Trey's POV
"Yow!"
Napangiti ako ng makita si Seb. Ang tagal din namin siyang hindi nakita. Kalalabas niya lang sa ospital dahil sa dengue at nakadalaw na kaming lahat sa kanya. He became thin.
"Yow Seb!" Si Rion na nakipag high five kay Seb.
Nasa laboratory kami ngayon at nakatambay. Wala namang sasaway sa amin dito dahil wala naman ngayong gumagamit para magluto. Nakakasawa na din kasi sa hideout namin eh.
"Kumusta?" Tanong sa kanya ni Clock na hindi nag-aangat ng tingin.
Napatanga naman sa kanya si Seb at binatukan siya. "Naghimala na ba ngayon, Clock?!"
Sinamaan siya ng tingin ni Clock at ininguso ang kakambal niya. "Masamang impluwensya kasi kapag mayroon kang kapatid na saulo ang libro." Parinig niya kay Smart na nag-angat ng tingin mula sa librong binabasa.
"Mag-aral ka daw ng ayos kung ayaw mong ipadala ka sa States."
Natawa kaming lahat sa sinabi ni Smart. Kaya pala napapansin namin na nagsisipag ngayon si Clock at hindi pagkain ang inaatupag?! Alam namin lahat na ayaw na ayaw niyang ipatapon sa States kung nasaan ang lolo at lola nila.
"Wala yata ang maingay mong girlfriend, Raven?" Nagpalinganga si Seb at hinahanap si Mye.
"May klase siya ngayon."
"Pareng Seeeeeeeebbbbbbb!"
Nagulat kami sa tumili. Paglingon namin..
O.o
O.o
O.o
O.o
Ang ngiting ngiti na si Ram ang nasa bungad ng pinto!
Agad siyang tumakbo at niyakap si Seb na gulat na gulat. "Pareng Seb, na-miss ka namin pero mas namiss kita sa aming lahat!"
Inilayo siya si Seb at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. "Ikaw lang pala?! Akala ko naman kung sinong babae ang tu,ili sa kagwapuhan ko!" Nanlalaki ang mga mata na nakatingins iya kay Ram. "Nawala lang ako, naging bakla ka na?!"
Nasapok naman siya agad ni Ram. "Ikaw ang bakla dyan! May inaasar lang ako kanina bago kita makita at ginaya ko ang boses niya hanggang sa nakasanayan ko na!"
Nailing kaming lahat sa katwiran niya.
"Excuse me, Trey?"
Natigil kaming lahat at napalingon sa nagsalita. Isa sa mga nag oorganize ng event na MMCS ang nalingunan namin. "Bakit?"
"Have you seen Ms. Maggy?" tanong niya sa akin at inayos ang salamin niya.
Napadiretso ako ng upo. "What? Wala ba siya sa opisina nila?" takang tanong ko. Dun lang naman si Maggy dumidiretso ah?
Umiling ito. "Kanina pa namin siya hinahanap eh. Ipapaalam lang namin na napaaga ang event. Bukas na ang alis nila for community service."
"What? Bakit napaaga, Miss?" tanong ni Raven sa kanya.
"It's an order from Ms. Ivy. Minabuti na din namin na gawing dalawang linggo na lang ang community service instead of one month."
I smiled. Mabuti naman at hindi mawawala sa paningin ko si Maggy sa loob ng isang buwan.
Tumango kaming lahat. Si Raven naman, lumayo muna para sagutin ang cellphone niya na ring ng ring.
"Si Maggy ba ang isa sa mga representative?"
VOUS LISEZ
It's You Always Been You (Under Editing)
Roman pour AdolescentsPlease say I Love You Sidestory - Maggy and Trey's story. Nang dahil sa paghihiganti, nasaktan silang dalawa.. Pero tama nga sigurong sabihin na lahat ng bagay, tao, lugar o pangyayari, nasaktan ka man ng sobra, bibigyan mo pa din ng pangalawang pag...