shy ♡ epilogue

123 3 5
                                    

"Tara naaa!" Sabi ni eonni, habang nakasakay kaming tatlo nina Jaehyun oppa sa sasakyan ni oppa.

Nagsorry na ako kay oppa, and nagkaayos naman na kami. Nagmoment na rin kaming tatlo, and oppa promised na susubukan nila akong bisitahin ni eonni sa bakasyon.

"Sabi ko nga, tara na. 3:17 palang kasi, eh. Excited lang?" Sabi ni oppa, pero nagdrive na siya.

"Syempre para makapagstay pa tayong kaunti dun kasama siya. Isip naman, oppa," sabi naman ni eonni, making me chuckle.

"Hindi talaga pwedeng walang nasasabi, Lucienne Jung," sabi naman ni oppa, kaya nagtawanan kami ni eonni.

"Walang iiyak, ah? Naalala ko si Inah umiyak nung umalis last year si Lucienne," sabi ni oppa, kaya naman ay sinimangutan ko siya.

"Paki mo, oppa?"

"Sabi ko nga. Magsama kayong dalawa."

♡♡♡

Nasa airport na kami at kasama ko na rin 'yung tauhan ni dad na sasama raw sa akin pabalik ng L.A. Narito din sina Yuna at Ria, si eonni, at si... Dohyon. Umiiyak pa siya. HAHAHAHA!

"Ikaw pa talaga 'yung umiyak 'no, Dohyon?" Pang-aasar ko sa kanya, and sinamaan naman niya ako ng tingin.

"Bawal na ba? Kaibigan kita, eh. 'Yung pagkain ko, 'wag na 'wag mong ililimot, ha?" Sabi niya, kaya naman natawa ako at saka sinabunutan siya ng pabiro.

"Yung usap niyo, Inah. Sinasabi ko," sabi ni Yuna, looking at me as if trying to prove her point.

"I know," sagot ko.

"Basta 'yung ship ko. Bawal magsink, ha?" Sabi naman ni Ria, and I smiled at her.

"Ako rin. Bawal naman sana na magsink 'yun. Kaso wala siya dito," sabi ni eonni, making me look down. 3:50 pm na. May 10 minutes pa naman.

Si oppa, nasa sasakyan na niya at hihintayin nalang raw si eonni mamaya. Niyakap na rin niya ako at binilinan kanina bago kami pumasok sa airport. Umiiyak yata siya, eh, hahaha!

Magsasalita pa lang sana ako, kaya lang ay bigla akong nakarinig ng tumatawag ng pangalan ko sa may likuran kaya napalingon agad ako.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Jisung kasama ang Dreamies. I blinked rapidly, at saka ibinaling ulit ang atensyon ko kina Ria.

"Uyy," pang-aasar pa ni Yuna, kaya naman ay pinalo ko siya.

"Mag-usap na kayo, habang may 10 minutes pa," sabi naman ni eonni kaya ay hinarap ko nalang si Jisung na siyang nasa may likuran ko na pala.

Niyakap ko muna ang Dreamies, bago ko kinausap si Jisung.

"Mauna na kami, ha? Hayaan na namin kayo ni Jisung. I love you, aegi!" Sabi ni eonni, at saka niyakap akong mahigpit before kissing the top of my head.

"Ne, eonni. I love you, too," sabi ko, and then humiwalay na siya sa yakap.

Umalis na siya kasama sina Yuna at Ria, pati ang Dreamies na rin, kaya naiwan nalang kami ni Jisung dito. Gumilid rin 'yung tauhan ni dad at nagphophone, kaya parang kaming dalawa nalang talaga.

shy ♡ park jisungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon