IYABY 32

430 28 1
                                    

Nico'sPOV

Andito kami ngayon ng pamilya ko sa isang restaurant para ma-meet ang sinasabi ni Dad na pinsan daw namin. Hindi ako pamilyar sa mga kaanak namin kaya hindi ko alam kung sino ba ang tinutukoy nila. Nauna kami dito kaya kami ang maghihintay sa kanila.

"Gosh. Ang tagal naman nila, Kuya," puno ng diin na bulong sa akin ng kapatid ko na si Nicole. Nasa kanan ko sya at nasa harapan naman namin si Dad na walang kaimik imik.

Uminom ako ng tubig na nasa table. Hindi ko alam pero parang kinakabahan ako kung sinong pinsan namin ang i-memeet ngayon.

"Oh.. Here they are," sabi bigla ni Dad at nakatingin sya sa may pintuan. Napatingin din kami ng kapatid ko sa dalawang tao na naglalakad papalapit sa amin.

"Pare.. Mabuti naman at pumayag ka sa anyaya namin," sabi nung matandang lalaki kay Dad at nag man's hug pa sila. Humalik naman si Dad sa kasama nitong matandang babae.

"This are my children." Turo ni Dad sa amin kaya tumayo kaming dalawa ni Nicole. "Nico and Nicole."

"Hello po." Bati sa kanila ng kapatid ko.

"Nice to meet you." Formal naman na sabi ko sa kanila bago maupo.

"Sila na pala ang mga anak mo, pare.. Malaki na pala.. Anyway, hindi nakasabay sa amin ng misis ko ang mga anak namin pero alam ko na susunod sila." Sabi nung matandang lalaki at tumingin sila sa aming dalawa ni Nicole. "They are both studying at Saito University."

Nagkatinginan kaming magkapatid. Iisa lang pala ang school namin ng anak nila.

"Ahm.. Ano pong pangalan nila?" tanong sa kanila ng kapatid ko. Nakahinga ako ng maluwag. Mabuti na lang at naitanong kaagad ng kapatid ko dahil wala akong balak na magsalita dito.

"Oh, andito na pala sila." Sabad bigla ng babae at sinalubong ang mga bagong dating.

Hindi ko sila makita dahil naharangan sila ng matandang babae pero nadinig ko naman ang boses nila.

"Sorry mom, we're late. Ang daming gawain sa school," hinging paumanahin ng isang boses babae.

"Her voice sounds familiar,"

Nilingon ko ang kapatid ko para lang makita ang nanlalaki nyang mata habang nakatingin sa likuran ko.

"Meet our children, Marie and Frank Villegas."

Automatic na napatingin ako sa kanila. At tulad namin, nanlaki din ang mga mata nila.

Nicole'sPOV

May sasabihin pa sana ako kay Kuya Nico ng mapatingin ako sa mukha ng mga bagong dating dahil hindi na sila nahaharangan ng mom nila pero nanlaki na ang mga mata ko sa gulat ng makita sila.

"Meet our children, Marie and Frank Villegas," pakilala ng matandang babae sa kanila.

Parang robot na naupo sa tabi namin ni Kuya Nico ang dalawa habang naupo naman sa harapan namin ang mga magulang nila at katabi ni Dad.

Tinawag na ni Dad ang waiter at sinerve na ang mga order. Nagkamustahan pa ang mga kaharap namin habang kaming apat ay walang nag-try na magsalita.

Tiningnan ko si Kuya Nico at tulala lang sya. Si Frank naman ang tiningnan ko at ang seryoso nyang tingnan.

"So, ikakasal na pala ang panganay mo Nathaniel?"

Biglang nag-angat ng tingin ang magkapatid at tumingin kay Kuya Nico. Hindi siguro nila alam yun. Hindi ko naman sila masisisi dahil kaming pamilya lang at mga friends ni Kuya Nico ang nakakaalam.

It's You Always Been You (Under Editing)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora