CHAPTER 2

312 15 7
                                    

BEATRIX'S POV

"Bea? Andito na tayo" agad naman akong naalimpungatan, pagdilat ko palang saaking mata ay kalungkutan na agad ang aking nadama. Parang mas gugustuhin ko nalang matulo atleast pagtulog ka hindi mo mararamdaman ang sakit na dinulot niya sayo, pero kailangan kong magpalakas para sa anak ko...

"Ang ganda talaga dito" pagkalabas palang ng sasakyan ay parang niyayakap ako ng hangin, alam mo yung parang pinaparamdam niya ang pagcomfort niya sayo? Parang ganon haha

"Maganda nga ang view ang kaso delikado naman, tara doon tayo" yaya nito saakin, sumunod naman ako sa kanya. Naupo kaming pareho sa may simentong harang sa dagat at tanaw ang pag-alon nito.

" Nakakarelax yung tunog ng alon" sobrang nakakarelax, parang gusto ko ngang tumira malapit sa may dagat at tuwing gigising ako tatanawin ko ito at ako'y yayakapin ng simoy ng hangin.

"Nakakarelax nga ngunit maaari ka naman nitong patayin" teka? Kanina niya pa kinokontra ang sinasabi ko ah? Ano bang gusto niyang palabasin?

"Alam mo Kath kontra ka ng kontra sa mga sinasabi ko!" inis kong sita dito na nagpangisi naman sa kanya

"Ang corny mo kasi! Parang sa mga sinasabi mo kanina ay huling silay mo na sa kalikasan" grabe naman siya! Ako nga hindi ko iniisip na ito na ang huli dahil gustong gusto ko itong silayan eh.

"Ewan ko sayo Kath napapraning ka lang"

"Pero seryoso Bea anong problema at nagdadrama ka kanina?" seryoso nitong tanong saakin, paano ko nga ba sasagutin ang kanyang katanungan?

"Wala trip ko lang umiyak" parang tamad kong sagot sa kanya dahilan ng batukan ako nito.

" Baliw ka ba?! Yayayain mo ko dito tapos iyan ang isasagot mo saakin?!" oo na! Baliw na ako, baliw na baliw sa taong kailanman ay hindi ako mamahalin.

"Oo na, pero please pagsinabi ko sayo wag mong ipagsasabi sa iba kundi itatapon kita sa kailaliman ng karagatan!"

"Ewan ko sayo! Ang corny mo girl ano ho! Bilisan mo na magkwento!" sabi ko nga ang corny ko tss

"Nagtalo kami ni Liam" sorry Kath pero hindi ko pa kayang sabihin sayo ang pagbubuntis ko lalo na't ayoko ng gulo...

"Oh tapos? Bakit kayo nag-away?" tanong nito at naghihintay sa isasagot ko.

" Kasi kanina nagexcuse ako kay Gab na magsi-cr ako kasi umaga palang ang sama na ng timpla ng tiyan ko, nagtatae ako at nagsusuka. So nung nasa cr na ako ininom ko yung gamot na dala ko eh tapos biglang may tumawag saakin si Baby yung kaklase ko nung highschool niyaya akong umattend sa reunion namin" grabe Bea pwede ka ng maging writer sa ginagawa mo!

"Oh tapos anong nangyari?" grabe excited malaman girl?!

"Ayun napagkamalan niyang  jowa ko,akala niya si Baby jowa ko eh babae yun eh! Mas babae pa nga saakin yun eh! Kaya ayon napagtalunan namin sa Cr madami siyang masasakit na salita na nasabi saakin kaya para matigil na isumbat niya saakin ang lahat ako nalang ang didistansya sa kanya" grabe ang sakit talaga ng mga sinabi niya sakain, ultimo tong luha ko kusang tumutulo tuwing naaalala ko ang mga nangyari kanina, ang mga masasakit na salitang sinabi niya maging ang pagsakal niya sa panga ko. Trauma na ba ito?

"Oh bakit hindi ka mag-explain? Saka girl baka nagseselos kaya ganon?" sana nga nagseselos lang ang tao kaso sinumpa na ako na gusto niyang mamatay ni hindi man lang ako hinayaan na mag-explain?!

"Hindi niya nga ko hinayaan na magpaliwanag kaya ano pang ipapaliwanag ko sa kanya saka nasaktan ako sa mga pinagsasabi niya tungkol saakin!" ako na ang lalayo para makalaya kami sa isa't isa at makalaya ang anak ko sa pwede niyang gawin.

CONTRACT LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon