YL Chapter 7

26 1 0
                                    

Halos hindi ako pinatulog ng text ni Reveus. Kinabukasan ay tanghali na ako nagising at dahil iyon sa pagkatok sa pintuan ng Bahay namin.

Hindi ko na inabalang tignan ang itsura ko sa salamin at diretsong nag tungo sa sala. Nang buksan ko ang pintuan ay nanlaki ang mata ko. Isang bucket ng chicken ang nakabalandra sa mukha ko, ngunit ang mas ikinagulat ko ay kung sino ang may dala nito.

"R-Reveus?"

Nang tinanggal niya ang bucket sa harap ng mukha niya ay nakangiti pa ito. Pero nung tinawag ko syang Reveus ay biglang sumimangot ang mukha niya.

"I told you, It's Caleil."

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kaya pinapasok ko nalang siya sa sala. Pinaupo ko siya sa sofa at sinabihan na mag aayos muna ako.

Pagka pasok ko sa kwarto ay tinignan ko agad ang itsura ko sa salamin at nalaglag ang panga ko nang makitang gulo gulo ang buhok ko. Nasapo ko ang mukha ko sa kahihiyan.

I look horrible, Ugh.

Naligo ako at saka bumaba sa sala at nadatnan kong tinitingnan niya ang mga pictures ko doon.

"Uhm, C-caleil,, Bakit ka pala naparito?"

Lumingon siya at ngumiti ng malapad. Akala ko'y mapipipigilan ko ang pagtahip ng dibdib ko pero nauna pa yata itong mag react sa akin.

"I brought some foods. Gusto lang din kitang kumustahin. Are you feeling okay now?"

Hindi ko mapigilan ang ngiti ko at tumango ng marahan. Gosh Tasha umayos ka!

Dinala ko siya sa kusina at Nakita kong naka prepare na ang pagkain doon. May lemon juice din na siyang nakapag pauhaw sa akin.

Uupo na sana ako nang ipaghila niya ko ng upuan. Doon ako umupo at umupo na din siya sa harapan ko. Nang nagsimula kaming kumain ay Tumitigil siya minsan para magkwento ng mga pwede kong gawin kapag nagka pasok na ako.

Naisip kong gumuhit din ng mga kaklase ko sa school dahil ganoon din pala ang ginagawa niya. Mabilis mag proseso ang ideya namin dahil pareho kami ng mga naiisip. Nang natapos kaming kumain ay ako na ang naghugas ng kinainan namin. Umupo kami sa sofa at nanuod habang nagkikwentuhan.

"Hindi ka ba magiging busy sa school nyo? Napag sasabay mo pa din ang pag guhit at pag aaral?"

"Hindi naman. Actually mas nagiging madali nga para ssa akin dahil may pampalipas oras ako pagkatapos mag aral. Pang tanggal stress na din."

Tumango ako sa sagot niya.

"Nagka Girlfriend kana ba?"

Maski ako ay nagulat sa tanong ko. Kung bakit ko tinanong iyon ay hindi ko alam kung bakit. Basta ko na lamang siya binanggit.

"Bakit? Gusto mo ba?"

Nanlaki ang mata ko sa sagot niya.

"H-ha?"

"I'm still young Tasha. Gusto mo bang magka girlfriend na agad ako?"

Parang nainis ako sa sinabi niya.

"No! Ofcourse not! Bakit ka naman mag hahanap ng girlfriend?! Saka na!"

"But I already like someone, Pipigilan mo ba ako?"

Napalingon ako sa kanya at nanlumo sa isinagot niya. Bakit ka nanlulumo Tash!

"Syempre hindi, Pero alam kong magugustuhan ka din non, kase mabait ka. Baka nga gusto kana non eh."

Young LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon