IYABY 1

3.1K 69 34
                                    

Maggy's POV

Nakatitig lang ako sa kanila habang masaya nilang pinagmamasdan ang fireworks.

"They look happy."

Kahit hindi ako lumingon, alam ko kung sino ang nagsalita. Ang boyfriend ko na si Trey. Tumabi siya ng tayo sa akin at pinagmasdan din ang dalawa.

A perfect couple. Sana maging ganito din kami ni Trey balang araw.

"Honey ko, wag ka nang magalit please.."

Napatingin kami kina Nico at Bri. Hinahabol ni Nico si Brittany. Tsk. Hindi na talaga nagbago ang dalawa.

"What's with them?"

Nilingon ko si Nico na nakakunot noo.

"Obviously, denial sila pareho?"sabi ko. Tiningnan ko ulit ang dalawa. Nakatiim-bagang na si Nico habang nakatingin kay Bri na may kausap na ibang guy. Napangiti ako. Alam kong kahit anong tanggi niya, halata naman na may gusto siya kay Bri.

"They can't be,"

"What do you mean?" Sabi ko. Naguluhan ako sa sinabi niya.

Trey looked at me in the eye. "Na-arriange marriage si Nico sa ibang babae."

Napasinghap ako sa narinig. Kailan pa? "How did you know?"

He shrugged. "Slip of tongue. Kahapon lang din namin nalaman."

"Who's the girl? Do we know her?" Tanong ko sa kanya.

Umiling siya. "Kahit si Nico hindi alam kung sino ang babae na ipapakasal sa kanya."

"Kailan ang kasal?"

"Three months time."

Nalungkot ako. It only means na maiiwan si Brittany. Wala pa man silang nasisimulan, matitibag na ang kung ano mang mayroon sila ngayon. Mukhang wala pa ding alam si Brittany.

"Let's go?"

"Where?"

Hinila niya ako at hindi sinagot. Nagtaka ako ng sumakay kami sa Montero niya at pinaharurot iyon. "Hindi pa tapos ang party!" Nakasimangot na sabi ko. Sigurado ako na mayamaya lang, tatawag na si Mye at hahanapin ako. Exaggerated pa naman iyong mag-react. Goodluck kay Raven. Pero minsan, hindi ko din maintindihan kung paano nasasakyan ni Raven ang kalokohan ng girlfriend niya.

"Gusto mo pa bang manatili doon? Nakakainggit kaya silang dalawa ni kuya."

I smiled in a bit. Natutunan na din niyang tawaging kuya si Raven despite all the things that happened between them. Kahit si Mye, nagawa siyang patawarin and I am very thankful to that. She's really a good friend at alam kong hindi na ako makakahanap ng tulad niya.

She's the one who explained me everything at binalikan ko si Trey.

We ended up at his condo. "Anong gagawin natin dito?"

He smiled. Napangiti na din ako.

I realized na kapag mahal mo ang isang tao, kahit wala silang gawin, mapapangiti ka nila.

Inalalayan niya akong bumaba at holding hands kaming pumasok sa building.

"Welcome to the Universe.."

Natulala ako sa nakita ko. Yung dingding kasi ng condo niya and even the ceiling, para talagang nasa Universe ka.. Tumayo ako sa gitna ng living room at pinagmasdan pa lalo ang ginawa niya sa condo niya.

Even the lights suited the theme!

Napakislot ako ng yakapin niya ako sa likod. Malamig na ang panahon ngayon because malapit na ang Christmas. I'm thankful dahil niyakap niya ako at kahit papaano ay nabawasan ang lamig na nararamdaman ko dahil sa suot ko na dress.

It's You Always Been You (Under Editing)Where stories live. Discover now