BEATRIX'S POV
"Okay ka lang ba anak? " tanong saakin ni Mama Lekay, kasalukuyan kaming nasa dalampasigan at isang linggo na din akong namamalagi dito sa Batangas.
"Oo naman po Mama, ang hirap po pala magbuntis no? Yung tipong lagi kang gutom pero hindi mo makain yung mga favorite mong food kasi ayaw po ni baby, ang hirap din pong maglihi kasi kapag hindi mo nakain naiiyak po ako? Ang wierd Mama pero naeexcite na po akong makita si baby, naeexcite na po akong mahawakan siya at mahagkan" kwento sa kanya habang hinihimas ang aking tiyan, Mama na ang tinawag ko sa kanya dahil nakakahiya naman kung Nanny pa din saka para ko na siyang ina dahil simula pagkabata ko ay siya na ang nag-alaga saakin. Samantalang huli kong naramdaman ang aruga niya saakin at ang pag-aalala niyanung may sakit ako, yung panahong may butas ang puso ko. Pero wala akong dapat ikatampo sa kanila dahil ginagawa naman nila ang lahat para saakin
"Normal lang yan anak, alam mo bang ganyan na ganyan din ang Mommy mo nung pinagbubuntis ka niya? At habang nasa sinapupunan ka palang niya lagi ka niyang kinekwentuhan ng mga fairy books at kinakantahan ng mga paborito niyang kanta, nakakatuwa ang Mommy mo noon" nagulat ako sa sinabi ni Mama, hindi ko akalain na ginawa iyon saakin ni Mommy, sabagay sino bang ina ang hindi excited makita ang kanyang anak hindi ba?
"Mahal na mahal ka ng Mommy mo hija, baby ka palang nadiagnose ka ng may butas ang puso mo kaya hindi talaga tumigil ang mga magulang mo na maghanap ng donor para sayo. Nung nacoma ka? Walang ginawa ang Mommy mo kundi ang bantayan ka magdamag at hindi ka niya sinukuan anak lagi ka niyang kinakantahan ng paborito mong lullaby hanggang sa magkaroon ka ng donor masayang masaya ang Mommy mo at Daddy mo"namimiss ko tuloy sila, kamusta na kaya sila?
"Mama sa tingin mo ba mahalaga ako para sa kanila?" tanong ko kay Mama, kasi hanggang ngayon napapaisip pa din ako eh bakit ang dali nilang ipamigay ako? Bakit kailangan kong matali kaagad sa taong mahal ko? Oo gusto kong makasal sa kanya pero ayoko dahil hindi naman niya ako mahal eh, hindi niya ako mahal at tanging ako lang ang nagmamahal
"Oo naman anak, walang anak ang hindi mahalaga sa kanilang magulang. Kung nagawa ka man nilang ipagkasundo ay dahil iyon sa kaligtasan mo" huh? Kaligtasan? Parang lalo pa ngang napahamak ang buhay ko eh!
"Anong kaligtasan Mama? Eh mas lalo pa nga atang napahamak ang buhay ko eh?!" galit kong saad, alam ni Mama ang mga pinagdaanan ko lahat ng iyon ay sinabi ko kay Mama kaya thankful talaga ako ng may nalabasan ako ng sama ng loob ng may napagkwentuhan ako para lang gumaan ang nadarama ko at mabawasan ang galit sa puso ko.
"Maiintindihan mo din ang lahat anak sa tamang panahon" ngumiti lang si Mama saakin na dahilan ng lalong ikinagulo ng isip ko dahil sa sinabi niya, may gusto bang magtangka sa buhay ko? Pero bakit?
"Tara na anak handa na ang pagkain" nauna na si Mama sa paglalakad ngunit muli itong nahinto. "Wag mo ng isipin ang sinabi ko anak, basta kaming mga magulang ay hangad lang ang kaligtasan niyo dahil mahal namin kayo at mahalaga kayo saamin kaya gagawin namin ang lahat kahit na ikakasakit ito ng damdamin niyo, unawain mo nalang ang magulang mo Bea " ngumiti ito saakin bago magpatuloy sa paglalakad pero bakit ganoon? Paano ako makakaiwas sa gustong manakit saakin kung hindi nila sasabihin saakin hindi ba?
*Cring!*Cring!*Cring!* agad kong kinuha ang cellphone ko sa may bulsa ng shorts ko . "Mommy?" agad kong sinagot ang tawag at agad na bumungad saakin ang nag-aalala nitong boses ( "Anak okay ka lang ba?")
"Po? opo? Bakit po?" tanong ko dito
("Kasama mo ba ngayon si Liam? Kamusta na kayo anak?") a-anong sasabihin ko?
"Opo Mommy kaso po naggrocery po siya eh, okay lang po kami Mommy haha " pagsisinungaling ko, rinig ko naman ang pagbuntong hininga niya.
"Okay anak I love you, ang sama kasi ng panaginip ko kaya agad kitang tinawagan. By the way ikamusta mo nalang ako sa asawa mo ha, babye I love you sweetheart" I love you too Mommy...
![](https://img.wattpad.com/cover/213142197-288-k601925.jpg)
BINABASA MO ANG
CONTRACT LOVE
أدب المراهقينKaya ko pa bang lumaban kung puro sakit ang dulot niya saakin? Paano ako lalaban kung hindi niya ako binibigyan ng pagkakataon na iparamdam ang pagmamahal ko sakanya? - Beatrix Kasalan...