Tumitig ako sa iginuhit kong larawan. Napangiti ako ng mapait at tumingala sa langit. Kung hindi ako natutong gumuhit,hindi malalaman ni mama na alam ko ang sikreto ni papa.
Dapat ko na bang subukan ang iniaalok ni Rev?
Nang patayo na sana ako ay nagulat ako nang Makita ang anino ng isang lalaki. Napalingon ako sa likod at Nakita ko si Rev na diretso ang tingin sa iginuhit ko.
Napabuntong hininga ako at nagsalita.
"About your offer."
Naging interesado ang tingin niya at tumango.
"I'll do it"
Sumilay ang ngiti sa labi nya at tumango muli.
"Kailan pala ako mag sisimula? and may studio ba na pagtatrabahuhan natin oh sa Bahay lang?"
"Well,it is based on the project or venue kung saan gusto nang mga magpapa portrait na gawin ang portrait nila. and we have a studio so sometimes doon kami nag s-sketch. it's refreshing there. puno ang paligid nito and tahimik."
Lumikot ang mata nya at bumalik uit sakin.
"Wanna go there?"
Tumango ako bilang pag sang ayon. Maybe I should make some friends. Encouter other people, At gawin ulit ang gust kong gawin.
Nang umalis kami doon ay pumasok siya sa isang matte black impala hot rod. Nalaglag ang panga ko hindi dahil old school ang kotse niya kundi dahil sa ganda nito.
Nang nakapasok na kami doon ay hinahanapan ko ng kahit anong mali sa loob ng kotse nya pero wala. maganda din ang tunog nito na tila bagong bago pa.
Nang nasa kalagitnaan kami ng byahe ay nagtanong siya.
"Kumusta na nga pala kayo?"
Naguluhan pa ako kung sinong 'kayo' ang tinutukoy niya. Naisip kong siguro ang kuya niya ang tinutukoy niya.
"We're fine. Doing good"
Nakita kong dumilim ang tingin niya at parang pinipigilang magsailta. Napa kibit balikat na lamang ako.
Nang nakarating kami sa studio nila ay namangha ako sa paligid.
"Studio ba talaga ito o green house?"
"One of my friend wants this to become a comfortable place. You know, Artists are tend to get tired after sketching so they made this so while working,they can still relax."
Napatango ako at iginala ang paningin sa paligid.
"I like it here. So kelan ako pwedeng magsimula?"
"You ca start now if you want to."
"When did you start to build this Job by the way?"
Naupo kami sa isang sofa sa loob ng studio nila at tumingin sa mga sketch at paintings sa pader. Nakakamangha ang mga larawan na nadoon. Napadako ang tingin ko sa isang larawan na pamilyar sa akin.
"Pampalipas oras lamang ito noon sa amin. At nung tumagal, May nagpapa sketch na sa amin. So naisip naming na gawin na sya as a job. Yung iba dito, Mas matanda satin. Teacher na sila sa mga school ng arts."
"You're lucky sinuportahan ka ng magulang mo dito."
Umiling siya at kinuha ang isang sketch na kilala ko.
"They did not support me on this. Mas gusto nilang magfocus ako sa kompanya namin. Hindi ko hilig ang pakikipag usap sa board at ang pakikipag negotiate sa ibat ibang kompanya para lumago ang kompanya namin. I love to sketch at iyon ang gagawin ko dahil hindi mo magagawa ng tama ang isang bagay kung hindi mo talaga ito gusto."
Napatango ang ulo ko sa sinabi niya. Kung hindi ko kaya sinubukan ulit na gumuhit? Magugustuhan ko kaya ang magiging trabaho ko kung sakali?
"That's me. Right?"
Turo ko sa sketch na hawak niya ngayon na kanina ko pa napapansin.
"Yeah. I told you your beuty should be hidden. I sketched you far away because you might find it awkward or you might don't like it so ginawa ko ito habang malayo ka."
Tumango ako at tumayo.
"Should we go inside? Ipapakilala kita sa mga kasama ko dito."
Nang nakapasok na kami sa loob ay may kanya kanyang mundo ang tao doon. May nag s-sketch, may nag pipinta at may nag aayos ng mga ginawa niya. Napalingon sila nang bumukas ang pinto at tumayo sila para lumapit sa amin.
"Guys, This in Natasha Garcia, She'll be working with us from now on."
Nag ngitian sila at nakipag kamay ako sa kanila isa isa. Mga pito ang nandito at halos babae. Nang natapos kami magpakilala ay dinala ako ni Rev sa magiging table ko. Malapit ito sa bintana at sa isang lamesang may kalakihan. Tingin ko'y lamesa niya iyon.
Nagsimula akong makipag kwetuhan sa ibang tao doon at ang iba naman ay nag aalisan para pumunta sa mga 'Client' nila. Natutwa ako, Hindi ko alam na sobrang kagalakan pala ang maibibgay nito sa akin.
Nag Mumuni muni ako sa paligid nang nagsalita si Rev.
"Tash, Come with me. Ipapakita ko sa'yo ang madalas naming gawin dito."
Mukhang aalis siya dahil may dala siyang mga materyales para sa pag guhit. Tumango ako at nagpaalam na sa mga taong nandoon.
This is it. Sisimulan ko na ang gusto kong gawin.
Nang nakarating kami sa destinasyon namin ay may kinausap siyang dalawang tao. Mukhang couple ang dalawang ito. Pagkatapos niyang kausapin ang mga ito ay nag assemble na siya ng kanyang mga gagamitin.
Umupo ako sa malapit sa kanila. Nagsimula nang gumuhit si Rev nang umupo na ang magkasintahan sa damuhan.
Seryosong seryoso siya habang gumuguhit. Nakatuon ang buong atensyon niya dito. Napangiti ako ng makitang sanay na sanay siya na gumuhit. Hindi ko alam na nakakagwapo palang tingnan ang pag guhit. Napangiti ako sa naisip.
Mabilis natapos si Rev at sinimulan niya na itong dagdagan ng mga extrang detalye ang kanyang iginuhit. Naamangha ako sa pag lapat ng lapis sa iginuguhit niya. Nang natapos siya ay sinilip ko ang ginawa niya. Nalaglag ang panga ko nang makitang parang litrato lamang ang ginawa niya. Napaka realistic ng pagkakagawa niya.
Lalo na nang dinagdagan niya ito ng kulay. Namangha ako sa galing niya sa pag guhit. Kahit na bata pa siya ay halatang halata ang talent niya sa pag guhit.
Inilagay niya ito sa isang picture frame na may katamtaman ang laki at lumapit na ang magkasintahan.
Lumaki ang ngiti ng magkasintahan at nagpasalamat kay Rev. nag abot sila ng limang libo para sa bayad nila. What?! I could Gain that amount in just one day?!
Nagpasalamat ang magkasintahan at nagkwentuhan pa sila ng kaunti.napadako ang tingin nila sa akin at ngumiti ang babae sa akin.
"You're lucky Rev. She's Beautiful"
Naguluhan ako sa sinabi ng babae. Magtatanong pa sana ako tungkol sa sinabi niya pero nakapag paalam na sila kay Rev. Tinanguan nila ako at umalis na.
lumapit ako kay Rev at tinanong kung anong sinabi nila. Naestatwa ako sa isinagot niya.
"They said that we fit with each other. And you're beautiful."
Saad niya at nagsimula nang maglakad para umalis. kasabay ng paglalakad ko ay ang pag tibok ng puso ko sa hindi normal na pagtibok nito araw araw.
BINABASA MO ANG
Young Love
RomanceSumugal ako, Kahit walang kasiguraduhan kung mananalo ako. Wala eh. Pagdating sayo talo na ako. Isusuko ko lahat,Isinuko ko lahat. Pero anong ginawa mo? Nang isinuko ko lahat para sayo, Ako naman ang isinuko mo