CHAPTER 18: OH MY HEART ACHES

135 4 0
                                    

CAMILLE's POV:

"Cuz,wag ka nang maging emo dyan!Tara na lang libuting yung mahal mong Italy"sabi ni Ellaine habang nasa terrace kami ng kwarto niya.

"Baka mamaya maglaslas ka na diyan!"-

"Baka naman magdrugs ka na..."

"Baka mamaya mabalitaan ko na lang tumalon ka sa Pisa."

...

Ang kulit talaga nitong pinsan ko.Di tuloy ako makapagemote ng maayos.

Maya-maya,tumayo ako at tumingin sa langit...

"Baliw ka Keanne!"at sumigaw ako ng malakas.

"Matalisod ka sana!"ilang saglit akong napatigil tas biglang tumawa.

"Cuz,abnormal ka nga."niyakap ako ni Ellaina at umiiyak ata.

"Cuz,baliw talaga ang lalaking hindi ka pinanghawakang mabuti."

Inalis niya ako sa pagkakayakap niya at sumigaw din.

"Baliw ka Keanne!Madulas ka sana!Kamikorosu! Ihahampas ko sa mukha mo yung unang bagay na makita ko pag nagkita tayo!!!!!!Ang sama-sama mo,bakit mo sinaktan pinsan ko!Sumakit sana tiyan mo!"sabi niya at niyakap niya ulit ako ng mas mahigpit.

"Cuz,kalimutan mo na si keanne.Ako na lang magmamahal sa'yo."-Ellaine

"Cuz,bakit mukhang mas affected ka sakin?"-ako

"Eh paano naman di kita kayang makitang nageemote sa tabi-tabi.Ang bait-bait mo naman atsaka loving and caring pa...Bakit-bakit ang babaliw nung mga lalaking nagpapaiyak sayo."

"Ayos lang yun."

"Ayos lang siguro yung sa mga dating naging ka-mu pero yung kay Keanne,ang sakit nun cuz.I can feel you.Im sorry kung hindi ko kayang patayin yung lalaking yun ngayon ah.Next time na lang..."

"Cuz..."

...

Keanne's POV:

Hindi ako mapakali at naiinis sa sarili ko dahil iniwanan ko si Camille mag-isa kahapon.Nang balikan ko siya nakita kong kasmaa niya si Louis at papaalis na sila.

Nakita ko siyang umiiyak.

Somehow mas nasaktan ako kesa nung sabihin ni Karen na hindi niya na ako mahal.

...

The next day,papunta ako sa bahay ng tita ni Camille para humingi ng sorry.Pero pasakay pa lang ako natalisod naman ako ay.After that nung bumaba na ako bigla naman akong nadulas.Ano bang kamalaasan nangyayari sakin?

At muntikan pa akong bumalik sa bahay kasi biglang sumakit ang tiyan ko.

Pero ang pinakamalala kakatok pa lang ako nakahanda na ang burol ko na sponsored by Louis,Sinalubong ba naman ako ng suntok.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Camille's POV:

Maya-maya,may narinig kami ni cuz na ingay mula sa baba.Agad kaming nagpunta dun at nakita si Keanne at Louis na nag-aaway.Inaawat sila nila tita pero si Louis mukhang galit na galit.

"Tama na yan!"hinila ko si Louis at pumagitna naman si Ellaine.

"Vas Happening?"sabi ni Ellaine na nakapamewang.

OH MY PARADISE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon