BEATRIX'S POV
"Hi babe" tawag niya sa puting unggoy dahilan ng ikinakunot ng noo ko, kabit niya talaga ang unggoy na ito? Chour!
" Bakit parang ang tamlay niya?" malungkot pang tanong nito, pansin ko nga sa mga mata nito ang pagkamatamlay.
"Hi Kliko!" bati ko sa kanya at hahawakan ko na sana siya ng bigla akong sabunutan nito, tae wala naman akong kuto eh!
"Hala?! Kliko stop!"
"Babe stop!" pigil nila sa unggoy ngunit mas lalo pang hinila nito ang buhok ko, mas masakit pa siyang manabunot kaysa sa babae!
"Ahh! Kliko stop na! Wala akong kuto!" pagmamakaawa ko dito ng may isa pang unggoy na dumating at parang pinipigilan si Kliko, tumigil naman ito at hinissan ako.
"Whoa! Pinagselosan ka ata Bea!" biro pa ni Jess, jusko naman! Sakanya na si Liam! Baliw din naman kasi ang shokoy na 'to, lalande na nga lang sa hayop pa? Sabagay kauri niya nga naman.
"Good job Blike!" bati naman ni Liam sa isang unggoy at ngumiti naman ito ang cute ng ngipin niya haha!
"Okay ka lang ba? Sobrang sakit ba?" nag-aalalang tanong nito saakin tumango naman ako bilang tugon at muling binalik ang atensyon sa dalawang unggoy na parang naghaharutan? O nag-aaway kaya sila?
"Lalake si Blike, siya ang ama ng baby ni Kliko" wow? So harutan nga ang ginagawa nila ngayon? Weird.
"Ilang unggoy ang alaga mo Jess?" tanong ko dito.
"Lima sila, si Kliko, Blike, Molana, Halushi, tapos yung baby nila Kliko na wala pang name. Actually pinagiisipan ko pa eh" wow? Monkey lover ba siya?
" Saan naman yung tatlo?" muli kong tanong, si Kliko at Blike lang kasi ang nakikita ko eh.
"Si Molana at Halushi asa bahay ko samantalang si baby andon sa may cage niya, gusto niyo makita?" tumango naman ako bilang sagot at sumunod sa kanya. Kasalukuyang natutulog ang baby ni Kliko, whoa? Ang cute ni baby monkey! Pwede ko na ba siyabg angkinin? Kaso baka masabunutan ulit ako ng nanay!
"Ang cute nga ano? " puri niya sa baby monkey, owo! Sanall pinuri niya ng cute!
"Pwede ba natin siya ampunin?!" tanong ko sa kanya na ikinagulat naman niya, wala namang masama mag-alaga ng unggoy diba?
"Seryoso ka ba diyan? Hindi ka ba natakot sa ginawa sayo ni Kliko?" hindi naman? Pero seryoso ang sakit niyang manabunot!
"Hindi naman, bakit ikaw natakot ka? Kabit lang siya tapos ako ang legal wife!" anudaw? Anong pinagsasabi mo Beatrix? Paki-explain nga!
"So pinagseselosan mo si Kliko?" mapangasar nitong tanong, ako? Magseselos sa unggoy? Hindi ako immature men~~~
"Baliw ka ba? Nasisiraan ka na ata ng bait eh! Aish! Ampunin nalang natin siya" turo ko sa baby ni Kliko na natutulog.
"Ayoko!" tutol agad nito, luh bakit?! Madaya!
"Bakit ayaw mo?! Ikaw ba mag-aalaga?!" muli kong reklamo, ako naman kasi ang mag-aalaga eh! Saka ang cute niya talaga! Gusto ko siyang alagaan!
"Ayokong maging kamukha ng unggoy ang anak natin! Ayoko! Dapat ako lang ang kamukha nila!" nagulat naman ako sa sagot nito, grabe siya?! Mas nakakatakot pag naging kamukha ng anak namin siya! Saka duh! Ako ang nagdadala sa anak namin ngayon ano!
"Hahaha! Liam mas okay pa atang maging kamukha ng asawa mo" singit pa ni Jess kaya sinamaan naman ito ng tingin ni Liam, baliw talaga!
"Ayoko! Ayoko! Wag mong paglihian ang unggoy! Ako nalang paglihian mo!" binatukan ko siya sa sobrang inis, gusto ng kambal mag-alaga mg unggoy kaya dapat hindi niya pinipigilan!
BINABASA MO ANG
CONTRACT LOVE
Teen FictionKaya ko pa bang lumaban kung puro sakit ang dulot niya saakin? Paano ako lalaban kung hindi niya ako binibigyan ng pagkakataon na iparamdam ang pagmamahal ko sakanya? - Beatrix Kasalan...