Trey's POV
"Naunahan ka pa ng kapatid mo, Raven."
Nginisian ko ang kapatid ko sa sinabi ni mom. Nagdidinner kami ngayon sa isang mamahaling restaurant at first time namin 'tong gawing tatlo ng sama-sama. Pumayag na din ako na sa Saito Mansion na tumira dahil na din sa abala si Raven at sa ibang bansa na nanirahan si Tita Ivy.
"Mom, bata pa naman kami ni Yesha," pangangatwiran ng kapatid ko.
"Trey is younger than you," hindi papatalo na sabi naman ni mom. Tahnimik lang ako habang nag-uusap sila. Nalaman ni mom na successful ang plano ko at tuwang tuwa sya kaya eto at pinipilit nya ang kapatid ko na magpropose na din kay Mye.
"Yes he is. Pero may mga bagay pa akong inaasikaso, mom. Ayokong biglain si Yesha kapag nagpropose din ako kaagad. Also, I want it to be something different,"
Mom rolled her eyes. Alam nya siguro na wala na syang magagawa pa sa desisyon ng kapatid ko.
Nabaling namin ang paningin sa mag-asawang pumasok sa loob ng restaurant. Posturang postura ang babae at istrikto namang tingnan ang matandang lalaki na wari ko ay nasa late 50's.
"Good evening Mam'Sir."
Tumango sila at inikot ang paningin sa loob ng restaurant at tumango tango. Nagandahan siguro.
"Trey,"
"Yes mom?" Napabaling ako bigla ng tawagin ako ni mom.
She smiled. "I'm so happy for you. Masaya din ako at pumayag kang sa mansion na tumira."
"Mom, I can't leave you alone, you know that. Isa pa bibisitahin ko pa din naman ang condo ko kapag may oras ako,"
"Malaki na si Trey mom, alam na nya ang tama at mali but stillm nagpapasalamat din ako at pumayag sya." Sabad naman ng kapatid ko.
"So what are your plans? Kailan ang kasal?" Tanong ulit sa akin ni mom.
Uminom muna ako ng wine bago sumagot. "Hindi pa namin pinaplano mom. Busy pa kami pareho but I hope maayos namin kaagad."
"Oh. I see. Just take your time."
"We will."
Nico's POV
Inayos ko ang suot kong polo bg biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Si Nicole ang nalingunan ko na nakabihis na ng dress at mukhang handa na sa pagpasok.
"Konting oras na lang matatapos din ako dito. Wait for me outside," sabi ko sa kanya at tumingi ulit sa salamin.
Imbes na lumabas eh pumasok sga sa loob at naupo sa kama ko. Mataman nya akong pinagmasdan. "Are you really getting married?" mahina lang ang pagkakasabi nya pero umabot pa fin yun sa pandinig ko.
"Even if I don't want to, alam mo naman na wala na akong magagawa right? Si Dad pa din ang masusunod," Inayos ko ang gamit ko na nakalagay sa kama.
"What about Brittany?"
I shrugged. Alam ng kapatid ko ang ginawa naming pagpapanggap noon ni Bri at alam nya din kung anong estado namin ngayon. Alam nya ang nararamdaman ko dahil bukod sa mga kaibigan ko, si Nicole lang din ang pinagkakatiwalaan ko.
"What? Hindi mo ba sya ipaglalaban?" Parang nagulat pa sya dahil wala akong komento.
Tumayo ako ng tuwid at naglakad papunta sa veranda. Noon.. marinig ko lang ang pangalan nya mula sa bibig ng kapatid ko, napapangiti na ako. Pero ngayon, may part na nasasaktan ako dahil na din siguro sa simula ng umalis si Bri, wala na kaming komunikasyon. Nahirapan akong mag adjust dahil sanay na ako na palagi ko syang kasama.
ESTÁS LEYENDO
It's You Always Been You (Under Editing)
Novela JuvenilPlease say I Love You Sidestory - Maggy and Trey's story. Nang dahil sa paghihiganti, nasaktan silang dalawa.. Pero tama nga sigurong sabihin na lahat ng bagay, tao, lugar o pangyayari, nasaktan ka man ng sobra, bibigyan mo pa din ng pangalawang pag...