Chapter 33

898 26 16
                                    

"Uy.."

"Hm?"

"Anong ginagawa mo?" Bagot kung tanong rito makaraan ang maghapong walang imikan namin. Sanay naman akong medyo boring talagang kasama si Shin pero ayoko sa mood nya ngayon. Hindi man lang tamaan ngayon ng kalandian habang ako kanina pa G na G. Doon na nga lang ako natutuwa rito.

Tumayo ako sa kama at halos manlambot ang katawan ko sa biglaang pagkahilo. Jusko ito yata ang napapala ng wala ng ginagawa sa buhay kundi tumunganga.

Wala.

Walang pansinan talaga. Kanina pa talaga sya busy sa laptop nya. Wala naman akong pakialam kung anong pinagkakaabalahan nya pero dahil bored na talaga ako ay makiki usyoso ako.

Lukot ang mukha ng masilip kung codes ang ginagawa nito. Basic lang ang alam ko doon kaya mas nag-trigger ang curiousity.

"Ano yan?" Usisa ko at umayos ng pwesto. Hindi ito umimik ngunit nabulong. Masalimuot na pinasadahan nito ang wala sa ayos ng buhok at bagot akong tinignan.

Tinaasan ko naman sya ng kilay. Bakit feeling ko may kasalanan agad ako? Ang attitude talaga nito ay iba. Ang bilis magkaroon ng toyo.

"Im.. k-kind of busy..." Medyo alanganin nyang saad pero nababasa ko sa kanyang mukha na iritasyon.

Di ko alam pero para akong maiiyak. I feel rejected. His being nice lately kaso iba parin iyong napipilitan lang syang huminahon.

Mabigat na tumaas baba ang aking dibdib at nagkaroon ng mabigat na bagay doon. Damn this guy. How dare him to prioritize other than me? F*ck? Kind of busy? Eh halos maga alas kwatro na ni Hah! ni Hoh! walang lumalabas sa bibig nya!

"Okey." Halos di bumuka ang bibig ko sa pagpipigil na kalmutin sya sa mukha. Mabilis ako bumalik sa pagkakahiga at nagtalukbong ng kumot.

I just wanted to know whats keeping him busy. Iyon lang naman. Isang sagot lang naman okey na ako-- tapos sasabihin nya busy sya?

P*tang ina nyan!

Kagat ang labi ay napasinghot ako. Gusto kung matawa kung anong iniiyak ko. Para lang doon Aga iiyak ka? Batuhin ko kaya ng mga figures nya ng magtanda.

"Hey..--"

"ANO!" Halos pabulyaw kung gagad. Nag init agad ang ulo ko at may gana pa syang mag Hey hey sakin! Akala ko ba busy sya?

"Hmm..I'll call back.."

Tang*na? Natigilan ako at nanlalaki ang matang inalis ang talukbong na kumot. Agad akong pinanlisikan ng mata at huking huli ko syang nagbaba ng telepono! Busy sya pero nakuha nya pang tumawag?

Napahalakhak ako sa sobrang pagkabaliw rito. Napahiya ako taena. Iyong halakhak ko napunta sa paghikbi hanggang namalayan ko nalang na umiiyak na ako. Ang sama sama ng loob ko. Wala na nga akong makausap tapos ganito po kasama ko. Walang pakialam.

"Ano?! Tutungangaanmolangtalagakodyan! Tang*na nito." Marahas kung pinahid ang luhang nag-uunahan sa pisngi. Nakaupo parin ito pero nakaharap na sakin. Mukhang pinag aaralan kung seryoso ba talaga ako.

Mukha ba akong nagjo-joke sa paningin nya?  Mas lalo akong napaiyak nang marinig kung malakas itong bumuntong hininga.

"Anong gusto mo..?" Malumanay at may pagsukong tanong nya. Naramdaman kung umupo ito sa tabi ko at hinaplos haplos ang aking balakang. Napaiyak na naman ako. Hindi ko nagugustuhan ang mga lumalabas sa bibig nya. Wala ba talaga syang idea?

Hindi ko sya pinansin pero pinapahinahon ko na ang sarili. Makakasama sa pagbubuntis ko kapag ganitong nalulungkot ako.

Kaso itong hayop na ama ng dinadala ko pinapalungkot ako. Gusto ko lang naman may maglambing, may kausap.. ang simple na nga kang ng katuwaan ko sa buhay ang hirap pang gawin.

Carrying The Demons ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon