Naglalakad kami ng boyfriend ko sa tabing dagat habang pinapanuod ang paglubog ng araw.
Ito ang madalas naming gawin kapag umuuwi siya dito sa probinsya namin.
Mag tatatlong taon na kami ng boyfriend ko. Hindi naging madali ang nagdaang Dalawang taon sa amin. Tulad ng ibang relasyon ay napaka daming problema pero kinakaya namin.
Second year college na sya at ako naman ay Grade Twelve pa lamang. magkaibang school ang pinapasukan namin dahil gusto ng magulang niya na sa maynila ito magpatuloy ng pag aaral at doon makatapos.
Highschool kami noong magkakilala kami. Grade seven ako noon grade Nine naman siya.
Nagkakasama ang mga kaibigan namin kaya naging magkaibigan kami at tuluyang naging magka sintahan.
Ngayon ang araw na huling araw na ng pagkikita namin dahil babalik na siya sa maynila.
Umuuwi siya dito tuwing byernes ng gabi pagkalabas nya galing school at babalik ng maynila sa lunes ng madaling araw.
Nasanay na kami sa ganoong sitwsayon ng relasyon namin.
Tiwala at pagmamahal lang ang nagpapatatag samin.
"Saan mo gustong pumunta sa bakasyon? May kaunti akong naipon."
Eto ang isa sa nagustuhan ko sa boyfriend ko.
Kapag hindi kami nagkikita ay gagawa siya ng paraan para sa susunod naming pagkikita ay may magagawa kaming masaya para sulitin ang panahong magkasama kami."Hindi na kailangan Clark. Ayos na ako dito satin. Ang mahalaga nagkakasama tayo"
Lumingon siya sakin saka ngumiti.
Miss na miss ko ang ganitong pagkakataon namin. Sana dito nalang kami palagi."Sa bakasyon uuwi dito ang buong pamilya ko. Ipapakilala kita sa kanila."
"Sigurado ka? "
"Oo naman. Lahat para sayo"
Kasabay nuon ang pag silay ng ngiti sa labi niya.
"Salamat. Clark. Iloveyou"
"Iloveyou too Natasha."
Lumipas ang ilang buwan at dumating ang araw na pinaka hihintay namin ni Clark.
Birthday nya sa araw na ito.
Dadalo ako ngayon kasama ang kaibigan kong si Mariel. Siya nalang kase ang nakakasama ko. Nasa abroad ang ina ko at may kinakasama namang iba ang ama ko.Nag iisa akong anak at si Mariel ang kasama ko sa bahay dahil ulila na siya. Nasa maynila naman ang nakatatanda niyang kapatid para maghanap buhay.
Pagkarating namin sa bahay nina Clark ay ingay ang naririnig namin sa bungad palang ng gate nila.
Maganda ang ayos ng bakuran at may mga palamuti ang paligid.
Halatang sumisigaw na may kaya ang pamilya. Taliwas sa pamilya namin.
Pagdating namin ni Mariel sa bakuran ay hinanap ng mata ko si Clark at nakita ko siyang kinakausap ang matatandang binabati siya.
Napa tapat ang mata niya sa amin at nang lalapitan na niya kami ay bigla nalang may malamig na likidong naramdaman ako sa aking dibdib.
"Oh my!"
Sigaw nang pag papanic ni Mariel.May nakabangga na pala sa amin at natapon sa akin ang inumin ng isang lalaking matangkad at may katamtamang pangangatawan.
Nang magtama ang mata namin ay nakita kong kapatid siya ni Clark dahil magkamukha sila.mas suplado lamang tingnan ito dahil sa madilim niyang mga mata na kung tumingin ay parang alam niya lahat ng sikretong mayroon ka at humihiyaw ang damit nito ng karangyaan.
"Rev! Anong ginawa mo?!"
Bungad ni Clark nang makalapit siya sa amin ng kapatid niya.
"Sorry kuya. Madulas lang ang damuhan kaya napatid ako at natapunan ko ang magandang binibining ito ng inumin ko"
Muling nagtama ang paningin namin at sa pagkakataong ito ay ngumiti ang lalaki sa akin.
"Back off there kid. She's my girl."
Napalingon si Rev kay Clark at bumalik ang tingin nito sa akin.
"I see"
Muling nagtagal ang tingin nito sa akin na tila sinasaulo ang kabuoan ng mukha ko.
"You're a great art. Maganda kang iguhit. Do you mind if i ask you to be my masterpiece?"
Nanlaki ang mata ko at napalingon kay Clark na masama na ang tingin sa nakababatang kapatid.
"Uhm, I'm sorry pero hindi ako mahilig sa art. Ayokong ma invlove sa art"
"Awww sayang naman. Madaming mapapa isip na artist na iguhit ka at itago ang litrato mo sa kwarto nila at titigan magdamag. Your face is perfect"
Agad na nag init ang pisngi ko sa sinabi ng bata. Sa tingin ko ay nasa highschool pa lamang ito pero kung magsalita na ay para. Na itong sanay ma sanay mambola ng babae.
"Come on Rev. I've heard that before for different girls. Not my girl please"
"Come on kuya. If your girl became an art? She's the rarest one and the one that can't be sold.her beauty must be in a museum only and can't be touched."
Hindi ko na alam kung may iiinit pa ba ang mukha ko sa sinasabi ng kapatid ni Clark.
Masyado siyang sanay sa ganitong bagay.
"Uhm, guys mind if i interrupt your conversation. Pero kasi tinatawag na yata si Clark ng magulang niya."
Saka lamang kami natauhan noong nagsalita si mariel.
Nagpaalam muna ako kina Clark na pupunta ako sa restroom at dumiretso na ako paalis.
Nilinis ko ang damit kong kulay puti na naging kulay pula dahil sa naitapon sa akin ng kapatid ni Clark.
Nag amoy alcohol pa tuloy ako.
Nang lumabas ako sa CR ay nakita kong tinawag ako ni Clark.
Nang lumapit ako sa kanya ay nagsimula syang magsalita.
"Everyone! Maraming salamat sa pag punta nyo sa importanteng araw na ito para sa akin. Gusto kong magpasalamat sa pamilya ko, mga kaibigan at syempre ang pinaka espesyal na babae sa akin. Pinapakilala ko sa inyong lahat, My girlfriend, Natasha."
Tahimik lamang ang iba nakangiti ang iba at ang iba ay halata ang pagka disgusto.
"Maraming salamat sa Dalawang taon na pagpaparamdam sa akin ng pagmamahal na hindi ko inakalang mararamdaman ko. Maraming salamat sa pagsuporta sa akin hanggang dito. Mahal na mahal kita. "
Nginitian nya ako at ngumiti nalang din ako pabalik sa kanya.
"Everyone! Please enjoy the night!"
Nagpalakpakan ang mga tao maliban sa pamilya ni Clark. Nakataas ang isang kilay ng ina ni Clark. Umiiling naman ang kanyang ama at malalim ang titig ng mga mata sa akin ng nakababatang kapatid niya sa akin.
Nang makalapit kami sa pamilya ni Clark ay biglang tumayo ang ina nito at umalis. Tumingin naman sa akin ang ama nito. At sinundan ang ina nito.
Hindi ako lumingon sa kapatid ni Clark dahil ramdam kong nakatingin nanaman ito sa akin.
Ano ba itong pinasok ko?
Nilingon ko si Clark gamit ang kabadong mata pero ngiti ang isinalubong niya sa akin na para bang walang kaalam alam sa naging reaksyon ng pamilya niya.
BINABASA MO ANG
Young Love
RomanceSumugal ako, Kahit walang kasiguraduhan kung mananalo ako. Wala eh. Pagdating sayo talo na ako. Isusuko ko lahat,Isinuko ko lahat. Pero anong ginawa mo? Nang isinuko ko lahat para sayo, Ako naman ang isinuko mo