Inihatid kami pauwi ni Clark matapos ang nangyari sa kanila. Ang akala ko'y binalewala niya lamang ang reaksyon ng magulang niya pero hindi pala talaga siya aware sa naging reaksyon nila. Natapos ang araw namin na medyo maayos.
Kinabukasan naalimpungatan ako nang narinig kong may kausap si Mariel sa labas kaya nag ayos na ako at lumabas.
Nadatnan kong magkausap si Mariel at Clark. Para pa silang nagulat nang makita nila ako.
"Gising kana pala Natasha"
"Uhm.. Oo. kanina kapa ba dito Clark?"
"No. Kadadating ko lang. Nag uusap kami ni Mariel tungkol kagabi. "
"Oh. So nakapag breakfast na ba kayo?"
"Hindi pa. Nagdala nga ako ng breakfast natin."
Saad ni Clark
Nagpunta na kami sa kusina at nagsimulang kumain. Katabi ko si Clark at katapat nya naman si Mariel. Maya maya ay parang nagulat si Mariel at parang balisa.
"Bakit Mariel?"
"Nothing. Uhm... Tapos nako. Ah eh nga pala aalis ako ngayon Natasha. May pupuntahan ako eh. Uhm bye Tasha, Clark"
Saka sya nagmadaling umalis.
"Weird"
Tanging nasabi ko nalang.
Nang makaalis si Mariel ay maghapon sa bahay namin si Clark. Nanuod kami ng movies at nagluto para sa hapunan. Umuna na kami ni Clark na kumain dahil gabi na ay wala pa si Mariel.
Hanggang sa umuwi si Clark ay hindi pa dumadating si Mariel kaya napagdesisyunan kong matulog na at ipagtabi siya ng makakain kung dumating siya.
Kinabukasan ay nagising akong wala pa din si Mariel. Saktong pagtitipa ko ng mensahe sa kanya ay nagtext sya sakin.
"Tash, andito ako sa bahay ng kaklase ko. Nag party kami kagabi kaya di nako nakauwi baka mamaya or bukas uwi nako ha? Lovelots!"
Nakahinga ako ng maluwag nang mabasa ko ang mensahe nya.
Magrereply na sana ako ng hindi nagsend ang mensahe ko. Kaya lumabas ako para magpaload. Nang nakarating ako sa tindahan ay nagulat ako nang makasalubong ko ang kapatid ni Clark. Lumingon siya sakin at walang bakas na gulat akong nakita sa kanya.
Ako pa ang nagulat. Ano naman ang ginagawa nito dito?
"Oh, so dito ka pala nakatira."
Sabay silip nya sa pinanggalingan kong Bahay
"Uhm yeah."
"Mkay"
Pagkatapos non ay Dire diretso siyang umalis.
Weird. He's really weird.
Nang nakapag paload na ako ay saka ko tinext si Mariel na mag iingat siya. Umuwi na ako at naglinis ng bahay. Balak kong maghanap ng summer job para hindi basta umasa sa ina ko. Nang makapag ayos ako sa sarili ko ay lumabas na ako para maghanap ng trabaho.
Nang nakarating ako sa bayan ay sari saring fast food chain,karinderya at cafe na ang napuntahan ko pero puro may experience ang hinahanap nila. Nang katanghalian ay pumunta ako sa parke at umupo sa lilim ng puno at humarap sa dalampasigan.
Dito muna ako hanggang alas dos.
Masarap ang simoy ng hangin dahil wala pang masyadong populasyon sa lugar namin. Nakailang minuto pa lamang ako nang may lumapit sa akin at umupo sa tabi ko.
BINABASA MO ANG
Young Love
RomanceSumugal ako, Kahit walang kasiguraduhan kung mananalo ako. Wala eh. Pagdating sayo talo na ako. Isusuko ko lahat,Isinuko ko lahat. Pero anong ginawa mo? Nang isinuko ko lahat para sayo, Ako naman ang isinuko mo