CHAPTER 2: OH FINALLY! *

337 12 1
                                    

CAMILLE's POV:

To Ms. Camille Sanchez,

Congratulations! You won a free travel ticket to Italy...


....

"...Please don't say no!" Ang sabi ko kay mama na sobrang excited talaga.

"Sorry,anak.But no..."

Sa isang kisapmata, parang nawasak ang mundo ko. Nalungkot ako ng sobra for real. Lahat ng nasa isip ko kanina: 'Yong pagpapapicture ko sa harap ng leaning tower; 'Yong pakikipag-usap ko sa mga Italian, kahit hindi ako marunong magsalita ng language nila; 'Yong pagpunta ko sa isang sikat na restaurant doon at pagkain ng masarap na pasta; At higit sa lahat yung exciting na adventure ko sa dream paradise ko. Lahat nawala.

"Anak, makinig ka. Masyado ka pang bata para sa pagpunta doon." Hinawakan ako ni mama sa balikat habang nakasimangot.

"Pero mama,hindi naman importante kung bata ka o matanda sa pagtupad ng pangarap mo, di ba?"

Napaluha naman ako ay! For real.

"Anak, mainitindihan mo sana. Darating rin ang araw na makakarating ka sa Italy. Hindi lang siguro ngayon. Kumain ka na sa kusina."

Umalis na siya.Pinunasan ko na yung luha ko. Tinago ko yung ticket sa cabinet ko. Anong ticket 'yon? Ticket na pinadala sa akin ng bookstore na pinagbilhan ko ng Italy book noong isang linggo. Yes. Ako ang nanalo sa raffle draw. Sa libo-libong taong nasali, ako ang napili. At ang free ticket ay papuntang Italy, my paradise.

Pero dahil wala pa akong 18, hindi pa ako pwedeng magtravel nang hindi kasama sila mama or ate or papa. 'Yan ang rule namin. Unfortunately, one ticket lang ang reward.

Ayos na eh! Meron na akong ticket ayos na rin visa ko last year pa which is gift ni papa. Pero I have to wait 'till I reach 18. Pero exired na 'yong ticket that time.

. . .

Another day has come. Ito ang last day namin bilang mga seniors. Sa wakas. Graduate na ako bukas.

"So, kamusta pala 'yong raffle? Di ba last day 'yong bunutan?" Ang bungad ni Lorraine na parang nag-iinis.

Napabuntong-hininga lang ako dahil bad trip pa rin ako. Tas nilapag ko 'yong bag ko sa upuan ko at nagpunta sa cr. Medyo beast mode ako kaya hindi ko na sinakyan pang-aasar ni Lorraine.

Hay! Sana talaga makapunta ako.Pero imposible na 'yon ngayon kasi bata pa nga ako. I wanna grow older now.

.

.

.

NO! Lahat ng nangangarap dapat hindi sumusuko.Kahit na mukhang imposible ito.

Someday, kahit hindi pa ngayon, alam ko makarating ako sa Italy. Sa pinapangarap kong paradise mula pagkabata.

. . .

Bumalik na ako sa classroom at nagpaparty na ang mga kaklase ko ! Last day of school, bakasyon na naman. Sayang, kasi kung pinayagan lang ako ni mama, sa Italy sana ako magiispend ng vacation.

Ako na lang ata hindi nag-eenjoy sa part namin.

Sasali sana ako sa mga games kaso pinagtritripan ako ng mga kaklase ko
At pinapares kay Ralph kaya nagwalk out ako papunta na namang cr na paborito kong lugar. After that dumukdok lang ako sa arm chair ko. Hinayaan ako ng adviser ko kasi sinabi kong nahihilo ako. Best in acting lang.

OH MY PARADISE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon