*Cling*Cling*Cling* rinig kong tunog ng cellphone ko, natigil ko naman ang pag-mamap.
"Drystan? Bakit kaya napatawag ang loko?" sinagot ko naman ang kanyang tawag at hindi ko inaasahan ang ibinalita nito.
("Jaden is dead bro") ramdan ko ang lungkot sa boses niya, t-teka? B-bakit? P-paano?
"Nagbibiro ka lang diba? Bakit? Anong nangyari? Imposible yan Drystan! Masamang damo si Jaden!" hindi ko alam pero bakit ganon? Kusa nalang tumulo ang mga luha saaking mata, hindi naman totoo yun diba?
("Im serious Liam! Nag-crash ang sinasakyan niyang Eroplano") bigla akong nakaramdam ng panghihina dahilan ng ikaluhod ko, bakit? Diba walang iwanan? Bakit siya nang-iwan?
("Hello? Liam? Bro? Andiyan ka pa ba?")
"S-saan kayo ngayon?" tanong ko ng makabawi
"S-sa ***** Hospital, nakaconfine ngayon si Gabriella. Sige na bro ibaba ko na itong tawag" napatay na ang tawag ngunit na natili pa din akong nakaupo sa sahig.
Simula bata palang kaming tatlo ay mag-kakaibigan na kami at nangako pa kami sa isa't-isa na walang iwanan, pero bakit ganon? Bakit niya kami iniwan? Paano ang asawa niya?
Hindi ko mapigilan ang luhang tumulo saaking mga mata at naalala ang mga pinag-daanan namin noon maging ang mga kalokohan sa buhay, tila mananatiling isang ala-ala na lang ba ang lahat? Hindi na ba madadagdagan iyon?
"Corny man guys pero walang iwanan ah hanggang kamatayan!" tinawanan naman nila ako
"Oo naman! Masasamang damo pa tayo kaya di muna tayo kukunin ni Lord!" sagot naman ni Jaden
"Loko! Siguro kailangan na natin humingi ng kapatawaran sa mga nagawa nating kasalanan! Mahirap na" sagot naman ni Drystan
"Nako Drystan! Nagpapakabanal ka na naman! Hahaha" wala eh si Drystan talaga ang pinaka mabait saaming tatlo at takot gumawa ng kasalanan, ewan ko lang kung anong nangyari saamin ni Jaden?
"Hay nako Liam! Tama si Father Drystan, baka masunog na tayo sa simbahan kung hindi tayo hihingi ng tawad. Saka alam niyo? Parang gusto kong maglingkod sa Diyos" nagulat naman ako sa lumabas sa bibig ni Jaden kaya nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya
"Ikaw ba yan Jaden?! Sinaniban ka ba ng anghel mo?" nabatukan naman ako nito.
"Seryoso ako Liam! Ikaw kasi puro ka kalokohan sa buhay, dami mo ng kasalanan baka gusto mo naman magbawas?" sa totoo lang natatakot din naman ako pero tama siya kailangan ko nga magbawas.
"Tama ka, tara simba tayo at mangumpisal" yaya ko at nanguna na sa kanilang maglakad
Nakarating kami sa simbahan at parang gusto ko ng umatras dahil sa kabang nararamdaman ko, gaano ba ako makasalanan?
"Oh Liam? Para ka ng maiihi diyan? Tara na!" yaya saakin ni Drystan at hinila pa ako
"Teka Drystan! Jaden! Walang iwanan ah! Wag niyo kong iiwan!" pigil ko dahilan ng ikinatawa nila, muli pa akong hinila ni Drystan
"Oo Liam di kita iiwan! Wag kang mag-alala isasama pa kita sa langit" napasimangot naman ako sa sinabi nito
"Ako din bro isasama kita hanggang kamatayan kaya wag ka ng mag-alala diyan " sagot pa ni Jaden at tinulak tulak pa ako para tuluyang makapasok sa simbahan. Mukha naman silang seryoso sa mga sinabi nila? Pwede ko din ba silang isama sa impyerno kung di ako pinalad sa langit? Hala Lord joke lang! Ayoko po sa hell, patawadin niyo po ako sa aking nasabi
"Oh bakit umiiyak ka diyan?" masungit na bungad saakin ni Bea ngunit ramdam ko ang pag-aalala sa kanyang tono, paano ko sasabihin sa kanya ang totoong nangyari?

BINABASA MO ANG
CONTRACT LOVE
Teen FictionKaya ko pa bang lumaban kung puro sakit ang dulot niya saakin? Paano ako lalaban kung hindi niya ako binibigyan ng pagkakataon na iparamdam ang pagmamahal ko sakanya? - Beatrix Kasalan...