shy ♡ twenty eight

118 3 3
                                    

"Last one! Game!" Sigaw ni Jaemin, at nagposisyon na silang anim.

Tumugtog naman yung sinasayaw nila, habang nandito ako sa may gilid at nanunuod lang. I believe... na boses rin nila ang nasa kanta.

I was amazed, really. They were really good at dancing, but when I heard Jisung's voice, natahimik ako lalo.

It was deep, but it was deep enough to touch my heart. AAAAAAGH!

Inah, nababaliw ka na! Thoughts, shoo! Shoo!

Nang matapos na sila sa pagsayaw sa last raw nila, nilapitan na ako ni Jisung dahil katabi ko ang bag niya. Pinagpapawisan siya, pero hindi ko mapigilang isipin na kahit ganun ay... he was so attractive.

Anong meron? Nababaliw nanaman ako kay Jisung? Akala ko binaon ko na talaga to nung middle school! Sino ba kasing pasimunong nagsabing kaibiganin ko yung dreamies, huhu, nalugmok tuloy ulit ako.

He sat down beside me, kaya naman ay kinuha ko yung face towel sa bag ko at saka hinarap siya sa akin para punasan. He was blinking rapidly, at hindi siya makatingin ng diretso sa akin, at ganun rin ako. Kung magtama ang mga mata namin, panigurado akong mapapatakip nanaman ako ng mukha lalo na sa nangyari kanina...

While I was lightly dabbing the face towel on his face, bigla naman siyang nagsalita.

"T-Thank you," he whispered, and I froze.

"E-Eh? I mean, it's nothing. Normal lang naman to, diba?" I answered, he then smiled at me at nagtama ang paningin namin.

I could feel my cheeks heat up, but I couldn't look away. Napatitig ako sa mga mata niya. Agh! They were pulling me in!

"Hoy! Hustisya sa walang jowa! Nakakabitter amp," sabi ni Haechan, kaya naman natawa kaming lahat.

"Wawa, walang jowa," pang-aasar ni Jaemin sa kanya, kaya naman tinawanan siya ni Haechan.

"Kawawa, hindi binisita ng jowa sa practice!" Pang-aasar ni Haechan, kaya mas nagtawanan sila.

"Ano, sabay sabay na tayong umuwi sa dorm, ha?" Sabi ni Chenle sa kanila, and I suddenly felt Jisung holding my hand.

I looked at him, pero kay Chenle naman siya nakatingin.

"Ah, hahatid ko muna si Inah sa kanila. Mauna na kayo," sabi ni Jisung, and I bit my lower lip.

Jisung! Paano ako makakasurvive nitooo? How can I?! Alam ko na kaagad na pagkauwi ko, mapapatili ako sa mga unan ko!

"Naku, binata na talaga. Sapatusin kita, eh. Naunahan pa ako," sabi ni Haechan, and Jisung grinned.

"Galaw galaw. Baka pumanaw," pang-aasar nitong katabi ko, at inasar asar pa nila si Haechan.

Tumayo naman na si Jisung kaya tumayo na rin ako, then he picked up his bag. Lumingon lingon naman ako, and narealize ko na naiwan ko pala yung bag ko sa classroom.

Nagsilabasan na rin sina Haechan, kaya naiwan na rin kami dito. They were cleaning up the practice room habang magkausap kami ni Jisung kanina, at nag-aasaran sila.

shy ♡ park jisungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon