BEATRIX'S POV
"What are you doing?" sulpot ni Jack saaking likuran sa ilang araw na lumipas ay naging close kami nito, siya din pala ang nagligtas saakin nung muntikan na akong malunod sa dagat siya yung tumulong kina Gab para maligtas ako at laking pasasalamat ko dahil pakiramdam ko pangatlong pagkakataon ko na ito para mabuhay.
"Ito nagdadrawing" simple kong sakot habang ginagaya ko ang kapaligiran sa pagguhit ang ganda kasi ng kalangatin ngayon at nagrereflect ito sa karagatan at kasalukuyang palubog na din ang araw.
"Ang galing mo naman gumuhit" puri nito saaking ginagawa na nagpangiti naman saakin.
"Ilang years ka na sa pag-aaral mo sa medisina? " tanong ko dito habang gumuguhit nakwento niya kasi saakin na medicine ang kinuha niya at gusto niya maging isang Ortopeidic surgeon
"5 years at kalukuyan kong pre-med ang Nursing" tumango naman ako, bakasyon lang din siya dito sa Batangas at sa totoo ay sa Manila din ito nag-aaral gaya ko pero siguro after ng bakasyong ito ay mag-oonline study nalang ako dahil hindi ko kaya na magpakita pa kila Gab at lalo na delikado dahil buntis ako, ang dami ko pa naman haters sa school di lang halata haha
"I see, o ito na tapos na yung ginuguhit ko" agad ko naman inabot sa kanya at kita ko ang mangha sa kanyang reaksyon.
"Can I keep this? " agad naman akong tumango why not? Isa na siya sa tinuturing kong kaibigan at mabait naman siya at kalog gaya ng mga kaibigan ko.
"Nga pala bakit hindi mo kasama ang ama ng anak mo?" tanong nito saakin nung isang araw kasi nakwento ko sa kanyang buntis ako ngunit hindi ko sinabi sa kanya kung sino ang Ama basta ang mahalaga hindi siya nagtanong pero dahil nagtanong siya naalala ko na naman siya na unti unti kong kinalilimutan ang ginawa niya
"Long story, saka laki ng galit ko sa taong iyon" ayan nagbabago na naman ang timpla ng mood ko nararamdaman ko na naman ang galit.
" If you dont mind pwede mo naman ilabas saakin ang sama ng loob na nadarama mo sa kanya eh." hindi muna sa ngayon...
"Haha next time nalang pag handa na ako saka kung maaari wag mo muna siyang banggitin saakin" natahimik naman ito.
"Pero sa totoo lang mahal ko pa din siya hanggang ngayon at gusto ko man siyang burahin sa isipan ko ang hirap" kwento ko sa kanya tumabi naman ito saakin.
"Alam mo mahirap talaga kasi mahal mo siya saka hindi ganoon kadali mawala ang sakit kung hindi po siya patatawarin"
"Pero paano? Paano ko siya patatawarin kung sobra sobra ng sakit ang dinulot niya saakin? Paano ko siya patatawarin kung hindi pa ako handa?" ang hirap eh, gusto ko kapag pinatawad ko siya yung buong buo yung tipong wala na akong sakit na mararamdaman kapag nagkaharap kami yung tipong wala ng trauma sa naidulot niya saakin. Mas nakakatrauma pa yun eh kaysa sa mga nangyari saakin noon.
"Then don't, you need healing in yourself and when the right comes, when you are ready to forgive him then do. Kasi hindi ka sasaya kung may galit diyan sa puso mo, kahit na malayo ka man sa kanya... makakaramdam ka nga ng saya pero limited lang diba? "
"Bakiy naman? Diba mas mararamdaman ko yung saya kasi hindi na siya pumapasok sa isip ko? Kasi malayo ako sa kanya?" kung maalala ko man siya oo nakakaramdam ako ng inis pero lilipas naman ang araw eh at parang wala na siya saakin.
"You can't Bea... Kahit na malayo kayo sa isa't isa kung hindi man siya alalahanin ng isip mo ngunit ang puso mo ay alalahanin siya at kapag nagkagayon maiiisip mo ang lahat ng sakit na dulot niya sayo yung trauma na hatid niya sa buhay mo diba? Katulad kanina tinanong kita about kung sino siya at agad kong napansin ang inis sa mukha mo at hindi lang ako ang magtatanong tungkol sa ama ng anak mo at kapag malayo ang anak mo sa ama nila paano mo sasagutin ang tanong nila kung nasaan ito? Syempre mararamdaman mo ang sakit kaya kung ako sayo sa tamang panahon patawarin mo siya dahil di ka makakawala sa sakit na dinulot niya sayo" grabe parang alam na alam na ang hinaharap ng buhay ko ah?
BINABASA MO ANG
CONTRACT LOVE
Teen FictionKaya ko pa bang lumaban kung puro sakit ang dulot niya saakin? Paano ako lalaban kung hindi niya ako binibigyan ng pagkakataon na iparamdam ang pagmamahal ko sakanya? - Beatrix Kasalan...