Halos maghapon akong kinukulit ni Logan at maghapon din na mainit ang ulo ni Caleil. Palaging nakasunod sa kanya si Shane. Nagmumukha siyang personal assistant nito dahil halos siya na ang magdala ng gamit ni Caleil.
Nang gumabi na nag paalam na si Logan dahil may aasikasuhin pa daw siya.
"Next time we'll have Dinner okay?"
Hindi ko alam kung bakit patuloy niyang pinipilit ang Dinner kung halos ako na ang may utang sa kanya.
"Okay I promise, napaka kulit mo"
I chuckled at Nakita kong ngumiti siya.
"Okay. i'll get going then. Text me when you got home."
Iyon lamang at umalis na siya. Agad naming lumapit sa akin si Clarisse.
"I think sir Logan likes you."
Napatingin naman ako sa kanya at tumawa.
"Kahapon lamang kami nagkakilala Clarisse, it's too imposible."
"Pero paano nga pag gusto ka nya? Sasagutin mo? ha?"
Patuloy siya sa pangungulit kaya napairap ako.
"We'll see. He's a good guy pero masyado pang maaga para masabing may gusto talaga siya sakin. I helped him yesterday. Baka tinatanawan nya lamang ako ng utang na loob."
"Hay naku girl, Napaka clueless mo. Nagka boyfriend ka na ba?"
Tumango ako at naiilang na sumagot.
"Nagkaroon pero isa lang. senior highschool pa ako non. Mas priority ko ang pag aaral ko nang pumunta akong Singapore."
"Hmm. Paano ba yan? Mukhang mag oovertime tayo. mag titext pa ba kayo?"
Sasagot na sana ako nang may lumapit sa amin. Agad kumutob ang dibdib ko at nakilala agad kung sinong may kayang gawin ito sa akin.
"You're here for work. Mamaya na kayo mag chismisan kapag pinauwi ko na kayo."
Napaka lamig ng boses nya at tila may galit sa mundo habang nagsasalita.
"And miss Garcia, Come to my office."
Agad na nagtama ang mata naming ni Clarisse. Umalis na si Caleil sa harap namin at agad din akong tumayo para pumunta sa opisina nya.
Nang nakarating ako doon ay hinanap agad ng mata ko si Shane pero wala ito doon. Pinaupo nya ako sa sofa at naupo naman sya sa swivel chair nya.
"Work there. Ayokong nagdadaldalan kayo habang nagtatrabaho."
Agad na nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.
"U-uhm, Cal- I mean sir, Gumagawa pa din po kami kahit nag uusap kami ni Clarisse. I'm sorry sir, hindi na po namin uulitin."
Magsasalita pa sana sya nang tumunog ang cellphone ko hudyat na may nagtext. Nang tumingin ako kay Caleil ay nakataas na ang kilay nito at madilim ang tingin sa akin.
"Who texted you?"
Agad kong tiningnan kung sinong nagtext sa akin at nakitang si Logan iyon.
'Hi Beautiful. Just got home, Wag kang masyadong magpapagod tell me kung pinapahirapan ka ni Rev. I can always offer you a job you know. Text me when you're free."
Kinagat ko ang labi ko at tumingin kay Caleil.
"Si L-logan."
"I don't want anyone flirting in my company. Especially work hours. If you want, you can resign now and answer him so you don't have to work anymore. right?"
Agad na naguluhan ako sa sinabi nya. Minamaliit ba nya ako?
"I'm sorry sir, but I am here for work. Not to entertain suitors."
"Really? You said the same thing a few years ago."
Naguluhan ako Lalo sa sinabi niya at halos mabuwag ako sa kinauupuan ko sa sumunod niyang sinabi.
"Tell me miss Garcia, How much are you now?"
Kitang kita ko ang galit sa mata nya. Para syang sugalero na handang ubusin ang yaman nya manao lang sya sa sugal.
Agad pumatak ang luha ko sa sinabi nya. Ganoon ang tingin nya sakin? Bayaran? Tumayo ako para lapitan sya nang hinampas nya ang lamesa nya.
"Leave"
Umiling ako at mas lumapit pa sa kanya.
"I said leave! I don't need a slut here at my company."
Hindi ako nakagalaw at lalong bumuhos ang luha ko sa sinabi nya.
Kitang kita ko ang galit sa mga mata nya na tila mas lumalala habang tumutulo ang luha ko. Tumakbo ako palabas at kinuha ang gamit ko. Hindi na nag abalang lingunin si Clarisse pero Narinig kong tinatawag nya ang pangalan ko.
Agad akong pumasok sa elevator at bago ito sumara ay naabutan kong tumatakbo si Caleil palapit sa akin pero hindi na sya nakaabot dahil sumara na ang pinto ng elevator.
Pumikit ako at inalala ang mga sinabi nya kanina. Once is enough. Twice is too much. at hindi ko na hahayaang maliitin nya ako sa pangalawang pagkakataon.
Shit. Being here is not healthy.
Nang nakarating ako sa Bahay ay agad akong tumakbo papuntang kwarto at t nagkulong hanngang sa makatulog.
Nagising ako sa haplos ni mama sa mukha ko. Nang tingnan ko sya ay niyakap nya agad ako.
"Alam kong may mali sayo anak. Unang tapak mo pa lang sa Singapore ay kita ko na sa mata mo na may problema ka. Pasenya kana kung sa maagang edad mo ay isinantabi mo na lahat ng Gawain mo bilang teenager."
Umiiling ako at niyakap ng mahigpit si mama.
"Alam kong pumunta dito ang papa mo nung isang araw. May pinag usapan ba kayo?"
"Wala po mama."
Hindi na naman ako tinanong ni mama kaya niyakap nya nalang ako. Bukas na bukas, aalis na ako sa trabaho. Kakasimula ko pa lang alam ko. pero hindi ako martyr para magtiis doon Lalo na't alam kong galit sa akin si Caleil.
Agad akong gumawa ng resignation letter ko pagkaalis ni mama. Nasa kalagitnaan ako ng pag tatype nang tumunog ang cellphone ko.
Nakita kong tumatawag si Logan kaya sinagot ko ito.
'Good evening, nasa trabaho ka pa?"
'Uhm wala na. Umuwi ako ng maaga kanina. Sorry hindi na ako nakareply sayo."
Narinig kong tumawa sya ng mahina.
"Okay lang. Bakit maaga kang umuwi? Are you allowed?"
Uhm, Siguro"
"Fuck, Your voice sounds sweeter kapag hindi ka nagtataray."
Nag init ang mukha ko sa sinabi nya at agad na humiga sa kama.
"Baliw, hindi ako mataray no. Sadyang bad timing ka lang palagi."
I heard him chuckle at at nag inat na parang nag shift ng posisyon."
"Am I a bad timing?"
"Uhm hindi naman"
"Good then, Because I kinda like you"
He chuckle again at nagpaalam na sya para matulog.
"Sorry Logan, but I like- no I love someone else"
BINABASA MO ANG
Young Love
RomanceSumugal ako, Kahit walang kasiguraduhan kung mananalo ako. Wala eh. Pagdating sayo talo na ako. Isusuko ko lahat,Isinuko ko lahat. Pero anong ginawa mo? Nang isinuko ko lahat para sayo, Ako naman ang isinuko mo