IYABY 22

423 27 6
                                    

'Biene for the long wait, sweèthearts! Mwah! :*

**

Maggy's POV

Binagsak ko kaagad ang katawan ko sa kama pag-uwi ko ng bahay. Grabe, nakakapagod pala talaga ang ganito. This is my first time.

"Senyorita, kakain na po."

Tumango ako kay manang. Nagpalit ako ng damit bago bumaba.

Umupo na ako at magsisimula na sanang kumain ng mapatigil ako.

Ako lang mag-isa ang nasa hapag. Napangiti ako ng mapait. Kailan ba ako nagkaroon ng kasama sa pagkain sa hapagkainan?

"'Ya.." Tawag ko sa tumawag sa akin kanina. Alam ko na rinig nya ako dahil nasa loob sya ng kitchen.

"Po?" Nagtatakang tanong nya habang nagpupunas ng kamay sa suot na uniporme. Napatingin sya sa pagkain ko ng ibaba ko ang kubyertos. "Ayaw nyo po ba ng pagkain? Pwede po kaming magluto ulit--"

I cut her off. "Pakitawag po silang lahat.." utos ko sa kanya. Dalidali syang umalis at ginawa ang sinabi ko.

Gusto kong matawa sa sinabi nya. Wala akong natatandaan na wala akong nagustuhan sa mga pagkain na hinanda nila kahit pa masyadong madami palagi eh ako lang naman ang mag-isang kumakain.

Mayamaya pa ay nandito na silang lahat. Nakatayo sa tagiliran ko habang ako naman ay nakaupo pa din sa hapag. Tiningnan ko sila isa'isa. Nasa harapan ko ang labing dalawang katulong na pawang may mga edad na. Suot suot ang isang mamahaling uniporme na pang-katulong. Napabuntong hininga ako.

"Umupo po kayo., sabayan nyo na ako."

Nabigla sila sa sinabi ko. Hindi ko alam kung bakit ngayon ko lang sila naisipang yayain na sumabay sa akin na kumain. Tsk. Susubo na sana ako ng makita na hindi pa din sila natitinag mula sa pagkakatayo.

"Upo na po kayo."

"Pero senyorita--"

"Maggy na lang. Huwag nyo na akong tawaging senyorita.."

"Pero iyon po ang bilin sa amin ni madam.."

"Bilin nya, Oo. Pero wala naman sya dito kaya call me Maggy na lang." Ngumiti ako sa kanila at itinuro ang mga upuan. Nakatungong nagsiupo sila.

"Ialis nyo po muna sa isip nyo na hindi ako anak ng amo nyo. Isipin nyo po na anak nyo ako."

Nagkatininan na naman silang lahat bago tumango. Napahagikhik ako. Para kasing nagtatanungan pa sila kung sasang-ayon sila sa sinabi ko kaya sila nagtitinginanan.

Effective communication ah? Nagkakaisa sila. Hahaha!

"Aling Tina, asan po ang anak nyo?" Tanong ko habang ngumunguya. Isa si Aling Mena sa matagal ng naninilbihan sa amin.

"Naku..nasa probinsya sya 'neng." Sgaot nya sa akin. Ang sarpa palang pakinggan kapag tinawag kang 'neng ng ibang tao.

"Nag-aaral pa po ba sya?"

"Sa kasamaang palad eh hindi na. Nagtatrabaho na sya ngayon sa edad na katorse. Ayoko nga sanang pumayag pero sabi nya, gusto nya daw makatulong sa mga gastos sa bahay namin sa probinsya at sa pag-aaral ng mga kapatid nya.." Naiiling na sabi nya.

Natigilan ako. Sa edad na katorse, nagtatrabaho na ang anak nya?

"Alam mo 'neng, ang swerte mo.." Singit naman bigla ni Aaling Susan. Napatingin ako sa kanya. "Bakit naman po?"

Napangiti sya sa sinabi ko. "'Neng, hindi mo ba nakikita ang ekonomiya ng Pilipinas? Imbes na payaman eh mas lalo atang papalubog. Maswerte ka at nararanasan mo ang ganitong klase ng pamumuhay. Sa bayan namin, kailangan pa naming umigib ng tubig sa malayong bayan. Kailangan naming magsaka para may makain kami. Kailangan naming makipagtawaran sa mga paninda dahil naka-badyet ang mga kinikita naming pera."

Hindi ako nakaimik. Nagpatuloy naman si Aling Susan. Nakinig kaming lahat. Alam ko na ang ilan sa kanila ay ganito din ang klase ng pamumuhay.

"Habang bata ka pa, huwag mo munang mamadaliin ang mga bagay. Maswerte ka at nakakakain ka ng tatlong beses sa isang araw. Nakakapasok sa isang magndang paaralan. Nang makatuntong ako ng Maynila sa unang pagkakataon, alam mo bang naholdap agad ako? Ang konting pera na dala ko para makipagsapalaran dito ay naglaho na lang na parang bula."

Napailing iling pa sya. Siguro, naalala nya ang araw na iyon.

"Bakit hindi nyo po ipasyal dito ang mga anak nyo?" Suggesstion ko sa kanila.

Nagtaka ako ng lahat sila eh umiling.

"Malaki ang pagkakaiba ng pamumuhay ng syudad sa probinsya, hija. Hindi sanay ang mga anak namin sa ganitong klase ng lugar. Mas gusto pa nila ang tahimik na kapaligiran kesa sa ganitong magulo. Ang buhay dito ay napakakomplikado para sa mga tulad namin na galing sa probinsya."

Napatango na lang ako sa sinabi nila. Natapos namin ang pagkain at agad akong pumunta sa kwarto ko. Nakakabingi ang katahimikan.

Hindi ko maiwasang hindi isipin ang mga sinabi nila. Naalala ko ang mga bata sa orphanage. Nakakamiss sila sa totoo lang. Naaawa din ako sa anak ngmga katulong namin na naiwan sa probinsya dahil nakipagsaplaran dito ang mga nanay nila. Inaalagaan ng nanay nila ang hindi nila anak at napapabayaan naman ang naiwan nila.

May luhang namuo sa gilid ng mga mata ko. Alam ko na maswerte ako sa nararanasan ko pero may konting panghihinayang din akong nararamdaman lalo pa at alam ko mayroong mga tao na naghihirap dahil nalayo sa kanila ang mga mahal nila sa buhay.

Alam ko ang pakiramdam na nag-iisa dahil tulad nila, hindi ko nakagisnan na alagaan ako ng mga magulang ko dahil mas inuuna pa nila ang bagay na makapagpapasaya sa kanila.

Negosyo.

Napapikit na lang ako. Ayoko ng isipin kung gaano kasakit ang kapalaran ko kahit kaya ko namang makuha lahat ng materyal na bagay. Ayokong makita ang katotohanan na para bang malayo ko ng makamtan ang kaisa-isahang pangarap ko at yun ay ang kaligayahan..

*****

Naglalakad na ako papasok sa SaiU. Panibagong araw na naman 'to. Panibagong sakit na naman ng katawan ang aabutin namin dahil papalapit na ng papalapit ang event sa SaiU.

Nakita ko si Nico di kalayuan kaya naman hinabol ko sya at sumabay sa paglalakd nya.

"Good morning." Masiglang bati ko sa sambakol nyang mukha. Gusto kong matawa sa itsura nya. Mukha syang panda.

"Din."

Napasimangot ako sa ikli ng sagot nya. Nakarating kami sa room at umupo sa mga upuan namin.

Trey kissed me in the cheeks kaagad. Well, it's his way of saying good morning.

The class goes on and on. At tulad na lang ng isang matinong estudyante, nakinig ako habang naka-holding hands kami ni Trey.

"Saan tayo?" tanong ni Mye pagkatapos ng last subject ngayong araw.

"Do you have a practice?" Tanong naman sa akin ni Trey at tinulungan ako sa paglalagay ng mga gamit ko sa shoulder bag ko.

Tumango ako sa kanya and he smiled.

"Bakit ka nakangiti?"

"Masama ba?" Then he smiled again.

Kung minsan talaga, hindi ko alam kung anong meron at bigla bigla na lang syang ngingiti.

Naglakad na kami papalabas. Humiwalay sa amin si Mye at nagpunta sa room ni Raven. Dun na lang nya siguro hihintayin ang boyfriend nya. Just like where they started.

Habang naglalakad kami sa kahabaan ng hallway, nakaholding hands kami ni Trey at bitbit nya ang bag ko. Tinatanguan nya na lang ang mga bumabati sa kanya. He became popular simula ng malaman ng lahat na magkapatid sila ni Raven at anak din sya ng mag-ari ng SaiU.

Nakatitig ako sa kanya. I don't mind those people na nakatingin sa amin.

"Will you sacrifice your love for him to be saved from danger?"

His voice..

Why all of a sudden?

----

It's You Always Been You (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon