"Okay ka lang ba? May masakit ba sayo?" nag-aalalang tanong saakin ni Liam na kadarating lang kasama si Drystan, tumango lang ako sa tanong niya at agad na binalik ang atensyon kay Gabriella na ngayon ay natutulog na.
"Labas muna ako guys" paalam ni Kath susundan ko sana ito ng hawakan ni Liam ang kamay ko
"Hayaan mo muna siya Bea, kailangan niya din muna ang makapagrefresh ng isip at makalanghap ng hangin. Paniguradong natakot din siya kanina"
"Kailangan ko din makalanghap ng hangin Liam kaya hayaan mo akong sundan siya" inalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko at sumunod na kay Kath.
"Kath!" habol ko sa kanya natigil naman ito sa paglalakad at pansin ko pa ang pagpahid niya sa kanyang luha bago ako lingunin, nakangiti ito ngunit sadyang traydor ang luha niga sa pagtulo nito. Agad ko siyang nilapitan at niyakap, naramdam ko naman ang pag-hikbi nito.
"Sige lang Kath, iiyak mo lang yan. Andito lang ako" hinagod ko ang kanyang likod, niyakap niya naman ako pabalik.
"Bea b-bakit ka-kailangan pang mangyari iyon kay Gab?" hindi ko din alam Kath, hindi ko alam kung bakit hinayaan mangyari iyon ng Panginoon marahil ay may plano siya sa buhay ni Gab.
"A-ang sakit Bea na m-makita mo ang kaibigan mo na nasa ganoong k-kalagayan, sana p-panaginip nalang ito, s-sana panaginip lang ito sa b-buhay niya" sana nga... Pero hindi natin maikakaila na ito ang katotohanan...
"Bea! Kath!" rinig naming pagtawag saaming pangalan nilingon naman namin ito, seryoso ang mukha nito habang papalapit ito saamin.
"Ano yan?" tanong ni Kath sa inaabot na panyo nito
"Panyo? Hindi ba obvious? Tignan niyo nga yang sarili niyo! Para kayong pinagsakluban ng langit at lupa, nagsama na ang luha at uhog niyo sa mukha!" sermon pa nito agad ko naman inabot ang panyo at pinunasan ang mukha ko.
"At ikaw!"duro niya pa saakin "Wag mong stressen ang sarili mo! Buntis ka pa naman at baka makasama yan sa mga anak mo!" parang sumasakit na ang tenga ko sa sermon niya ah?
"Tara! Sa coffee shop muna tayo, pinagtitinginan na din tayo mga dai" napansin ko ang mga taong nakaupo sa may waiting area, para itong nanonood ng pelikula dahil nakatingin ito saamin.
"Geez! Bakit di mo sinabi agad Zie! Nakakahiya!" reklamo ni Kath samantalang tinawanan lang ito ni Zie dahilan ng ikinatawa ko na din, parehas kaming hinila nito at halata ang pagmamadali sa lakad niya.
"Dai dahan-dahan lang may kasama kang buntis!"reklamo ko ngunit si Zie parang nasisiraan ng bait dahil hindi matigil sa pagtawa, nagluluksa ba ang babaeng ito? O nababaliw na? Kung ipacheck-up na kaya namin siya?
"Sorry na, Oy Zie tumigil ka nga sa pagtawa diyan para kang baliw!" nauna na saamin si Kath, paniguradong hiyang hiya na ang babaeng iyon, napahagod naman ako saaking tiyan. Hay nako mga anak! Pagpasensyahan mo na ang mga Ninang mo at may sapak lang talaga sila sa utak.
LIAM'S POV
"Bro dapat ko ba silang sundan? Baka saan magpunta ang mga yon?! Buntis pa naman ang asawa ko!" reklamo ko kay Drystan na ngayon ay nakasimangot na.
"Iiwan mo ako? Alam mo naman takot ako sa hospital eh! Baka mamaya niya bigla nalang magpakita saakin ang mga multo! Saka Liam hindi pababayaan ni Wild ko at Kath si Bea!" tss kahit kailan Drystan!
"Saka utos saatin ni Wild na bantayan natin si Gab lalo na iba ang pinagdadaanan ni Gab ngayon, kaya dapat maging malakas tayo para sa kanya. At paniguradong lagot tayo kay Jaden kapag pinabayaan natin si Gab Liam, saka ayoko pang multuhin ako ni Jaden no kahit kaibigan ko siya! " masisiraan ako ng bait sa lalakeng ito!
BINABASA MO ANG
CONTRACT LOVE
Teen FictionKaya ko pa bang lumaban kung puro sakit ang dulot niya saakin? Paano ako lalaban kung hindi niya ako binibigyan ng pagkakataon na iparamdam ang pagmamahal ko sakanya? - Beatrix Kasalan...