shy ♡ nineteen

130 4 10
                                    

"Kayo ngang dalawa, sabihin niyo sakin. Anong meron sa inyong lovelife? Bakit mukhang pinopormahan kayo ng ibang members?" Pagbasag ni Jaehyun oppa sa katahimikan, habang nagdidinner kami.

Nasamid naman kaming sabay ni eonni, kaya uminom ng tubig. Di ako makapagsalita, habang si eonni naman ay sinabunutan na si oppa.

"Aray! Nagtatanong lang! Ikaw, pinopormahan ka ni Dejun, no? Aba. 99 liner din yun! Ano bang meron sa-"

"Oppa! Oo na, mahilig ako sa 99 liner pero hindi ibig sabihin nun na gusto ko si Dejun, no! Jusko po, maaga akong tatanda sayo," sagot naman ni eonni, kaya medyo natawa ako.

"Abaaaa. So totoong nagustuhan mo pala yung Hangyul sa Produce?!" Tanong ni oppa, at napaiwas naman ng tingin si eonni. "Produce yun, Lucienne! Produce!"

"Laki ng galit nito sa Produce," sabi naman ni eonni, habang nakanguso pa. "Di ka lang pinili ni Jiyeon-"

"Lucienne naman! Ikaw talaga. Hay nako. Tsk." Sabi naman ni oppa, and I giggled. Tiklop siya kay eonni, eh. "Maiba, mukhang nagkakausap na kayo ng Chenji, ah, Inah? Saka nakita ko yung pa-gummy bears ni maknae. Nagbibinata na talaga-"

"A-Ano naman?! Magkaibigan kami! Jusko, oppa. Anong iniisip nito! Kaibigan!" Sabi ko, and then he smirked.

"Defensive. May pag-asa yata si Jisung-"

"Hay nako! Ikaw nga walang pag-asa kay Jiyeon eonni! Wag mo kami idamay, jusko-"

"AGHHH! Isa ka pa, Inah! Ulit ulit! Nakamove on na ako sa best friend ko!"

"Aw, best friend zoned!"

"Ansaklap naman nun, oppa. Okay ka pa ba? I mean, araw araw mo siyang nakikita-"

"Lucienne, Inah!"

"HAHAHAHAHA!"

♡♡♡

Pagkatapos naming magsikain at maggawa ng night routine ay dumiretso na agad ako sa kwarto para magbasa ng kaunti. Baka sakaling makatulog na ako.

Habang nagbabasa naman ako, biglang nagvibrate yung phone ko so I checked on who it was.

Eh? Jisung?

♡♡♡
JISUNG PARK
active now •

jisung
may homework ba?
seen

jisung
ay hala seener. HAHAHA!
tatanong lang, eh :(

inah
wala HAHAHAHA

jisung
ay amamats! HAHAHA

jisung
tulog ka na kaya? gabi
na oh?

inah
sige sige, ikaw rin
bye na.

jisung
okay. bye, 잘자!
seen

shy ♡ park jisungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon