Because I was pretty bored today, a Saturday, hindi ko rin mapapaniwala yung sarili ko na pumayag akong sumama sa gala ng Dreamies.
"Sa wakas, nakasama ka rin namin! Hehehe! Hindi ko alam, pero proud ako sa sarili ko kasi naisama kita!" Sabi ni Chenle, at tumawa pa kaya naman I sighed.
"Ikaw, sure ka? Ikaw?" I joked, dahil sa buong Dream, si Chenle at Jisung palang rin naman yung maituturing kong kaclose ko na.
"Edi sino? Si Jisung? Hoy, may kayo, no? Umamin ka nga!" Pagbibiro ni Chenle, kaya naman ay agad ko siyang sinabunutan.
"Hoy! Zhong Chenle, hindi ko g-gusto si Jisung!" Sabi ko, and then he chuckled before giving me a teasing look pero inirapan ko siya. Hmp.
"Joke lang naman, eh. Aysus, Park Jisung, anong pagmumukha yan? Nabadtrip ka ba? Namumula ka yata, ah?" Pang-aasar pa nitong si Chenle, kaya naman ay nahampas siya.
"Ang ingay mo. Maglakad ka nalang," sabi ni Jisung, making us chuckle.
"Bagay mo," sabi ko kay Chenle, at nagulat naman ako sa sumunod na nangyari.
Kanina kasi, nasa harapan namin sina Renjun at Jeno, and then si Haechan at Renjun, then nasa pagitan namin ni Jisung si Chenle. After that, however, inakbayan ako ni Haechan at saka iniwan niya si Renjun.
"Partner ko na si Inah. Bahala kayo, Chenji. Bet ko siya, sinasagot sagot ka niya, Chenle! HAHAHAHA!" Sabi ni Haechan kay Chenle, kaya naman ay nanlaki ang mga mata ko at napaalis sa akbay niya.
"Ayan, akbay pa, Donghyuck! HAHAHAHA. La ka palang talab, eh," sabi ni Jaemin, so they laughed.
I sighed. Bakit na kasi ako sumama?
"Dun ka na nga sa jowa mo, Jaemin. Masampal pa kita left and right," sabi ni Haechan, making me chuckle.
Nararamdaman ko naman na may nakatingin sa akin, but I didn't wanna turn around. Baka di ko mapanindigan.
Ang sabi naman ni eonni at ni oppa, sumama raw ako sa dreamies dahil sila rin ang magiging kaibigan ko na di ko pagsisisihan. Better befriend them, naumpisahan ko na rin naman na kina Chenle at Jisung.
Saka hindi naman masama, kahit na may itinatago ako... hindi ba?
"Wala ka lang jowa, eh. Aw, Jeno, ikaw nga, try mo kaya jowain si Yuri? Bagay naman kayo nun. HAHAHAHA!" Pang-aasar ni Jaemin kina Jeno at Haechan.
"Luh, siraulo!" Sabi ni Jeno, pero pansin kong napangiti siya ng kaunti.
"Yuri? Yuri Tachibana?" Tanong ko, and then they all looked at me at tumango.
"Oo, yung pinsan ng kaklase natin, si Haruhi. Si Haruhi na girlfriend ni Jaemin. Miraculously. Nakakagulat, hindi ako makapaniwala na may papatol kay Jaemin-"
"HAECHAN!"
♡♡♡
Siguro nakailang ikot ikot kami sa mall, sa arcade, sa mga kainan at sa mga clothes shop. Bagong tayo kasi ang mall na pinuntahan namin, and then medyo malaki rin siya. 6 floors, and complicated pa ang pagkakagawa sa bawat floor.
Out of town rin ang pinuntahan namin, imbes na sa malapit lang, kaya hindi kami masyadong familiar. Hindi pa rin daw nakakarating dito yung Dreamies, kaya I was surprised. Balita ko kasi ay palagala rin minsan ang mga to.
"Hoy, nawawala yata tayo?" Sabi ni Jeno, kaya naman natigil kami dahil nanlaki ang mga mata ni Renjun.
"Fuck." Sabi niya, making me look away to suppress my laughter.
Intellectual Huang Renjun cursing in front of us. HAHAHAHA.
"Gago, seryoso ako. Feeling ko nadaanan na natin to kanina. Pero san paliko pauwi? Oy, may map kayo ng...?" Sabi ni Jeno, namomroblema.
I facepalmed. Mall to, Jeno. Mall. It's not exactly that hard to find an exit.
"Dito yun, oh? Mga monggol. Dito! Oh... dun? Teka, dun yata-"
"Jaemin naman! Yung totoo?" Sagot ni Renjun, kaya naman natatawa ako ng kaunti sa kanila.
"Um, guys, dito-" sagot ko sana, kaya lang ay sumingit si Chenle.
"Shh, Inah. Alam ko na ang daan, dito talaga," sabi naman niya, and I groaned.
"Dito nga-" sasabihin ko nanaman sana, pero siningitan nanaman ako ni Chenle.
"Aaaah, Inah. Believe me, dito yun-"
"Kanina pa tayo paikot ikot dito. Gusto ko nang umuwi. Kanina pa. Yung totoo? Chenle? Saan ba?" Sabi naman ni Jisung, na mukhang kanina pa wala sa mood.
"Hoy! Para kayong ewan, nasa mall lang tayo! Malamang may signages rin na maglelead." Sagot ko naman, kaya natahimik sila.
"Ay, oo nga no? Hehehe," sabi naman ni Jaemin, kaya I facepalmed.
Nakakasira sila ng ulo, sa totoo lang. God.
♡♡♡
"Inah! Accept mo na talaga friend request ko mamaya, ah? O kaya ngayon na, may data ako. Connect ka sakin, hehe," sabi ni Haechan, kaya naman tinignan ko siya.
Nakasakay kasi kami sa van. Sa first three ay magkakasama sina Jeno, Renjun at Jaemin, and then sumunod naman kami ni Haechan, because he insisted. Sa likod namin, sina Jisung at Chenle. Dapat makikisingit si Chenle sa amin kaya lang ay naisip yata niyang walang makakasama si Jisung sa likod.
Kanina ko pa gustong kausapin si Jisung, pero for some reason wala talaga siya sa mood at mukhang nagsusuplado. Kanina pa rin siya uwing uwi but we were stuck in traffic. Hindi rin kami nagkausap ng matino sa mall, kasi nga si Haechan ang kasama ko. Haechan was really smiley when he was with me that I didn't wanna ruin his mood.
"May data rin ako," sabi ko naman sa kanya, and then he whined.
"Eh, bakit di pa ngayon? Sabi mo kauwi. Ngayon na kasi! Yung masasaksihan ko!" Sabi niya, and I chuckled.
"Okay..." sagot ko, and then inilabas yung phone ko.
Habang inaaccept ko yung friend request niya, he was watching. Akala mo naman. HAHAHAHA.
"Tss."
Napatigil ako sa narinig ko. Was that Jisung?
Nagsmirk naman si Haechan, kaya naguluhan ako lalo pero hindi ko nalang ipinahalata.
![](https://img.wattpad.com/cover/210623238-288-k597793.jpg)
BINABASA MO ANG
shy ♡ park jisung
أدب الهواة[ nshitty series ] "pa-shy ka pa, crush mo naman si jisung!" in which someone thought she has a crush on him, thinking she was only too shy to admit it. cover by @venleyy