Maggy's POV
Nagising ako sa tunog ng alarm clock. Hindi muna ako bumangon at napatitig na lang sa ceiling. Naalala ko ang ginawa ni Trey sa condo nya at napangiti ako. Dapat pala pinalagyan ko din itong kwarto ko para hindi plain white lang ang nakikita ko. Gusto ko ding maranasan yung pagmulat ko sa umaga, yung nakalagay kaagad sa ceiling ang makikita ko.
Ano kayang naiisip ni Trey kapag nakikita nya yun? Siguro ako. Napangiti ako sa isiping yun. Ang sarap simulan ng umaga na ganito kasaya at ganito kagaan ang pakiramdam. Walang problema.
Nag-inat inat ako ng mapansin ang kumikislap na bagay na nakasuot sa ring finger ko. A tiffany engagement ring. Ang gandang pagmasdan. Mabuti na lang swak na swak sa daliri ko. Namula ako ng maalala ang nangyari kagabi. That was great and romantic. This is the very first time na may nag effort sa akin ng ganun.. nag-effort na pasayahin ako ng higit pa sobra. Natawa ako sa term na ginamit ko. Higit pa sa sobra?
Hindi ko akalain na gagawin nya 'to. Wala sa itsura nya. Naikwento sa akin ni Mye kung paano hiningi ni Trey ang tulong nila at hindi ko mapigilan ang sarili ko na tumawa ng tumawa kagabi habang nagkwekwento silang lahat. Si Trey naman eh namumula sa tabi ko. Hindi nya itinanggi ang mga sinabi ni Mye at Raven.
Bumaba ako at nakita ko si Aling Susan na naghahanda ng pagkain. Binati ko sya at mukhang nagulat pa sya habang nakatingin sa akin. "Bakit po?"
Nginitian nya ako. "Ang blooming mo ngayon, Maggy."
Umupo ako at mas lalong napangiti. Blooming ba talaga ako? Gusto ko tuloy mamula sa narinig ko.
"Dahil ba kay Sir Trey?" Puno ng panunudyo na tanong sa akin ni manang.
Ramdam ko na namula na nga ang pisngi ko. Nararamdaman ko na kasi ang pag-iinit nito. Tumango ako kay manang at itinaas ang kamay ko para ipakaita sa kanya ang singsing. Napaupo sya sa kaibayo ko na nanlalaki ang mga mata at tutop pa ang bibig.
"Jusmiyo! Tama ba ang iniisip ko senyorita?"
Tumango ako. Ngiting ngiti. "Yes, 'Ya. I am engaged."
Tinawag ni Aling Susan ang iba pa. Ang nangyari, nakapaligid silang lahat sa akin na takang taka kung bakit sila tinawagan ni Aling Susan. Nakita ko pang nagpunas ng mga mata si manang at hindi makapagsalita.
"Bakit mo kami pinatawag, Susan?"
"Anong nangyari?"
"Bakit ka umiiyak?"
Umiling si manang at tumunghay. "Ikakasal na si senyorita."
Napatingin silang lahat sa akin na parang tinatanong kung totoo ang sinabi ni manang. Tumango ako at nagsilapitan silang lalo sa akin at niyakap ako.
"Congratulations, senyorita.." Sabi nilang lahat sa akin.
"Thank you po."
"Kailan naman ang kasal?"
"Hindi pa po namin pinaplano. Sa ngayon po, mag-aaral muna kami but we're already engaged."
Madami pa kaming napagkwentuhan habang sinasaluhan nila ako sa pagkain. Ang sarap sa pakiramdam. Napapangiti nila ako sa simpleng pagsabay lang nila sa akin sa ganito. Ang swerte ko at napapaligiran ako ng mabubuting tao. Ang swerte ko dahil sa ilang taon na nanilbihan sila sa amin, hindi nila ako iniwang mag-isa.
***
"So, how's the engaged couple? Naunahan nyo pa kami ah!"
Sinimangutan ko si Mye. Kanina pa nya ako kinukulit kung ano daw ang feeling. Inggit na inggit sya dahil nagkatotoo na mauunahan ko pa syang magpakasal.
YOU ARE READING
It's You Always Been You (Under Editing)
Teen FictionPlease say I Love You Sidestory - Maggy and Trey's story. Nang dahil sa paghihiganti, nasaktan silang dalawa.. Pero tama nga sigurong sabihin na lahat ng bagay, tao, lugar o pangyayari, nasaktan ka man ng sobra, bibigyan mo pa din ng pangalawang pag...