Trey's POV
"Abot hanggang langit ang mga ngiti.."
Sinupil ko ang ngiti na gustong kumawala sa labi ko ng marinig ko ang yupptudyo ni Ram. Alam ko na kahit hindi sya sa akin nakatingin eh ako ang pinatatamaan nya. Sarap nyang pektusan.
"Asan sila?" Tanong ko nalang sa kanya para wag syang magkaroon ng chance na magtanong sa akin kung bakit ako masaya.
"Sina MpMye at Raven, may date. Si Nico nagmumukmoknpa din. Si Clock kumakain sa cafeteria. Si Smart ewan ko. Si Rion nambababae." Sagot nya sa akin habang inaayos ang gitara nya.
Nagkibit balikat na lang ako at sumipol sipol. Nasa hideout kami ngayon at walang magawa.
"Si Maggy? Hindi mo ata kasama?" tanong nya naman sa akin pagkaraan.
"She's busy." Maikling sagot ko.
Tumango tango naman sya. This is the second day mula ng dumating sina Maggy. Ito na din ang pangalawang araw na inaayos nila ang mga dapat ayusin para sa event na gaganapin sa katapusan ng buwan.
Napangiti na naman ako ng maalala ang nangyari nung isang gabi.
"We're here.." Agad na salubong sa akin ni Tita Ivy pagka-hello ko pa lang.
Napangiti ako. Agad akong nagpaalam sa mga kasama ko.
"Kailangan ko ng umalis." Ngiting ngiti na sabi ko sa kanila habang inaayos ang mga gamit ko sa locker ko.
"Nandito na sila ano?" -Clock.
"Eh di umalis ka. Wala namang pipigil sayo eh." -Ram
"Pag'ibig nga naman.." Naiiling naman si Seb.
"Ihalik mo na langa ko kay Maggy." -Mye
Nagmamadali akong umakis at hindi na nakuha pang sumagot sa mga sinabi nila.
Naoangiti ako habang nagdadrive. Ang aga nilang makarating.
Agad akong nakarating sa subdivision nina Maggy at nakita ang nakahimpil na van at nasa loob si Tita Ivy kasama ang isang school driver.
Bumaba sila ng makita ako.
"Bilis ah? Ikaw na nag bahala sa kanya. Alam kong unang araw pa lang namin dun, gusto mo ng hilahin ang araw." Natatawang sabi sa akin ni Tita Ivy bago umalis.
BINABASA MO ANG
It's You Always Been You (Under Editing)
Teen FictionPlease say I Love You Sidestory - Maggy and Trey's story. Nang dahil sa paghihiganti, nasaktan silang dalawa.. Pero tama nga sigurong sabihin na lahat ng bagay, tao, lugar o pangyayari, nasaktan ka man ng sobra, bibigyan mo pa din ng pangalawang pag...