IYABY 6

664 39 15
                                    

Frank's POV

Inisang lagok ko ang laman ng kopitang hawak ko. Andito ako ngayon sa mansyon namin. Mabuti na lang at ako lang ang nandito dahil nasa ibang bansa ang mga magulang ko.

"May bisita po kayo."

"Sino daw?" tanong ko na hindi tinitingan ang katulong namin.

Hindi siya umimik kaya naman tiningnan ko siya pero iba ang nakita ng mga mata ko na nakatayo sa harapan ko ngayon.

"What are you doing here?"

"Hindi ka pa din nagbabago. Gabing gabi na umiinom ka pa din ng alak." Naiiling na sabi lang niya at naupo sa tabi ko.

Pinagmasdan ko lang siya. Maamong mukha, magandang kutis, perpektong katawan pero maliit lang siya. Hindi nga siya umaabot sa balikat ko.

"Nakakainis talaga ang Ram Mondragon na iyon.."

Mahina lang ang pagkakasabi niya pero dinig na dinig ko. "Sinong Ram?" takang tanong ko.

"Yung nanghalik lang naman sa akin mahal kong kuya!" sarkastong sabi niya at pinaikot pa ang mata.

Yes. Kapatid ko lang naman ang babae na hinalikan nung Ram nung isang araw. Ang kapatid kong maldita at tinaguriamg Bratinella Queen sa school namin noon.

"Bakit pa kasi tayo pinalipat ng school?" Naghihimutok na sabi nito.

Hindi ako sumagot. Kahit naman ako hindi ko alam kung bakit nga ba. At sa lahat ng school, bakit sa Saito University pa? Nagkabanggaan na naman tuloy kami ni Trey Rivera, my mortal enemy since high school.

"Anong nangyari sa mukha mo?" Hinawakan niya ang panga ko at napaaray ako sa kirot. Sinamaan ko lang siya ng tingin at nginitian lang naman ako ng magaling kong kapatid.

"Pwede ba?" Ang kulit kulit kasi!

"Sinuntok ka ni Trey?"

Tumango na lang ako.

"Wag mo kasing pakialaman ang girlfriend niya." Naiiling na pahayag nito.

Hindi ito kilala ni Trey dahil nasa ibang bansa ito. Nung nagcollege lang ako dumating sa bansa ang kapatid ko sa katigasan ng ulo kaya pinatapon. Kung minsan, naitattanong ko na lang sa sarili ko kung sino ba ang babae at lalaki sa aming dalawa dahil sobrang pasaway niya. Kahit hindi sila personal na nagkakilala, hindi ko pa din nakaliligtaang ikwento sa kanya ang tungkol kay Trey kaya kilala niya ito.

Alam niya din kung anong nangyari noon sa pagitan naming dalawa.

Biglang rumehistro sa isipan ko ang mukha ni Maggy. Magaling talagamg pumili si Trey dahil kahit simple lang tingnan ang babae, nang matitigan ko siya saka naman lumalabas ang tunay na ganda.

"Mahal kong kapatid, tigilan mo na lang sila. Kapag nalaman ito nina Daddy at Mommy, goodluck sa future mo." Iiling iling na daldal na naman ng kapatid ko at nagsalin ng whiskey. Mukhang balak nitong maglasing.

Umiling ako. "I will do everything para masaktan ang isang Trey Rivera." sabi ko bago umakyat ng hagdan papunta sa kwarto ko.

TS Marie POV

Napailing na lang ako sa inasal ni Kuya Frank. Bakit ba naman kasi kailangan pang mag revenge? Para sa akin kasi, simple lang naman ang pinagsimulan ng galit niya pero kung magsalita siya, parang pinatay siya.

Tsk. Ang mga lalaki talaga, mapapride.

Biglang lumitaw sa isip ko ang gunggong na si Ram. I gritted my teeth. Bwisit ma bwisit talaga ako sa lalaki na iyon lalo pa ang sinabi niya kanina! Ganda lang ang meron ako? Tch.

It's You Always Been You (Under Editing)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz