shy ♡ thirty five

89 1 1
                                    

From: Dad
Inah, pack your things. You're coming to US.

Unang salubong sakin ng Monday, ang message agad ni Dad ang tumambad sa akin. Nakauniform na ako, nakabihis at paalis na sana sa bahay nang mabasa ko 'yun. Anong pupuntang US? Hala. Pinauwi niya nga si eonni dito, tapos ako naman ang kukunin niya?

"Inah, ayos ka lang? Pasok na tayo," sabi ni eonni, kaya naman napatingin ako sa kanya.

H-Hala. Paano ko ba sasabihin? After a whole week na hindi nanaman siya pumasok, papasok na siya ngayon but ako naman ang kailangan na umalis na. Ano bang nangyayari?

Hindi ko pa rin nakakausap si Jisung!

Pati si Jaehyun oppa... 'di ko pa rin kinakausap.

Anong gagawin ko?

"Hala, malalate na tayo," sabi ni eonni, kaya naman I gripped the hem of my skirt and then breathed in and out deeply bago ipakita kay eonni 'yung message ni dad.

Kinakabahan ako habang pinapanuod siyang binabasa 'yun. Anong sasabihin niya? Ngayon nalang ulit kami nagkasama dahil ngayon nalang ulit siya umuwi dito sa bansa, pero ako naman ngayon ang kailangan na umalis. Paano na?

"Oh," eonni said, making me look down.

"Wala naman tayong magagawa d'yan, aegi. Gustuhin ko man na sabihin kay Dad na wag kang kukunin dahil para magkakasama na ulit tayong tatlo, hindi ko magagawa. Sayo rin niya ibubunton 'yun galit," sabi ni eonni, and I sighed before nodding.

"I-I know, eonni. Pero... paano na 'yun? Lagi tayong magmemessage eonni, ha? Like before. Tapos magvivideo call rin tayo. Tapos... baka makahanap ka ng iba mong aegi," sabi ko, pabulong ang huli.

She then sighed before ruffling my hair at saka niyakap ako. Naiyak nalang ako bigla, hugging her tighter. Nakakainis naman, eh.

"Shh. Ayaw kong magkaroon ng dongsaeng, kung hindi rin ikaw, okay? Kalma ka lang d'yan. Lagi tayong magmemessage. And... kausapin mo na rin muna si Jisung. Teka, anong oras at araw ba ang alis mo?" Tanong niya, and I blinked rapidly.

Oo nga. Hindi sinabi ni dad.

"Hindi niya po sinabi-"

Hindi ko pa natapos ang sasabihin ko nang bigla akong tawagan ni dad, kaya naman ay sinagot ko na agad 'yun.

"Inah? Mamayang 4pm kailangan ay nasa airport ka na. May darating na tauhan ko d'yan, and then sasabayan ka rin niya na pabalik dito sa L.A. Mag-impake ka na, ha? Dito ka na magtatapos. Pati college," sabi ni Dad, making me gape.

Magtatapos...? Pati college...?

Hala...

"D-Dad, seryoso ka po?" Tanong ko, and then I heard him sigh before speaking.

"Narinig mo na. Magdodoctor ka, Inah. Susunod ka sa footsteps ko," sabi ni Dad, making me look down.

Sabi ko nga. Sabi ko nga.

"O-Opo. Mag-iimpake na po," sabi ko, and then he ended the call.

Agad agad na ibinulsa ko 'yung phone ko at saka niyakap si eonni ng mahigpit. Hindi ko siya makikita ng matagal. Hindi ko sila makikita ng matagal.

shy ♡ park jisungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon