IYABY 11

653 36 15
                                    

Maggy's POV

"Lalabas ka?"

Napapihit ako bigla at tumingin sa nagsalita. Si manang ang nabungaran ko na matamang nakatingin sa akin.

"Opo. Pero babalik ako agad." Paalam ko sa kanya. Akala ko naman wala na akong magigising kasi dahan dahan ang mga yabag ko pero nagising pa din si manang. Sabagay, sa tagal ko na siyang kasama sa bahay, malakas ang radar niya.

Tumango si manang kaya naman tuluyan ko ng binuksan ang pinto.

Paglabas ko napatayo bigla si Trey. "Akala ko hindi mo na ako lalabasin." He said and smiled a little bit.

Tiningnan ko ang ayos niya. Magulong buhok. Nakaloose pants. Naka t-shirt at simpleng tsinelas lang siya. I wonder kung bakit ganito ang ayos niya.

Naglakad ako papalapit sa kanya pero hindi ako umimik. :-) He opened the car door for me bago umikot sa kabila at sumakay siya. Pinaharuruot niya kaagad iyon palayo sa mansyon.

Tumingin na lang ako sa bintana and nobody spoke. Saan kaya niya ako dadalahin?

Bakit nga ba ako pumayag na sumama sa kanya gayong kamina lang, iniisip ko ang mga nangyari? Ang narinig ko? Ang picture na nakapost sa facebook? Niloloko ko lang ba ang sarili ko? Ang tanga ko naman kung ganoon nga.

I heaved a sigh. No matter how mad I am, alam kong hindi ko pa din sya matitiis.

Napatigil ako sa pagmumuni muni ng tumigil na kami sa school. Halos magsalubong na ang kilay ko na tumingin sa gawi niya.

"What are we doing here?"

He just shrugged at kinuha ang kamay ko bago kami naglakad papasok.

Tinanguan kami ng guard. Nakakapagtaka na andito pa ang guard gayong gabing gabi na.

We reached the ninth floor of our building kung saan pinapatuloy ang mga bisita. Naupo kami sa hagdan na kitang kita ang field. Ano bang ginagawa talaga namin dito?

"Let me explain everything babe.." He said in a husky voice.

Tinuon ko ang mga mata ko sa field at hinintay siyang mag explain. Alam kong may karapatan din naman siyang i,explain ang part niya at hindi ako selfish para ipagkait sa kanya iyon. Ayokong maniwala sa pinaniniwalaan ko dahil alam kong hindi naman lahat ng iyon ay totoo. Minsan, kailangan ko ding makinig sa iba para mas malinawan ang isip ko at makapagdesisyon ng tama.

He cleared his throat. "At first, I am vulnerable dahil hindi ko alam kung sino ba talaga ang dapat kong iboto. I want to wring Mye's neck dahil binigyan niya pa ako ng alalahanin. Naisip kita at alam kong you're very fit na maging representative but I am selfish, Maggy. Ayokong mahati ang atensyon mo sa madaming bagay. Ayaw kong mapagod ka. Ayaw kong makihati sa oras mo lalo pa at alam ko na madami kang responsibilidad."

He smiled and looked at me. "Pero alam mo ba ang pinakaayoko sa lahat?"

Umiling ako. Hindi ko maiwasang hindi siya tingnan lalo pa at halata naman na malungkot at nahihirapan siya.

"Ayokong mawala ka sa paningin ko. Ayokong may makakita ng mga katangian mo na nakita ko. Ayokong maagaw ka sa akin dahil mahal kita at minarkahan kita na akin ka lang. I don't share what's mine. I lost my mom and my father. I know what it feels like to be alone. I don't want to share you.. how beautiful you are inside and out..  That's why I decided to vote Mrgo instead. I thought voting her will make her win but I was wrong. You won. I am frightened that I might lose you pero alam mo bang masaya ako na ikaw ang nanalo? They trust your ability, your skills and I am so proud of you. You're worth it. Kahit gaano ko kagusto na ipagdamot ka sa lahat, na kulang na lang itago kita sa baul para hindi ka nila makita at maagaw, kung gaano ko kagusto na sa tabi mo lang, wala na akong magagawa dahil alam kong ito na ang simula ng lahat ng ikinakatakot ko. Call me selfish but what's mine will always be mine till infinity and beyond."

It's You Always Been You (Under Editing)Where stories live. Discover now