CHAPTER 4

285 11 7
                                    

LIAM'S POV

"Parang may kakaiba?" bulong ko ng makarating ako sa Mansyon nila Bea, kasi kahapon may sumundo saaking maid ngunit ngayon wala tapos parang walang katao tao unlike kahapon na nararamdaman mo sila?

"Andito ka na pala so pwede mo na umpisahan ang task na ipapagawa namin sayo ito pala ang mga kagamitan sa paglilinis umpisahan mo sa taas" daretsong sabi ng kanyang ina pero ano daw? Ako maglilinis? Ni hindi nga ako marunong maglinis dahil may maid kami tapos si Bea naman ang naglilinis ng bahay namin pero kung utusan man niya ako ay ayun ang mag-mop at mamunas sa mga dumi?

"P-pero Maam hindi----"

"Walang pero pero umakyat ka na at umpisahan mo ng mag-linis ito ang apron para di madumihan yang damit mo pero ito tshirt kung gusto mo para fresh pa din yang suot mo ngayon, nga pala pagkatapos mo sa taas dito naman sa baba" ano daw? Ang laki-laki ng bahay na 'to tapos ako lang ang maglilinis?! Nahihibang ba sila?!

"Sige po" sagot ko at agad ng dinala ang timbang malaki kung saan nakalagay ang gagamitin kong panlinis, teka bakit ganito? Mayaman sila pero yung gamit nila parang simple lang? Wala man lang bang vacuum diyan? Para saan 'tong parang stick ba madami na to eh may walis naman? Saka bakit ganito yung mop? Hindi yung di piga? Paano to malalaban? Hays bakit ba ganito yung panlinis nila?! Hindi naman ganito yung gamit namin ni Bea sa bahay ah?

"Ah Maam wala po kayong vacuum" lingon ko sa mama niya habang paakyat kami

"Kung anong mga gamit na andyan ay ang gamitin mo, simpleng gamit sa panglinis yan kaya di ka mahihirapan" ni hindi nga ako marunong maglinis paanong hindi ako mahihirapan?

"Ah sige po" nagpatuloy ako sa pag-akyat habang ang mama niya ay nakasunod lang saakin, paano ko uumpisahan maglinis kung ang tatambad sa pag-akyat mo ay magugulong gamit? At maalikabok pa?

Teka hindi ba sila nagpalinis kahapon kaya ako ang ginagawang tagalinis? Wala ba silang pambayad sa maid nila kaya ito ang parusa ko sa kanila? Hays!

"Dito ka muna sa labas mag-umpisa bago sa mga kwarto" iniwan na ako nito samantalang sa gilid tumambad saakin ang certain table na madumi tapos yung upuan na makalat ganon din yung carpet na ang tindi ng kalat! Samantlang sa kabila naman eh yung mga librong nakalabas sa bookshelf at ang maalikabok pa!

"Ano bang buhay ito?" hindi ko maiwasan ang maipadyak ang paa ko at nagulat naman ako ng magbukas ang pinto at bumungad ang ama niya

"May reklamo ka?" agad naman akong at kumuha na ng basahan para punasan ang table at talagang madumi ito, ganito ba sila kaburara?

Lumipas ang isang oras at natapos na ako sa pag-aayos at salamat nalang sa youtube dahil tinuruan akong maglinis at buti nalang hindi ako binantayan ng magulang niya sa paglilinis ngayon naman ay ting ting pala ang tawag sa stick na madami at ayun ang ginamit kong pang-walis sa carpet, tss kung may vacuum lang edi sana mabilis akong natapos!

"grabe naman itong kalat dito sa labas? Isang plastic na malaki agad nagastos" reklamo ko paano ba naman yung mga sirang gamit na ay tinapon ko na gaya ng sabi nila at sa totoo lang nakakapagod palang maglinis! Isa pa itong mop na pinoproblema ko eh tuyo to tapos hindi ko alam kung saan babasahin at anong gagamitin kong lubluban?

"Ah Maam? Saan po ang cr? S-saka paano po itong mop na ito?" taas ko sa mop.

"Bakit hindi ko alam kung paano gamitin yan? Ang cr nasa dulo sa left side" magtatanong ba ako kung alam ko?

"Maam hindi po ako marunong sa ganitong mop" simple kong sagot na nagpabuntong hininga sa kanya at may binulong pa na kung ano

"Ayang timba lagyan mo ng kalahating  tubig at fabcon na nakalagay diyan sa timbang hawak mo saka mo ilublob ang mop at ipunas pero kung gagamitin mo naman siya sa iba labhan mo muna ang mop saka palitan mo yung nilubluban mong panibago" turo nito saakin kaya tumango naman ako, agad naman akong nagpunta sa cr at nilagyan ang timba ng kalahating tubig tapos may fabcon naman na nasa bottle at dinamihan ko ng buhos oara mabango, ito din pala gagamitin ko sa ibang kwarto? Parang kukulangin? Bahala na ilahat ko nalang ito tapos itong tabo na nakita ko sa cr ang gagamitin ko na pangbuhos sa sahig para pupunasan ko nalang ng mop at edi pupunuin ko nalang ang timba? Tama tama ganon nga!

CONTRACT LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon