Chapter 5

661 31 2
                                    

Arrow/Aurora

I closed my eyes again, parang sa pagmulat pa lang ng mata ko, sobrang pagod na agad ang inabot ko. Hindi pa man din inaabot ng ilang segundo, nakatulog na ulit ko.

When I get concoius again, may mga naguusap na mga lalake sa paligid ko. On what they are saying, I could not comprehend. Parang hindi pa masyadong gumagana mga senses ko. I know I have been sleeping for some time now, on how long... I don't know....

I opened my eyes again, this time, hindi na masyadong mahirap katulad nung una kong minulat ang mga mata ko.

"She opened her eyes again." a guy said and they all hushed. Ano bang ginagawa nila sa paligid ko? Why are they here? Do I know them? Do they have any business with me?

I closed my eyes then I opened it again. Nakakaaninag na ako, but everything seems misty. Saka nasisilaw ako sa sinag ng araw?

"Hey... welcome back..." Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses.  sobrang malabo ang tingin ko at hindi ko masyadong madefine kung anong itsura nya. I close my eyes again thinking, pinaikot ko ang mata ko, hoping that it"ll moist my eyes a bit, feelin* ko kasi sobrang dry kaya ang labo ng paningin ko. Hindi lang ang mata ko ang dry, feeling ko pati lalamunan ko. Lumunok ako and I feel as if nakalunok ako ng snadpaper. Naubo ako, and I felt pain in my stomach.

Aray a! What the heck! Para akong nag-s-stomach cramps! Gusto kong mamilipit pero parang hindi sumusunod ang katawan ko sa gusto kong mangyari.

"Take it easy... Doc.. what's happening?" sabi nung lalake.. I recognize the voice. Sya yung palaging kumakausap sa akin. I tried to breath slowly so that the pain will go away... hindi naman nagtagal at nag-subside na din ang sakit.

Sa konting activity na nagawa ko, I suddenly felt exhausted, but I refuse to go back to sleep. Pakiramdam ko kasi ay ang tagal tagal kong nagpapahinga. I want to get up but I"m a bit confused... bakit hindi nag co-cooperate ang katawan ko?

I opened my eyes and look at the guy at my right side. Alam ko na sya yung kumakausap sa akin palagi. I just felt so familiar with him. Malabo pa din ang tingin ko, pero napapansin ko na habang tumatagal, unti-unting lumilinaw ang paningin ko.  Patuloy ko syang tinitigan. Hanggang nakikita ko na sya. hindi gaanong malinaw, pero nakikita ko na ang mukha nya.... And my gosh... where in the world did this guy came from??

"Who..... are.... you..." or those are the words that I want to say... pero parang palakang kumo-kokak-kokak ang dinig ko sa sarili ko. Nakakahiya a... e kamusta naman ang hininga ko? My gosh... parang ayoko na magsalita!! Matulog na lang kaya ako forever?!

I can just keep my mouth shut for now, but I'm no longer gonna keep my eyes shut. Mas lalo na at masarap pala sa paningin itong lalakeng ito..... I am positive na hindi ko sya kilala. But maybe? Na-meet ko ba sya kung saan? Bakit ganyan sya ka concern sa akin? Hindi pa din malinaw ang pag-i-isip ko. I don't even know what's happening and where I am...

May isa na namang lalake ang lumapit sa akin. Naka lab gown sya at tinutukan ng maliit na flashlight ang mata ko at ginalaw galaw nya ito. Nasilaw ako at ipinikit ko ang mga mata ko.

Malamang doktor sya. Ano pa nga ba? may stethoscope na nakalagay sa leeg nya... pero ang gwapo din a. I opened my eyes and looked at the rest of the guys na nakapaligid sa akin.

Did I die? Mukhang nasa langit na ata ako! Bakit ako napapaligiran ng ganitong napaka-g-gwapong nilalang?

"Hi I'm Archie, I'm your attending physician. You don't need to speak, alam kong mahihirapan ka pang magsalita sa ngayon. But can you do something for me?" Hinawakan nya ang kamay ko. "Can you move your fingers?"

I tried moving it but at first attempt, parang walang nangyari. Medyo nagpanic ako! Maliit na bagay ang pinapahaga sa akin ng doktor, pero bakit hindi ko magawa?

Ngumiti ang doktor as if assuring me that it's ok and everything is fine. 

"Just try, if you still can't it's ok. " 

Sinubukan ko ulit igalaw ang daliri ko. Yung effort na ine-exert ko ay parang nagbubuhat ako ng 80 kilos na tao! Gosh! It's just a finger! 

After some tries, it moved!!! I'm not paralyzed! Maiyak-iyak ako... I was afraid that I will spend the rest of my life in bed... helpless.... lifeless... Hindi ko kaya yon! 

Nakita ko ang relief sa mukha ng doktor. Sa tingin ko crucial ang pinagawa nya sa akin. Kahit konting paggalaw lang ng daliri, it feels I've accomplished a lot!

"You'll be fine Aurora....Get some rest. " Humarap sya sa mga kasama nya. "For the rest of you... GET LOST!" 

Aurora? Sino si Aurora?

**** 

Unti-unti akong lumakas. Without them knowing, I pushed myself to regain control of my body. Nakikiramdam ako sa paligid ko. The guys come and go, but it seems that they have camped in this room. Don't they have anything better to do? Nagagalaw galaw ko na ang ulo ko pero masakit! Parang may sugat ako sa ulo? Na-operahan ba ako sa ulo? Hindi ko naman matanong sa mga nurse dahil un-audible pa din hanggang ngayon ang boses ko. It just keeps on croaking and it makes me very frustrated! At syempre nakakahiya na para akong palaka. 

Hindi pa din ako masyadong makagalaw... Hindi ako masyadong makapag-communicate. But what's good about it, it gives me time to think. I have been racking my brains on what happened. My mind is all over the place and it always gives me a headache whenever I try to recall the things that happened that led me into this hospital.

 Archie, my doctor, can see what I'm trying to do and he keeps on reprimanding me.  Mas makakasama daw sa akin yung palaging nag-iisip. That's when I found out that I had a head surgery. Oh my gosh my head! Bakit sa lahat ng ma-d-damage ang ulo ko pa! Sana naman 'wag akong matulad kay Harley Quinn! My brain is too precious to me! Pati yung liver ko, nalamog daw and they have to cut some of it and they are letting it regenerate. Sa loob loob ko, pwede pala yon? hehehe.... Ewwwww... saan na kaya napunta ang parte ng laman loob ko?? Huhuhuhu!

***

Palagi nilang nababanggit si Aurora. I keep on looking around the room if there is another female present... but later I found out that I was the one they are referring to?

Aurora? Paano ako naging si Aurora? Do I look like an aurora? I still don't want to look in the mirror. Nagka-head surgery ako, natatakot ako, baka kamukha ko na si Frankenstien!!! Oh my gosh my precious face! haaaaayyyy nakoooo..... Ska wait... head surgery? Hindi ba kinakalbo nila ang mga nag-uundergo ng ganong procedure? OMG MY HAAAAAIIIIRRRR!!! Pero medyo nabawasan ang panic attack ko ng makapa ko naman ang mahabang buhok ko... haaaaayyy... baka part lang ng ulo ko ang shinave nila.... well at least hindi naman totally kalbo. 

Mabuti na lang the guys na nag-camp in dito sa kwarto, they all seem decent... Mukhang hindi lang basta edukado, mukhang may mga sinabi. They all look rich, base from the designer clothes that they wear. At kapag magusap ng seryosohan,, mukhang matatalino. Pero parang mga sira ang ulo kapag nagbibiruan. It may seem that I am doing nothing at nagpapagaling... pero ang hindi nila alam, inoobserbahan at pinag-aaralan ko sila dahil dapat kong malaman ang lahat ng bagay na nasa paligid ko for my own sake. Maraming mga mukhang desente at mababait pero kalahi pala ng demonyo! 

Every now and then, they will check on me, trying to talk to me. At talaga ngang Aurora ang tawag nila sa akin. Kung bakit? Parang ayoko ng alamin. Maybe I'll just let them call me just that.... for now.

There is this guy... na tinatawag nilang Ryu. He keeps on coming back kapag gabing gabi na o kaya madaling araw. He pulls a chair beside my bed and just sit there.... akala nya tulog ako pero pinakikiramdaman ko sya. Hindi ko nga alam kung nakakatulog sya doon.. But in some ways, it comforts me. Feeling ko kasi parang may nag-p-protekta sa akin. Kapag pasikat na ang araw, aalis na sya.. But whenever he leaves, he will reach for my hand and say.. "I'm sorry"

And why would he say that? Parang ayoko pang malaman.




Sana'y ako na nga....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon