CHAPTER 4: OH MR. SUNGIT! *

247 10 4
                                    

CAMILLES's POV:

Ang aga-aga pa lang ginising na ako ni Ellaine. Pinagayak niya na ako at sisimulan na daw namin ang panghuhunting kay Mr.Sungit.

Sobrang lakas ng fighting spirit niya kaya binato ko tuloy siya ng unan.

"Aray!Ikaw na babae ka. Hahanapin na natin si Mr.sungit na soulmate at destiny mo."

"Mamaya na lang." Atsaka ako humikab at pininikit ulit ang mga mata.

. . .

Hinila niya ako papunta sa cr at binuhusan ng tubig.

"Ang lamig!" Nanginig ako at nagising na nang tuluyan. Pinaalis ko na su Ellaine at naligo na ako.

May maligamgam naman palang tubig, bakit 'yong malamig pa ang  ibinuhos sa akin? Talaga yang si Ellaine.

. . .

Pagkahanda ko sa sarili ko, nag-umagahan na kami. Dumating na si Louis at sinundo kami.

Kung saan-saan nila ako pinunta. Wala naman akong reklamo kasi Italy my love ito. May mga Italian akong kinakausap. Pero hindi ko mainitindahan 'yong  iba nilang sinasabi.

. . .

"Magpinsan nga kayo." Ang sabi ni Louis kay Ellaine at ngumisi.

"Ngayon alam ko na ang feeling mo noong ako 'yong nakikipag-usap sa mga Italiano kahit hindi ko kilala at kahit hindi ko sila naiintindihan." At napakamot na lang nang ulo si Ellaine.

. . .

After nang almost 2 hours na pakikipagdaldalan sa mga new friends naming Italian sa isang restaurant kailangan na naming umalis.

"Ciao!Thanks for the time." Ang sabi ko kay Mr. Basilio.

"Arrividerci. Take care,Ms.Camille." Ang sagot naman niya.

"Stay pretty,young lady.Come back if you have time" Ang sabi naman ni Mrs. Catherine na asawa ni Mr. Basilio.

"I will!"

. . .

Sila nga  pala sila Mr.Basillo Russo and Mrs. Catherine Russo. Sila yung may ari ng restaurant na kinainan namin malapit sa plaza, ang L'AMORE. Medyo malaki ito at ang ganda ng mga furniture na medyo vintage at sobrang sarap nung pastang ginagawa nila.The best! Ang babait pa nila at  27 years na silang kasal. True love nga naman.

Kaya lang hindi daw nila kilala si Mr.Sungit. Hay! Nasaan na kaya yun?
And yes. Si Mr. Sungit 'yong isa sa mga pinag-usapan namin.

. . .

Nagpaalam na kami. As I promised, babalik talaga ako dito. I would never forget this restaurant.

. . .

After that, nagpunta kami  sa napakagandang Trevi Fountain. Ang linis ng tubig pati na rin yung paligid. Ang gaganda ng mga statues.

Naglabas ako ng coin ko at pumikit. Inisip ko na isa tong magical fountain na kapag naghulog ka ng coin matutupad yung wish mo.Sana nga.

"Sana magkita na kami ulit ni Mr.Sungit..."ang bulong ko sabay hagis ng sa coin. Oops! Napakalas ata nang sobra. Well. Wala naman sigurong natamaan.

Nagbilang ako ng 10 seconds, tas naghintay pa ako ng ilang minutes. Nakaupo lang kami nila Ellaine at Louis sa may bench na malapit sa fountain.

"DARATING KAYA SIYA?" 'Yan lang yung nasa isip ko that time. Siguro hindi na.

Tumayo na ako at nagyaya sa ibang place pa.

Mas mahirap palang abutin 'tong pangarap na 'to kesa pangarap kong makarating sa paradise ko. Ang laki kaya ng Italy, malay ko ba kung nasa Rome din siya. Atsaka ni hindi ko nga alam kung may gf na 'yon.Baka nga kasal na siya.Or worst baka bakla siya! Ano ba naman ang mga naiisip ko.
Kahit na nalulungkot ako,napatawa pa rin ako dahil dito. Abno talaga ako! 

Pero...

Bahala na si God!

. . .

. . .

. . .

After that nagpunta na kami sa isang museum. Ang ganda dito. Ang daming artifacts tas may mga old paintings din at statues. Hindi ko alam kung ano yung uunahin kong tignan. Nahihilo na ako. Pwede bang magkaroon ako ng maraming mata? Ngayon lang oh.

............................

Parang kanina lang nalulungkot ako dahil hindi ko makita si Mr.Sungit.
Well, kalimutan mo na siya Camille. Kung kayo talaga ang para sa isa't-isa,magkikita kayo. Kaya yun sinulit ko na lang yung oras ko sa pagtingin sa mga bagay dito sa museum.

Sa sobrang pagkaamaze ko,may nabangga tuloy ako.

.  .  . 

"What the?"ang sabi ng lalaking nakabanggaan ko.

Napaupo kaming pareho.

"Camille,ayos ka lang ba?" Tinulungan ako ni Louis.

"Medyo..."

"Mr,Im sorry..." 'Pag tingin ko sa lalaki,bigla ako napahinto. Nanlaki ang aking mga mata at namula ang aking mga pisngi.

"Wow!Ang gwapo niya. " ang sabi ni Ellaine habang ako naman ay hindi alam ang gagawin.

Napakamot ng ulo 'yong  lalaki at tumingin sa amin. Napahinto rin siya ng konti at sobrang nagulat.

"Ikaw na naman?"

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

AUTHOR:

Trevi Fountain po yung nasa multimedia.

Hope you like it. Comment na kayo tas vote nyo rin. Love you all :*

OH MY PARADISE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon