Isang linggo ang lumipas at muli kaming nandito sa Bahay Ampunan para maibigay ang mga wish ng mga bata, grabe ang kucute talaga nila! Ang sarap nilang hagkan ng sobrang higpit!
"Okay ka lang ba! Grabe halos gusto mo ng solohin ang mga bata!" puna saakin ni Liam, asawa ko. Ang sarap sabihin na asawa mo na ang tao ngunit hindi naman ganon ang turing niya sayo.
Maayos na ang lahat, naayos na ang mga papers ni Kyle kaya nakabalik na siya sa tunay niyang pamilya at eto siya ngayon at nagbibigay ng regalo kasama si Nika. Grabe ang kucute talaga ng mga bata! Parang gusto ko silang iuwi!
"Okay lang ako! Pansinin mo ang ginagawa mo diyan!" pagsusungit ko dito, ewan ko ba pero gusto ko siyang sungitan ng sungitan.
"Bea oh favorite mong Spaghetti" nilapit naman saakin ni Gab ito ngunit bigla naman nangasim ang tiyan ko kaya natabig ko ito.
"Nasusuka ako!" agad akong lumayo sa kanila at tumakbo papuntang CR. Doon ko sinuka ang lahat ewan ko ba bakit ang hirap naman ng ganito! Lahat ng gusto kong pagkain pag-inaamoy ko nasusuka nalang ako bigla.
"Baby bakit mo naman pinahihirapan si Mommy!" naiiyak kong sabi habang hinihimas ang tiyan ko, maliit lang ito at hindi din gaano halata. Pero natatakot ako kapag lumalaki ng ang tiyan ko, hindi ko pa nasasabi kina Gab ang pagbubuntis kong ito.
"Baby kahit na pinahihirapan mo si Mommy promise ko sayo na iingatan kita ha, I love you! Sana wag mo ng pangigigilan ang mga bata kawawa na sila saatin----"
"Buntis ka?!" nagulat naman ako sa biglang sumulpot sa likuran ko, kita ko ang galit na mukha ni Liam
"L-Liam? " papaano na? Papaano ko sasabihin sa kanya na nagbunga ang nangyari saamin magdadalawang buwan na ang nakararaan.
"Ano?! Itatago mo pa saakin yan?! Grabe Bea! Nagpabuntis ka sa iba habang kasal ka saakin! Anong klaseng babae ka---" agad ko siyang nasampal, grabe siya kung makaakusa eh siya ang ama ng bata!
"Hoy wag mo akong pagsalitaan ng ganyan ah! Hindi ako maduming babae gaya ng iniisip mo!"
"Talaga ba?! Eh bakit buntis ka ngayon?! Kaya ka pala pumayag magpakasal saakin kasi ako paaakuhin mong ama ng bata?! Kadiri ka!" g**o pala siya eh! Anak niya tong bata baka gusto niyang ipaako ko to sa iba loko siya!
"Ha ha! Excuse me! Wala akong balak magpakasal sayo kung hindi lang dahil sa pamilya ko! At wag mo akong husgahan pagkat hindi mo alam ang totoong nangyari!"
"Wag husgahan?! Ah hindi pala dapat hinuhusgahan ang disgrasyang tulad mo! Galing! Hoy babae kahit kailan hindi ko matatanggap ang batang iyan! Kadiri kayo!" ang sakit na ah? Ganyan ba talaga ang tingin niya saakin? Isang disgrasya na siya naman ang may kasalanan?
"Ganyan ba talaga ang tingin mo saakin ha Liam?" sana pala ay hindi ko na tinanong ang katanungan na iyon dahil mas lalo akong nasaktan ng marinig ang sagot niya.
"Yes, alam mo ba kung bakit? Kasi dahil sayo wala na ang babaeng pinakamamahal ko! Pinatay mo siya Bea! Pinatay mo siya! At ano? Akala mo ba hindi ko alam na matagal mo na akong gusto?! Bea hindi ako tanga para hindi makita ang mga yon! Ang malas ko nga lang natali ako sa isang tulad mong disgrasya"
"Wala akong pinatay na tao Liam! Wag mo isisi saakin ang pagkawala ni Grace! Dahil una sa lahat matagal na siyang naghihingalo! Oras na niya talaga iyo---" hindi ko natapos ang sasabihin ng bigla niyang higitan ang mukha ko at mahigpit itong hinawakan na akala mo ay babasagin niya ang panga ko.
"Wag mong sabihin yan! May pag-asa pa dapat siya eh! May pag-asa pa aiyang mabuhay sana kung natuluyan ka lang mamatay noon! Kasalanan mo ang lahat ng ito!" hindi ko na mapigilan ang mga luha kong pumatak. Ang sakit, ang sakit sakit na malaman na matagal niya na pala ako gustong mamatay. Sana nga namatay na lang ako para sumaya siya!
BINABASA MO ANG
CONTRACT LOVE
Teen FictionKaya ko pa bang lumaban kung puro sakit ang dulot niya saakin? Paano ako lalaban kung hindi niya ako binibigyan ng pagkakataon na iparamdam ang pagmamahal ko sakanya? - Beatrix Kasalan...