CHAPTER 7

229 12 5
                                    

BEATRIX'S POV

Pagkatapos ng aming pag-uusap ni Jack ay agad na akong bumalik sa bahay at naabutan ko pa din silang nag-uusap,mukhang inaantay ako...

"Andito na po ako"  agad naman akong hinarap ni Liam, ngumiti naman ako sa mga magulang ko.

"Bea Im really----"

"Okay na Liam, panalo ka na. Nga pala sasama na po ako pabalik sa Manila, Mama thank you po sa lahat ng naitulong niyo po saakin mamimiss ko po kayo" niyakap ko naman si Mama ganon din si ate Sarah

"Mamimiss ko ang bonding natin, sayang hindi ko man lang makikita ang kambal" sabi ni ate Sarah, hindi ko naman maiwasan ang maging emosyonal. Kung tutuusin ang dali kong paiyakin sa sobrang liit na bagay naiiyak na ako pero madali din naman akong patawanin!

"Hay nako ate Sarah! Mamimiss din ng kambal ang boses mo! Hayaan mo kapag may time dadalaw ako dito" muli kong niyakap si ate ganon din si Mama at si Bugoy na hindi pa umuuwi.

"Ate salamat sa mga tinuro mo saakin, salamat kasi ginagawa mo ako ng mga positive quotes. Mamimiss kita ate Bea pero wala na mangungulit saakin na maligo sa dagat, ate i-ingatan mo sarili mo ah! " niyakap naman ako ni Bugoy at bigla nalang itomg umiyak dahilan ng ikinatawa ko

"Ano ka ba Bugoy! Haha magkikita pa tayo wag kang mag-alala, mamimiss din kitang bata ka! Hahaha" pinunasan ko naman ang luha nito, grabe mamimiss ko silang lahat gayon din ang mga kapit bahay nila Mama na nalapit na din saakin. Mamimiss ko din yung jamming namin ni ate Sarah tapos yung boses niya na kakantahan ako bago matulog, yung fried siopao ni Mama ganon din yung pag-yaya kay Bugoy na maligo sa dagat. Pero wala eh, kailangan ko ng bumalik sa asawa ko dahil gaya ng sabi ni Jack... Ama pa din siya ng mga anak ko at dapat hindi ko daw pagkaitan ng karapatan, pero pinagkaitan niya ang bata non diba? At pinagkaitan niya din akong mahalin siya.

Pero mahal ko din ang magulang ko, ayokong pag-alalahanin pa sila sa sitwasyon namin at mas lalong ayoko ng lumala pa ang gulo, ang tanga ba? Wala eh hindi ko din alam kung tama ba 'ting desisyon ko na bigyan siya ng second chance, na patuloy sumugal kahit na walang kasiguraduhan na manalo ako. Ngunit isa lang ang alam ko, kapag sinayang niya ulit ang binigay kong pagkakataon hinding-hindi na ako magpapakita sa kanya at ilalayo ko ang kambal

"Im happy because you are here now" kausap saakin ni Liam, tatlong araw na ang lumipas ng makauwi kami but as usual hindi ko pa din siya gaanong kinakausap, hindi ko siya kinukulit gaya dati. Hindi sa naiilang pero gusto ko muna siyang subukan mamaya once na magtiwala ako sa kanya saktan niya pa ako eh.

"Anong gusto mong food? " muli nitong tanong ngunit tinuloy ko pa din amg pagpipinta.

"Hindi mo pa rin ba ako kakausapin?" pansin ko ang lungkot sa kanyang boses pero para saan? Bakit siya nalungkot? Diba nga ayaw niya sa prisensya ko? Habol niya lang ang karapatan niya sa bata.

"Sige iiwan muna ki----"

"I hate you" walang emosyon kong sagot pansin ko naman ang pagbuntong hininga niya, yun ang totoo. Hanggang ngayon ramdam ko pa din ang inis sa pagmumukha niya na parang gusto ko siyang bigwasan, kurutin ang pisnge niya, sabunutan, at pagsasampalin.

"Hate me if you want it's fine" simpleng sagot nito at sinarado na ang pinto mg kwarto ko, naitigil ko naman ang pagpipinta at malungkot na napatingin sa pinto. Bakit ganon? Bakit bigla nalang akong nakaramdam ng lungkot? Bakit pakiramdam ko totoo ang pinapakita niya?

Tinigil ko na ang pagpipinta at agad na pumunta saaking kama, naupo ako at kinuha ang guitar sa tabi ko. Sinimulan ko itong i-stram, tatlong araw palang ang lumipas pero namimiss ko na sila Mama ganon din ang jamming namin ni ate Sarah

CONTRACT LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon