YL Chapter 12

23 0 0
                                    

"You may sit now Miss Garcia"

Dali dali naman akong umupo kaharap ang mag iinterview sa akin. Naapalunok ako at hindi ko siya matingnan sa mata.

"So Miss Garcia' Tell me about yourself"

Tumikhim muna ako bago nagsalita. You can do this Tasha. Kailangan mo ng trabaho.

"Well, sir I am a cum laude graduate in Singapore and I worked at a company there that is not that big but I got a little experience there."

Tumango siya at binuklat ang resume ko. doon ko siya natingnan at pinagmasdan kung may nagbago ba sa kanya.

Tingin ko'y mas tumangkad siya ngayon. Mas lumaki ang pangangatawan na tamang tama sa height niya. Hindi pang body build pero masasabi mong maganda ang pangangatawan niya. Tingin ko ay nagging tanned siya ngayon na bumagay sa kanya.

Nagulat ako nang tumingin sya sa banda ko. Agad kong iniwas ang paningin ko sa kanya.

"What are your biggest weaknesses?"

"U-uhm nothing much but uhm, Sometimes I didn't know how to ask my co-workers for help. and I sometimes lack of confidence"

Parang tamad na tamad siya habang nakikinig sa mga pinagsasasabi ko sa harap niya at Nakita ko pang sumilip sya sa wrist watch niya na parang may pupuntahan pa siya.

"Okay. comeback here on Tuesday. Ask my secretaty where you are assigned. You can leave."

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumayo na ako at akmang lalabas na nang narinig kong nag ring ang cellphone niya. Binagalan ko ang lakad ko para marinig ang sasabihin niya.

"Hey love, I'm going. i'm sorry napag hintay kita."

Doon pa lamang ay para nang tinamid na akong pumasok sa magiging unang araw ko. Pero kailangan kong subukan. Ilang taon ako sa Singapore, alam kong may mali ako. Kaya babawi ako ngayon, Hindi pwedeng basta na lang ako sumuko.

Bago ako umalis ng pilipinas ay pinagbili ko ang dati naming Bahay at bumili ng mas Malaki at mas maayos na tirahan. pinapaganda ko pa lamang ito at bgayon ay asisimulan ko na itong mapaganda.

Nang pauwi ako ay iniisip ko kung bakit hindi itinuloy ni Caleil ang pag guhit. Nakarating ako sa Bahay at naligo muna para magpahinga. isang lingo na kaming nakauwi ni mama at naayos ko na ang mga gamit namin.

Gumaling si mama sa Singapore dahil na din sa tulong ng mga katrabaho niya buti nalang at naagapan agad ang breast cancer ni mama. Ang akala ko noon ay wala na talaga. Magaling ang doctor sa ibang bansa at palagi kaming nagdadasal ni mama.

Pagkatapos kong maligo ay kumain na ako ng natira kong ulam kanina. nang natapos akong kumain ay hinugasan ko na ang kinainan ko nang may kumatok sa pintuan ko. Nang buksan ko ito ay tumambad sa akin ang masayang mukha ni papa.

Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Nakauwi ka na nga anak. Miss na miss kita."

Nang humiwalay kami sa yakap ay pinapasok ko siya. Umupo kami sa sofa at dinalhan ko sya ng juice at sandwich.

"Mag isa ka lang ba ditto anak? Nagluluto ka para sa sarili mo? May boyfriend ka na ba?"

"H-hindi po. Kasama ko po si mama ngayon. Nasa Bahay po siya ng mga kaibigan niya nagkakamustahan lang po. At wala po akong boyriend"

Alam ni papa ang nangyari kay mama at simula nang gumaling ito ay hindi na naming ito napag usapan. Hindi din naman siya nagtatanong tungkol doon.

"Naku anak dapat nag boboyfriend ka na. naunahan ka pa ng anak ng tita mely mo, Sya ang naglulut para sa sarili niya. Madalas din iyong boyfriend ng anak ni tita mely mo sa amin. Sigurado akong magkakasundo kayo ni Shane. Mabait na bata iyon."

Hanggang makaalis siya ay iyon ang bukam bibig niya. Ipinakita pa niya sa akin ang litrato ng anak ni tita mely. Mukhang ito ang paborito niyang anak. Pumait ang pakiramdam ko sa naisip. Umiling ako nang nakaalis na si papa at nagpahinga na.

Kinagabihan ay narinig kong may kausap si mama sa cellphone niya kaya bumaba ako para salubungin siya.

Nang salubungin ko siya ay nagmano ako at pumuntang kusina para maghanda ng dinner naming. Hindi ako marunong magluto. Lahat ng kinakain ko sa Singapore ay process food o kaya umo order nalang ako sa labas.

Nang bumaba si mama galling sa kwarto niya ay nakapag palit na ito ng damit. Inihayin ko na ang pagkain at kumain na kami.

"Kumusta anak? Nakahanap kana ba ng trabaho?"

"Opo mama, sa martes na po ang simula ko. Bale orientation ko pa lang po sa martes."

Tumango si mama at uminom ng tubig

"Did your father came here?"

"H-hindi po mama"

"Good. Ayokong makikita ang lalaking iyon dito"

Pagkatapos naming kumain ay nagsipilyo na ako at humiga sa kama. Nag search ako sa Google tungkol kay Caleil pero mailalp ang nakalagay doon. Walang nakalagay kung may girlfriend na sya o asawa.

Nagsimula siyang magtayo ng maliit na kompanya at the age of twenty, amg ginamit niyang pera ay galling sa mga gig niya noong gumuguhit siya. So dalawang tao pa lamang ang kompanya niya pero ganoon na kalawak at kilalang kilala ito.

Nakatulugan ko na ang ganoong sitwasyon.

Nagdaan ang ilang araw at dumating na ang martes. Nag ayos ajo ng sarili at Ipinuyod ang mahaba at itim na buhok. Nagsuot ako ng corporate attire at three inch black corporate heels. Nag abang ako ng masasakyan.

Nang dumating ako sa opisina ay pumunta ako sa table ng sekretarya ni Caleil.

"Uhm hello. I'm a new employee here. Saan po ba ako naka assign?"

Agad niya akong dinala sa isa sa mga cubicle na malapit sa isang office. Ipinaliwanag niya sa akin ang mga gagawin ko at nasundan ko naman ito. Nang umalis na siya ay inayos ko na ang iba akong gamit.

inilagay ko doon ang ibang litrato ko sa Singapore na kasama si Yna at ilang kaibigan. Picture ni mama. at picture ko noong bago ako umalis sa pilipinas.

Naglibot ako sa ibang cubicle at nakipagkilala sa ibang employee doon. Nakita ko ang pamilyar na mukha at nakilala kong siya ang babaeng kumausap sa akin noong nag interview kami dito.

Magkatabi lamang kami ni Clarisse ng cubicle kaya mas okay sa akin. Dahil may kakilala na ako. Nang natapos kaming mag ayos ng table naming ay napag pasyahan naming na kumain sa labas dahil lunch na din naman.

"Nag aantay kaming bumukas ang elevator nang pagkabukas nito ay nanlaki ang mata namin ni Clarisse. Si Caleil may kahalikan sa Elevator. Tumigil sila sa paghahalikan humarap sa amin ang babaeng kahalikan niya at mas nanlaki ang mata ko.

"Oops"

Humagikhik ito at hinila si Caleil palabas ng elevator. Nagkatinginan kami ng babae. Ang babaeng pinagmamalaki ni papa, ang anak ni tita mely. Shane.

'Excuse us"

Siya ang Girlfriend ni Caleil

Young LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon