CHAPTER 10

189 8 2
                                    

"Bea?!" gulat na sigaw ni Gab habang hawak hawak pa din niya ang tenga ni Drystan at Liam, nakatingin din ito sa tiyan ko.

"H-Hi?!" bati ko sa kanya, pinanglakihan niya naman ng mata si Liam

"KAYA BA BIGLA KAYONG NAWALA AH?! LOKO KA LIAM BINUNTIS MO KAIBIGAN NAMIN!"

"A-ARAY GABRIELLA!" parehas na reklamo ni Drystan at Liam

"Hala Gab! Maawa ka sa Wild ko!" saklolo naman ni Zie kay Drystan, ewan ko ba kung matatawa ba ako sa ginagawa ngayon ni Gab o maaawa? Siguro both.

"HAYS! IKAW LIAM! BAKIT MO BINUNTIS KAIBIGAN NAMIN!" binitawan na ni Gab ang tenga ni Drystan ngunit parehas niyang piningot ang tenga ni Liam, karma niya na ba iyan? Nako kung alam lang ata nila ang pinagdaanan ko sa kanya baka hindi lang iyan ang dinanas niya tss!

"A-RAY GAB! ANG SAKIT! A-ASAWA KO NAMAN SI BEA EH! K-KAYA WALANG MASAWA DON!" anong sinasabi niya? Wow parang ginusto niya ang nangyari na halos pagtabuyan niya ako noon? Weird.

"Hmm sabagay? Pero tinago mo ang kaibigan namin!" mas nilakasan pa ni Gab ang pagpingot sa magkabilang tenga nito bago bitawan.

"Ang sakit ng tenga ko! Gab hindi ko na itatago saiyo si Bea" para akong matatawa sa itsura ngayon ni Liam, grabe naman kasi halos maiyak na siya sa ginawang pagpingot ni Gab! Kawawa! Karma is a bitch ika nga! Hahaha

"Dapat lang! Ah Bea namiss kita!" tumakbo naman si Gab sa pwesto ko at niyakap ako, niyakap ko naman siya pabalik. Buti naman at umokay na siya ngayon unlike kanina na hinahanap niya si Jaden.

"I miss you too, kamusta ka na? Gab condolence for Jaden" malungkot kong sabi dito humiwalay naman siya sa pagkakayakap saakin at tumambad ang luhang umaagos sa kanyang mata.

"Bea ang sakit! Bakit niya ako iniwan?! Nangako siya saakin eh!" muli ko naman siyang niyakap samantalang hinagod naman ni Zie ang likod nito.

"Shh Gab, makakasama sa batang dinadala mo" pagpapatahan ko dito agad naman siyang kumalma.

"Guys hindi ko alam ang dapat kong gawin, paano ako magiging magulang sa anak ko? Paano ako magiging ama sa kanya? Paano ko sasabihin ang nangyari sa ama niya? Guys ang sakit! Para akong nangangapa sa prisensya ni Jaden ngayon! K-kasalanan ko ito eh! "

"Gab andito lang kami, ah eh excuse muna kami ni Liam for sure hinahanap na si Mashy. Mukhang kailangan niyo din muna mag-usap usap basta anditi lang kami para sayo" paalam ni Drystan.

"Hihi sige po mga ate mauna na po ako, Ate Gab fighting lang po! Kasama niyo po si God" napangiti naman ako sa sinabi ng bata kay Gab, grabe ang cute niya! Sana ganyan din kacute ang kambal!

Nag-paalam na sila saamin at sa pag-alis nila ay ang biglang paghagulgol ni Gab.

"Gab shhh, andito lang kami at tutulungan ka namin sa pagpapalaki sa baby mo. Saka andiyan ang magulang mo at ni Jaden para gabayan ka din at gaya ng sabi ni Mashy, kasama mo ang Panginoon" pagcomfort din ni Kath kay Gab.

"Pero bakit niya kinuha saakin si Jaden? Ganoon ba ako kasama para kunin niya ang asawa ko? Alam niyo kasalanan ko naman talaga kung bakit namatay ang asawa ko eh! Hinayaan ko ang sarili na magalit sa kanya kaysa alamin ang katotohanan" hindi Gab, may dahilan ang Diyos.

"Gab wala kang kasalanan sa pagkamatay ni Jaden at saka may dahilan si Jaden kaya niya ginawa na magtago sayo pero Gab hindi mo naman ginusto ang pagkamatay niya, walang may gusto ng pagkawala niya. Gab may dahilan ang Diyos kung bakit niya hinayaan na mangyari ang lahat, magpakatatag ka lang para sa anak niyo ni Jaden para din kay Nikaella, sa pamilya mo at saamin. Gab hindi ka namin iiwan at mas hindi ka iiwan ng Panginoon magtiwala ka lang"

CONTRACT LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon