Nanlaki ang mata ko. Hindi ko ma proseso kung anong sinasabi nila. Buntis? Butis si mariel?
"W-what? Clark look at me."
Nakatungo lamang siya at si Mariel naman ay humihikbi na.
"CLARK! FUCKING LOOK AT ME!"
Nang iangat niya ang mukha niya sa akin ay nagbabadya nang pumatak ang mga luha niya. Talaga?! Saan galing iyon?!
Lumapit siya sa akin at akmang hahawakan ang kamay ko pero iniiwas ko iyon.
"T-tell me Hon, H-hindi ikaw ang ama diba? Tell me that I just got it wrong. Please tell me na hindi kayo naghahalikan kanina."
Ni hindi ko alam kung paano pa ako nakakapagsalita ng diretso dahil nagbabara na ang lalamunan ko.
Lumapit lang siya sa akin at pilit inaabot ang kamay ko.
"I-I'm sorry Natasha. I really am sorry"
Hindi magproseso ang sinasabi nila sa utak ko pero nagawa kong sampalin si Clark.
"MGA HAYOP!"
"Tash please let us explain-"
Akmang lalapit sa akin si Mariel nang pinigilan ko siya.
"Huwag kang lalapit sa akin, Baka makalimutan kong buntis ka"
Lalo siyang umiyak. At sa pagkakataong ito, niyakap siya ni Clark.
"Shhh. Makakasama yan sa bata. Hush now Ma."
Ma.? So siya ang tinutukoy ng tito ni Caleil? Pagak akong napatawa. Kailan pa nila ako niloloko? Tumalikod ako sa kanila at nagsalita.
"Pag balik ko dito, dapat wala nang bakas ninyong dalawa. Ayoko nang makikita ang pag mumukha ninyo kahit kalian."
Paglabas ko ng Bahay ay nagtatakbo na ako palayo sa kanila. Nakarating ako sa paborito kong lugar at napaupo ako sa lilim ng puno na madalas kong tinatambayan.
Buntis si Mariel. Wow. Paano nila nagawa iyon? Saan? Kailan? Ibinuhos ko na lahat ng pwede kong iiyak. Ang sakit. Nagmukha akong tanga!
"No Tash. Talagang tanga ka. Ang dami nang signs, sinabi na sayo no Caleil at ng tito nila. Ang tanga tanga mo!"
Nagpalipas ako ng galit doon hanggang alas trs ng hapon. Nang bumalik ako sa Bahay ko ay tahimik na doon. Tiningnan ko ang kwarto ni Mariel at wala na ang mga damit niya doon. Pumatak ang luha galling sa mata ko na akala ko'y naubos ko na kanina.
Mag isa na ako sa Bahay. Nang tumingin ako sa salamin ay nakakapit doon ang mga litrato naming ni Mariel. Tumalikod na ako at umalis sa kwarto.
Kinabukasan ay nagising ako sa vibrate ng cellphone ko. Nakita kong nag missed call si Caleil. Siguro'y alam na niya ang nangyari. Pero alam naman talaga nya diba? Bakit hindi ako naniwala?
Naglinis muna ako ng Bahay. Hindi ko ginagalaw ang kwarto ni Mariel dahil ayoko nang umiyak. Masyadong masakit.
Nang nagtanghali ay lumabas ako ng Bahay para bumili ng ulam.
Pumunta ako sa tindahan at naabutan kong nandoon si Caleil. Agad akong bumili at bumalik na sa Bahay. Naramdaman kong nakasunod lamang siya sa akin hinayaan ko na lamang siya. Nang makapasok na kami sa Bahay ay kumuha na ako ng dalawang pinggan.
Nang natapos ko nang ayusin ang lamesa ay lumapit ako sa kanya.
"Let's eat?"
Parang nagulat pa siya at saka tumayo. Nang nakaupo na kami ay nagsalita siya.
"Hindi ka ba galit sakin?"
Umiling ako at ngumiti sa kanya.
"Why would I be? Ikaw ang nagsabi sa akin noon na may iba na ang kuya mo. At hindi ako naniwala. Ang mas nakakagulat pa, Kaibigan ko pa pala ang tatraydor sa akin."
"Pinalayas ni Dad si kuya kagabi. Nagalit si mama kay dad dahil hindi nila alam kung saan kukuha ng pera si kuya kapag nanganak na ang kaibigan mo."
"Wag nalang nating pag usapan Caleil."
Tumango siya at nagsimula na kaming kumain."
Nagdaan ang ilan pang araw at hindi ko namamalayan na malapit na ulit magpasukan. first year college na ako. at dito lang din ako mag ka college sa probinsya namin.
Tumawag din ang mama ko kanina para sabihin na nakapag padala na siya ng pera para sa pag ka college ko.
Hindi alam ni mama ang nangyari sa amin ni Clark pero sinabi kong naghiwalay na kami at hindi na siya nagtanong pa.
Nagdaan pa ang ilang araw at Bumili na ako ng mga gamit ko sa school. Nag enroll na din ako. Palagi naman akong sinasamahan ni Caleil. At sa pagtagal ng panahon ni hindi ko namamalayang nakakalimutan ko na ang ginawa ni Clark sa akin.
Nagsimula na ang pagpasok ko sa school. akala ko'y walang nakakalam ng nangyari kay Mariel hanggang sa naririnig kong nag uusap sila tungkol sa kanya.
Nang hinanap ko na ang Room ko ay pumasok na ako at umupo sa may dulong bahagi. Tumitingin ako ng schedule nang may tumabi sa akin.
"Hi, Tash! Can't believe na magkaklase tayo ngayon."
Si Mae, Dati din naming kaklase ni Mariel. Siguro'y alam na nya ang nangyari sa amin ni Mariel pero hindi na naman siya nag open tungkol doon.
Kaming dalawa ang magkasama buong maghapon. Five pm pala ang uwian naming dahil mas madami kaming subjects. Nang palabas na kami ni Mae ay umuna na siya dahil magkaiba kami ng direksyon na uuwian. Nang aalis na din sana ako ay nagulat ako sa Nakita ko sa gate. ni hindi ko inakalang makikita ko ulit siya.
Nang Nakita niya ako ay lumapit agad siya sa akin at niyakap ako.
"Namiss kita anak."
Gumanti ako sa yakap ni papa at mas hinigpitan pa niya ang yakap niya. Nang kumalas kami sa yakap ay hinawakan niya ang kamay ko.
"Pasensya kana anak ngayon lang ako nakadalaw sayo. Umuwi kasi ang anak ng tita mely mo. Medyo naging busy lang.
Niyaya nya akong kumain sa isang fastfood malapit sa campus namin.
Umorder na si papa at naupo na kami.
Kumain lamang kami at ni isa ay walang nag tatangkang magsalita. Nang natapos kami ay inihatid ako ni papa sa Bahay.
Nang nakaalis si papa ay papasok na sana ako nang may kotseng tumigil saa tapat ko. Lumabas doon si Caleil at lumapit sa akin.
"Where have you been? Wala kana sa school nyo nung pumunta ako don"
Lumakad kami at pumasok sa loob ng Bahay.
"Sinundo ako ni papa. We ate in fastfood near our campus. I'm sorry did I make you wait?Nainip ka ba?"
Umiling siya at lumapit sa akin. Hinapit niya ang bewang ko at hinalikan ako sa noo.
"I will never get tired of waiting for you. No matter how long. You're worth the wait Tasha."
Pumikit ako nang yakapin nya ako. I felt relief in his arms. Parang lahat ng pagod ko simula noong sinaktan ako ni Clark ay nawala dahil lamang sa yakap niya.
BINABASA MO ANG
Young Love
RomanceSumugal ako, Kahit walang kasiguraduhan kung mananalo ako. Wala eh. Pagdating sayo talo na ako. Isusuko ko lahat,Isinuko ko lahat. Pero anong ginawa mo? Nang isinuko ko lahat para sayo, Ako naman ang isinuko mo