YL Chapter 17

19 0 0
                                    

Pumasok siya sa kotse niya at sumunod ako. Naupo kami sa likod at nag buntong hininga siya.

"I know what happened to the both of you."

She paused for a while to stop her tears and continue talking again.

"You still love each other don't you?"

Hindi ako makapag salita, ayokong umiyak pa siya Lalo sa harap ko. Bumuntong hininga siya at pumikit ng mariin.

"I love him Natasha. Ako ang nariyan noong iniwan mo sya. Noong araw na nag iinom sya araw araw para makatulog na hindi ka naiisip, Ako ang karamay nya Natasha, Alam ko na lmapit sya sa akin para sayo, Pero I still tried"

Bumuhos ang luha niya at tumungo.

"I came here because I wan't you to know what i feel Natasha. Please, Ilang taon naman kayong hindi nagkita, Maybe nagbago naman ang pagmamahal mo sa kanya right? Kase ako...."

Umiling sya at hinawakan ang kamay ko. Umiyak sya ng umiyak at huminga ng malalim pagkatapos. Parang kinakapos din ako sa pag hinga habang nakikita syang nahihirapan. But fuck, Hindi pa ba panahon para sumaya ako? Para magpaka selfish?

"I'm so sorry Shane. I know mahirap para sayo. I admit, iniwan ko sya noon. Pero may rason ako, at alam mo naman siguro kung bakit. And no hindi nabawasan ang pagmamahal ko sa kanya."

Ngumiti ako at hinawakan ang kamay niya.

"Mas nadadagagan yon araw araw, at oo, mahirap para sa akin ang iwan sya. Mahal ko na sya noon. Nahirapan din ako. Pero kinaya ko. tiniis ko ang sakit hanggang makauwi ako. Pasensya kana kung hindi ko mapapagbigyan ang gusto mo."

Tumango sya at mas umiyak. Pero sa pagkakataong ito ay pinipigilan na nya ang pag hikbi.

"I'm so sorry, Nagbakasakali lang naman ako. Don't worry, hindi ko na kayo guguluhin. Just... Just promise me one thing"

Nag patuloy sya sa pagsasalita. Hirap na hirap na syang magsalita dahil humihikbi sya. pero pinipilit nya.

"Promise me you will never leave him again. He was really broken when you left. It hurts for me to see him hurting because of you. He loves you dearly. Please love him as much as he loves you."

Tumulo din ang luha ko. Mabuti syang tao. Ramdam ko iyon, At deserve nya ang taong mamahalin sya nang sobra. Hindi man nagawa ni Caleil, alam kong may magmamahal sa kanya. Alam ko.

Tumango ako sa kanya at ngumiti, Hindi na ako nakapag salita nang tumalikod sya sa akin at umiyak. pinahid nya ang luha nya at ngumiti sa akin.

"You can leave now, I'm sorry for this, at Salamat sa pakikinig"

Niyakap ko sya at naramdaman kong huminga sya ng malalim. Pag kalabas ko ng kotse ay pumasok na ako ng Bahay, Umalis na din ang kotse ni Shane.

Naligo ako at nagpalit ng damit. Lumabas ako ng kwarto at nadatnan si mama na nanunuod ng TV sa baba. Lumapit ako sa kanya at naupo sa tabi nya.

Lumingon sya sa tapat ko at kumunot ang noo.

"What is it? Ang bigat ng aura mo"

It's funny on how our mother knows when we have a problem. Nararamdaman nila iyon.

"Mom, I... I have a boyfriend"

Medyo nagulat sya at tumingin sa tv at bumalik ang tingin sa akin.

"My daughter is no longer a baby"

Napabuntong hininga si mama at lumapit sa akin at niyakap ako.

"As long as it makes you happy at alam mong mahal ka nya anak. Don't be scared. Hindi naman lahat ng lalaki tulad ng ex mo"

Nagulat ako sa sinabi ni mama. Hindi ko alam na pati iyon ay alam nya.

"My friend's daughter told me, kung ano ang naging dahilan ng paghihiwalay nyo ni Clark."

Ngumiti ito sa akin at lumayo.

"I am mad yes. Nagalit ako kay Clark. But maybe talagang hindi kayo para sa isat isa. But now, as long as you're happy, I will support you. ilang taon mo akong inalagaan anak. At sa pagkakataong ito, ikaw naman ay dapat maghanap ng mag aalaga at magmamahal sayo"

Tumango ako kay mama at yumakap. Im so blessed to have her as my mom.

kinabukasan ay maaga akong gumising para pumunta sa opisina si Caleil dahil may sasabihin daw sya sa akin.

Nang nakalabas na ako ng gate ay nagulat ako nang may humarang sa harap ko na bulto ng isang tao.

Napangiti ako nang makitang si papa ang nasa harap ko.

Akma ko siyang lalapitan nang lumayo sya sa akin.

Nagtaka ako sa inaasal ni papa kaya nagsalita na ako.

"Pa,Napadalaw ka?"

Kumunot ang noo niya at umiling.

"Hindi ako nagpunta dito para mangamusta. Didiretsuhin na kita tasha"

Nangunot ang noo ko dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.

"Alam mong magkasintahan na sila. Kasintahan ng kapatid mo si Reveus. Nakuha mo pa itong landiin?!"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni papa. Galit na galit siya at namumula ang mata sa galit.

Hindi ko akalain na sarili kong ama. Sarili kong ama ang tatalikod sa akin para sa ibang tao.

"Pa, anong sinabi sa inyo ni shane?"

"Hindi na mahalaga! Ang mahalaga dito ay lumayo ka sa kanila dahil sinisira mo ang relasyon nila!"

Nanubig ang mga mata ko. Hindi ko akalain na sa kanya ako makakarinig ng mga salitang sa ibang tao ko lamang inaasahan na maririnig ko.

"Ganyan ka ba pinalaki ng ina mo?! Nawala lamang ako ganyan kana niya pinalaki?! Sabagay mahirap magpalaki ng anak. Lalo na't hindi natutukan dahil nangibam bansa! Ano bang napala nya don diba sakit?! Ikaw pa ang pinag alaga ng nanay mong-"

"Subukan mong ituloy ang sinasabi mo at hindi kana muli makakatungtong dito kahit kailan."

Natigil sa ere ang sasabihin ni papa nang lumabas ng bahay si mama.

Walang ka emo-emosyon ang  mga nito kahit na galit ito.

"Anong karapatan ng 'isang amang nilayasan ang anak niya para sumaka sa ibang babae' na kuwestyunin ang pagpapalaki ng ina sa anak niya?"

"Ngayon, anong karapatan mong sabihan ang ANAK KO na layuan nag lalaking kaisa isang nagpaniwala sa kanya na hindi lahat ng lalake ay katulad ng AMA niya?"

"Wala kang alam dito! Itong anak mo! Pumapapel sa relasyon ni Reveus at Shane!"

Napailing si mama at tiningnan niya si papa na para ba itong napaka laking biro sa kanya.

"Wag kang magalit. Dahil ganan din naman ang ginawa ng babae mo sa atin hindi ba? At anong pumapapel? Kung tinuruan mo sana yang anak anakan mo na wag humarot sa may mahal na, hindi sya masasaktan."

"Tutal sya ang lumaki nang may ama, bakit parang kulang sa aruga?"

Hindi nakaimik si papa at nakita kong may dumaang sakit sa mata niya. Pero agad ding nawala.


"So ngayon, mas mabuting umalis ka sa pamamahay ko. At sa huling pag kakataon na sasabihin ko ito, huwag na huwag ka nang babalik dito."

Umiling si papa at saka naglakad palayo. Nilapitan ako ni mama at niyakap ako ng mahigpit.

Napahagulhol ako sa bisig nya at mas hinigpitan niya ang yakap sa akin.

"Hindi kana mag iisa anak. Sasamahan kita sa lahat ng laban mo. Pangako yan"

At sa pagkakataong iyon, naramdaman ko ang pagmamahal ni mama na matagal kong hindi naramdaman simula noong umalis sya para mangibam bansa

Young LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon