Nicole's POV
Sinusubukan kong i-process lahat ng sinabi ni Belle. Sobrang nagulat na nga ako na naging sila ni Max pero dinagdagan pa ng mga nalaman ko about kay Ethan. It was too much for me. Sumasakit ang ulo ko kakaisip sa lahat ng nalaman ko.
Narinig ko yung phone ko na nag-riring. It's Rain. Gusto ko siyang maka-usap. Alam kong mapapagaan niya lahat ngayon. Pero ayokong marining niyang malungkot ako. Ayokong malaman niya kung anong sitwasyon ko ngayon. I can't lie to Rain. Malalaman niya agad agad kahit sa boses ko lang na hindi ako okay. So, I decided na huwag na lang munang sagutin. I will tell her everything pag-uwi ko.
"You are not going to answer that? Si Rain yan"
"I am not really okay right now and I don't want her to worry" sabi ko kay Belle.
"Gusto mo ba munang mapag-isa?" tanong niya.
"No. I actually want you here. Kailangan ko lang talaga ma-process lahat ng sinabi mo"
"I hope hindi ito maging rason para iwasan mo ulit ako, Nikki"
Tumabi ako sa kanya at niyakap siya.
"Of course not. I am actually sorry na nagalit ako sayo noon. Sana hinayaan muna kitang mag-explain. I am sorry, Belle"
"It's Ethan, Nikki. Alam ko kung paano ka pagdating sa kanya. Saka hindi ko rin kayang humarap sayo noon dahil sa nangyari sa amin ni Max"
"I am just really sorry na you had to go through that ng mag-isa lang" sagot ko.
"I wasn't alone. I had Max. Or yun yung akala ko"
"You know I will have to talk to her, right?" tanong ko.
"I know. Ngayon ko lang ulit siya nakita simula nung naghiwalay kami"
"And how are you feeling?"
"I honestly don't know" sagot niya.
--------------------
"Where did you sleep last night?"
Max and I decided to meet up sa isang café. Sa susunod na araw pa kasi uuwi si Belle sa Pinas kaya nag-sstay pa muna siya sa amin.
"Nagcheck-in na muna ako"
Tinitignan ko si Max. I am sure alam niya ng nasabi na sa akin ni Belle yung nangyari sa kanilang dalawa. I still can't believe yung mga nangyari sa New York.
"Do you hate me?" biglang tanong niya sa akin.
Nagulat ako.
"No. Of course not. Why would you think that?"
Bigla na lang naluha si Max. I reached for her hand para icomfort siya.
"Max, I don't hate you. I could never hate you"
"But Ethan will" sagot niya.
Hindi ako nakasalita. Hindi ko masabi na hindi mangyayari yun dahil alam naming pareho kung paano si Ethan nung naghiwalay sila ni Belle. At hindi ko alam kung anong mangyayari sa kanya kapag nalaman niya yung totoo.
"It was my fault, Nicole. Kasalanan ko lahat. Lahat ng nangyari sa kanya. Ako ang may gawa"
"Kaya ba hindi mo siya binisita sa rehab noon dahil sa nangyari?" tanong ko.
"Paano ko siya haharapin knowing na ako ang dahilan kung bakit muntik na siyang mamatay?"
"Pero sinaktan niya si Belle, Max. And he was using drugs. You can't put it all on you"
"But he tried to kill himself when he found out na may iba na si Belle. And ako yun, Nicole!"
Sinusubukan kong pakalmahin si Max. Obviously, ngayon lang niya nalalabas lahat ng ito.
"Anong klaseng kapatid ako? Hinayaan ko yung sarili kong mahalin yung taong mahal ng kapatid ko. I was so selfish"
"Don't say that"
"But it's true! Hindi naman ako ganun eh. Matalino akong tao. Sinusunod ko lahat ng sinasabi sa akin because I don't want to disappoint them. Ginawa ko lahat ng hiningi sa akin ni Mommy. Kinalimutan ko yung sarili kong kaligayahan dahil pinili kong maging mabuting anak"
Hindi ko na rin mapigilan na maiyak.
"Pero napagod rin ako Nicole. I was so tired of everything. So, when Belle stayed with me I took it as a chance para kumawala saglit sa lahat. I took care of her. At first, I was doing it because it was my responsibility dahil kapatid ko ang nanakit sa kanya. Hanggang sa unti unti ko ng nararamdaman yung saya. It was all new to me, na pwede ko palang maramdaman yung ganon. Yung pakiramdam na wala kang dapat patunayan. Na pwede pala akong magkamali. Pwede pala na kahit minsan yung sarili ko lang yung iisipin ko. I was experiencing new things with someone. Ang mali lang that someone was Belle"
"You can still do that, Max"
She hook her head no.
"Look what happened the last time I did. We almost lost him"
"Yun ba ang dahilan kaya gusto mo kong makipag-break kay Rain?"
"End it bago pa may masaktan ulit" sagot niya.
"Rain and I are not like you and Belle"
"Then why are you still keeping your relationship a secret?" tanong niya.
Hindi ako nakasagot.
"I know how happy you are right now. I've never seen you like that before. Pero magpakatotoo na tayo, Nicole. Kaya hindi mo pa pinapakilala si Rain dahil alam mong Mom will never accept her. She will never approve your relationship. And I know you don't want to disappoint and hurt her"
"Is that why you gave up Belle?" tanong ko.
"Una pa lang mali na. Hindi ko na dapat hinayaan nung una pa lang. We both ended up getting hurt. Worst, I broke Ethan"
"But Max, iba naman yung sa amin ni Rain eh. It doesn't involve Ethan"
"Then what are you planning to do? Keep Rain as a secret? Hide your relationship? Pretend na friends lang kayo? That will work for a few months. But what if gusto na ni Rain na ipakilala mo siya sa friends mo? Kay Daddy? Kay Mommy? What if napagod na siya kakapanggap?"
Lahat lahat ng mga tanong ni Max sabay sabay na pumapasok sa utak ko. Pero ni isang sagot walang lumalabas. I don't even have a plan sa kung paano magiging takbo ng relationship namin ni Rain.
Bigla ko na lang naramdaman yung takot.
BINABASA MO ANG
Sweet Disposition
RomanceSequel to She's My Cold Coffee Are you willing to fight for the one you love? How long are you going to understand? Is love gonna be enough?