shy ♡ fifteen

125 3 0
                                    

"Inah," tawag ng isang boses sa likuran ko, kaya naman ay napatigil ako.

Once I turned around, nakita ko naman na si Jisung yun. He looked around us bago siya nagsalita, na para bang iniisip niya kung mayroon bang makakakita sa amin. I wouldn't blame him, though. He's one of the eyecatchers here in Neo.

"Hmm?" I asked, and then he sighed before speaking.

"Mukhang malungkot ka? Ano bang meron?" Sabi niya, and I looked down before tracing my eyes back to his.

"Wala to," I said, and then gave him a smile.

Napakamot naman siya sa ulo niya at saka umiling iling pa, until tinawag na siya ni Chenle.

"Jisung! Tara na! Uwi na," tawag ni Chenle, and then Jisung looked at me kaya naman tumango ako.

What is it to him anyway kung malungkot ako o hindi? Bakit siya may pakialam?

Naglakad nalang ako sa may loob ng campus, taking in its beauty. Minsan naiisip ko rin, what would have happened if I talked to people in my class? Ano kayang mangyayari kung hindi si Ria at Yuna lang ang kinakausap ko nuon?

Habang naglalakad naman ako ay may narinig akong mga nagbubulong-bulungan.

"Oo, bes. Si Inah Jung at Haruto daw dati. Tapos e may something kay Chenle at Inah kaya nakipagbreak si Haruto at babalik ng Japan. Tangina, ang landi,"

"Talaga? Shet, silent but deadly naman pala. Sayang, maganda pa naman! Malandi naman palaaaa. Nung minsan nakita ko yung post tapos parang si Jisung rin tinitira?"

"Palibhasa kapatid ni Jaehyun oppa at ni Lucienne kaya kayang kunin kahit na sinong lalaki ang gustuhin,"

"Alam mo ba, si Inah, stuck up yun! Kinakausap lang nun yung mga populars. Sina Ria at Yuna, sila lang nga yung kaibigan nya. Di ko rin magets bakit kaibigan nina Ria yun."

"Aish. Tingin siguro sa sarili, kataas-taasan. Palibhasa matalino rin naman, kaya siguro ganyan ang ugali?"

"Siguro nga! Nakakatakot rin na lumapit-"

Hindi ko na tinuloy ang pakikinig dahil mas binilisan ko na ang paglakad ko. Ano bang ginawa ko sa kanila at kailangan na pag-usapan nila ako ng ganyan?

My fingers were trembling as I tried to walk further into the campus. For such words, bigla nalang akong pinanghinaan at saka kinabahan.

Ganun ba talaga ako? Ganun ba ako kaya ganun yung tingin ng mga tao sa akin?

My lower lip started trembling so I bit it, at saka sumandal ako sa may wall. Nagsituluan ang mga luha ko dahil hindi ko maalis sa isipan ko lahat ng mga sinabi nila.

Although I may not seem like it, madalas kong iniisip kung ano ba ang tingin sa akin ng mga tao. Hindi ko man pinapahalata pero nasasaktan ako sa tuwing naririnig ko lahat ng sinasabi nila sa akin.

"Uy, Chanel? Bakit ka umiiyak? What happened?" Tuloy tuloy na tanong ng isang boses na alam kong magpapakalma sa akin.

"E-Eonni, they think I'm bad," sabi ko, at saka sinugod ng yakap si Lucienne eonni.

She sighed, hugging me back after. I just held on to her tight, crying my heart out.

"Shh. You're far from what they call you, okay? You're not like that."

I hope so.

shy ♡ park jisungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon