit.. pero hello.. kapag sinuot ko yung jogging pants nya.. para akong rapper na hindi maintindihan! Buti sana kung dito lang sa bahay... Lalabas kaya kami... magmumukha akong alalay nitong mga lalakeng ito!

"Wear this!" Madiing sabi nya.

"Hindi talaga kakasya.. mas nakakahiya kung mahuhubaran ako!" Sabi ko habang pinapakita ko sa kanya kung gaano kaluwag yung damit nya sa akin. Hindi pa nakuntento, kinuha nya yung damit at itinapat sa bewang ko.

Napamewang ako sabay taas ng kilay...

"This.... is... awkward... " Kunwari na lang at nag-t-taray tarayan ako... But in truth... pinagpapawisan ako ng malamig... pinipigilan ko ang hininga ko dahil sa sobrang lapit nya. Kung pwede ko lang itulak itong lalakeng ito! Ano ba ito.. bakit kumakabog ang dibdib ko. I admit, he's terribly attractive... but so as the rest of these guys. Pero parang iba ang dating sa akin ni Ryu. He has this appeal and charisma na talagang pamatay e. Kwento nga ni RJ, sya daw talaga ang pinakamabenta sa kanilang apat. Pero sa dinami dami ng naging girlfriends, kahit isa, walang sineryoso. Oo nga naman. With that drop dead looks, matalino at yayamanin pa... ano pa ba ang dapat i-expect? Kaya Arrow.... wag na wag kang ma fa -fall sa lalakeng iyan!

Natuahan ata si Ryu at inihagis kay Rj yung jogging pants. Hinubad nya ang jacket nya at ito na lang ang ipinulupot sa bewang ko.

"This will do for now.... Let's go." Sabay hugot sa cellphone nya at naglakad palabas ng bahay na parang wala lang.

Sumunod na din yung tatlo.

"Teka..Saan ba tayo pupunta? Kailangan ba talagang kasama ako? "

"Ikaw nga ang talagang kailangan dito." sabi ni Kane... "Reremedyohan yung wardrobe mulfunction mo. Hindi pumasa kay master yung fashion satements namin." Ngingiti ngiting sabi nya.

"A ganon ba? " Gusto ko sanang mag-protest, pero mas nanaig sa akin ang mapalitan ang mga damit, kasi hindi ko din maatim na isuot ang mga iyon.  Wala na akong nagawa kundi sumunod sa kanila. Pero, Bakit kailangan kasama pa silang lahat? Mag sh-shopping lang naman or may iba pa ba sing lakad or agenda? 

I don't know, but I have a bad feeling about this.

*****

Bad feeling????!!! BAD FEELING??! More like a MAJOR DISASTER!!!

Sana'y ako na nga....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon