Myeisha'sPOV
"Mye?"
"Oh, Trey. Ikaw pala. May kailangan ka?" Nakangiting tanong ko sa kanya. "Tuloy ka," niluwagan ko ang pagkakabukas ng pinto ng bahay.
Pumasok naman sya at naupo. Naupo din ako sa kaibayo nya at tinitigan sya. He looked tensed.
"Something wrong?" Hindi ko na napigilang magtanong. Nagulat pa sya sa sinabi ko at napakamot sa ulo. Mukhang hindi nya alam ang gagawin.
"Ahm.. I want.."
Napailing ako sa sinabi nya. "You want water?"
Napahagalpak na ako ng tawa ng mamula sya at sinamaan ako ng tingin. Grabe, malaki na talaga ang ipinagbago ni Trey. Hindi ko na nakikita sa kanya ang lalaking binugbog ni Raven sa field noon at ang lalaki na nagkagusto sa akin. He looked matured now. Ang laki ng nagawa ni Maggy sa kanya.
"Just kidding." Natatawang sabi ko. Alam ko naman na hindi iyon ang tinutukoy nya na 'I want' eh. I just want to lighten the atmosphere dahil kinakabahan sya masyado.
He cleared his throat. Hindi pa din malaman kung anong gagawin. Kinuha ko ang cellphone ko at nagtext kay Raven. Baka sakaling makatulong ang ungas na yun tutal, kapatid nya naman 'to.
To: Baby
Treyishere. Mukhangmaykailangansyangsabihinbuthelookssotensed. Comeover. :) Takecare.
Then, sinend ko sa kanya. Alam kong nasa school pa sya ngayon at pinauna nya lang talaga ako. Nawala ang antok ko dahil mukhang problemado si Trey. Nakayuko sya at sapo ang ulo.
Mayamaya pa ay may narinig ako na tunog ng sasakyan. Mukhang nandito na si Raven kaya naman binuksan ko kaagad ang pinto. Wala ng katok katok kaya inunahan ko sya. Tama nga ako dahil sya ang dumating.
"Where is he?" tanong nya sa akin at tinaggal ang shades na suot nya.
"Nasa loob."
Pumasok kami at nakita nya ang kapatid nya. He cleared his throat. Napaangat ng tingin si Trey at mukhang nagulat pa na nakita na andito ang kapatid nya.
"Maybe, hindi ka mahihiyang sabihin sa kanya ang kung ano mang gumugulo sa isipan mo ngayon," sabi ko na kaagad. Tumango naman sya. Naupo ako sa tabi ni Raven at pinagmasdan namin si Trey.
"What do you want, young man?" tanong sa kanya ni Raven. Hindi ako umimik at hinitay na din na magsalita si Trey. Alam kong bilang nakakatandang kapatid, nag-aalala din si Raven. Nakikita ko yun sa mukha nya habang matamang nakatingin sa kapatid nya.
"Aish!" Ginulo lalo ni Trey ang buhok nya.
Napailing si Raven. "Tungkol ba 'to kay Maggy?"
Napatingin ako kay Raven. Tungkol kay Maggy?
"Yeah."
Napatingin naman ako kay Trey. So tungkol nga sa kaibigan ko? Pero bakit hindi sya makapagsalita? Umaandar na naman ang pagiging unique ng utak ko kaya inunahan ko kaagad su Raven sa pag-imik. "Hoy, Trey! Magsalita ka nga dyan! Anong tungkol sa kaibigan ko ang sinasabi mo? Huwag mong sabihin na nagbreak kayo kaya hindi ka makaimik dyan?"
Nanghilakbot na napanganga sa akin si Trey. "Hell, No!"
I crossed my arms around my chest. "Then, bakit hindi ka makapagsalita dyan?" I wiggled my brows. Napailing naman si Raven sa akin. He looks amused pa nga eh. Sus, alam ko naman na natatawa na sya dahil sa sinabi ko, pinipigilan pa nya.
ESTÁS LEYENDO
It's You Always Been You (Under Editing)
Novela JuvenilPlease say I Love You Sidestory - Maggy and Trey's story. Nang dahil sa paghihiganti, nasaktan silang dalawa.. Pero tama nga sigurong sabihin na lahat ng bagay, tao, lugar o pangyayari, nasaktan ka man ng sobra, bibigyan mo pa din ng pangalawang pag...