BEATRIX'S POV
Isang buwan na ang lumipas at tatlong buwan na din ang dinadala ko, nakakatuwa dahil ang laki na ng tiyan ko at sabi ni doctora healthy daw ng mga babies ko, opo babies dahil twin ang dinadala ko.
"Grabe kasing ganda mo talaga ang nature hahaha" hirit na naman saakin ni Jack, sa isang buwan niyang pananatili dito ay mas lalo ko pa siyang nakilala at naging kaibigan at manliligaw, pero handa naman daw siyang maghintay saakin hanggang daw sa gumaling ako at magkaroon siya ng pag-asa saakin. Pero sa totoo lang feeling ko ay nahuhulog na ako sa kanya, feeling ko aamin na ako sa kanya sa aking nadarama.
"Uhm Jack ano sa tingin ko...."
"Sa tingin mo?" tanong din nito at hinihintay ang sasabihin ko
"Sa tingin ko gu-----"
"Ate may bisita ka daw!" sigaw ni Bugoy habang tumatakbo ito saamin.
"Huh? Sino daw?" taka kong tanong dito ng makalapit siya saamin.
"Hindi ko kilala te eh basta pinapasundo ka na saakin" hinihingal pa nitong sabi napatingin naman ako kay Jack ng may pagtataka at nakangiti naman ito saakin.
"Ah Jack una muna ako ah, sino kaya yung bisita ko?" tanong ko din sa kanya, bakit pati siya tatanungin ko eh hindi naman niya ito kilala.
"I don't know, but I wait you here" nagpaalam na ako sa kanya at sumama na kay Bugoy.
Nang makarating kami sa bahay ay agad na tumambad saakin ang nakatalikod na babae at lalake habang masayang nakikipagkwentuhan kay Mama
"Mommy?Daddy?" tawag ko ng mamukhaan ko ito, agad naman silang humarap saakin at kita ko ang saya sa kanilang mga mukha.
"Anak!" sigaw nila at agad na napatayo habang ako ay agag na lumapit sa kanila at yumakap.
"Mommy!Daddy! namiss ko po kayo!" naiiyak kong sabi sa kanila habang nakayakap. Hinalikan naman ako ni Daddy saaking noo.
"Anak namiss ka namin! Bakit hindi mo manlang sinabi na andito ka? Bakit ka pa nagsinungaling saamin! Buti nalang alam namin kung saan ka hahanapin" umiiyak na sabi saakin ni Mommy napangiti naman ako.
"Sorry Mommy kung nagsinungalung ako ayoko po kasi ng gulo eh, sorry po" paghingi ko sa kanila ng tawad naramdaman ko naman ang paghawak saaking tiyan ni Mommy.
"Nakakatuwa may kambal na kaming apo! Paniguradong masaya si Liam malaman na kambal ang anak niyo" agad naman ako napatigil samantalang sila ay kita ko ang saya sa kanilang mga mukha.
"Saan na ba ang lalakeng iyon?" tanong naman ni Daddy,so kasama nila si Liam?
"K-kasama n-niyo po siya?" para akong nanghina, bakit? Bakit kasama nila?
"Oo anak---Oh Liam saan ka ba nanggaling!" kita ko ang saya sa mukha ni Daddy gaya nalang nung maikasal kami, paglingon ko dito ay kita ko ang walang emosyon sa kanyang mukha at napansin ko din ang pag-payat niya
Pero bakit ganon? Bakit bumibilis ang tibok ng puso ko? Bakit parang gusto kong tumakbo at yakap--- hindi Bea! Gusto ka na niyang mamatay remember? Gusto niya din mawala ang anak niyo diba?!
"B-bakit ka andito?!" galit kong sigaw kita ko naman ang pagbago ng reaksyon nito, kita ko ang lungkot pero bakit?
"Bea look Im sorry---"
"Sorry?! Liam para saan?! Para saan ang sorry mo?!"
"Anak wag mo namang ganyanin si Liam"
"Oo nga anak saka humingi naman siya ng tawad saamin eh" talagang siya pa ang kinakampihan ng magulang ko?! Sa simpleng paghingi ng tawad?! Pinatawad na nila?!
BINABASA MO ANG
CONTRACT LOVE
Teen FictionKaya ko pa bang lumaban kung puro sakit ang dulot niya saakin? Paano ako lalaban kung hindi niya ako binibigyan ng pagkakataon na iparamdam ang pagmamahal ko sakanya? - Beatrix Kasalan...