Pagka tahid na pagka hatid sa akin sa akin ni Calei, ay tinatawagan ko agad si Clark. para magtanong kung anong sinasabi ng kapatid niya. Pero nagsimula pa lang akong mag dial busy na agad ang linya niya.
Kailangan kong makakuha ng impormasyon. tatawag na sana ulit ako kay Clark nang mag vibrate ang cellphone ko. Nagtext sa akin si Mariel.
'Tash, Ready na ako. Mag usap tayo pag balik mo dito.'
Agad kong naisip na may problema din pala si Mariel. Masyado ko yatang pinagtutuunan ng pansin ang sarili ko. Tumalon ako sa kama at napapikit na sa pagod.
Kinabukasan ay nag ayos na ako dahil kasal na ng tito ni Caleil. Matapos kong mag ayos ay lumabas na ako. Nag sabay na kaming bumaba ni Caleil. I'm wearing a nude spaghetti strap dress. Tuwid ang mahaba at itim kong buhok. While Caleil is wearing white V-neck shirt with gray suit at white khaki short at brown top sider shoes with his aviator.
Dahil sa hubog ng katawan at tangkad niya ay hindi mo aakalain na fifteen years old pa lamang siya. Hindi nga lamang ganoon kalaki ang katawan niya pero hindi talaga siya mukhang fifteen. Kung tatantyahin ay six flat ang height.
Nang nakarating kami sa venue ay may dala kaming sketch book. Yes sketch book lamang. Balak naming iguhit ang unanng tatatak sa utak namin sa pag punta namin dito. Naupo na kami sa table namin at luminga linga. Ang ganda ng ginawa nilang pag transform sa venue.
Nagsimula na ang kasal at kitang kita sa mata ng ikakasal na masaya sila. Kung ako ang papapiliin, mas gusto kong sa simbahan magpakasal. I don't know it's a tradition.
Napaluha ako ng konti nang nagpalitan sila ng vows para sa isat isa. Hindi ko sila kilala pero nakakatuwa ang story nila na sabay nilang ikwinekwento sa mga bisita nila.
Napatingin ako kay Caleil at Nakita kong nakangiti siya habang nanunuod sa tito niya. Binuksan ko ang sketch book ko. Nagsimula akong gumuhit. Mas pinabatang version ni Caleil. a five year old Caleil. Napaka gwapo ng magiging anak niya at maganda naman kapag babae. Hindi ko alam kung bakit iyon ang iginuhit ko. Nang tinignan ko ang natapos kong portrait ng isang batang hawig ni Caleil ay napangiti ako.
Nang natapos na ang kasal ay may party pa kaya pumunta kami ni Caleil para bumati sa tito niya.
"Oh! Rev! Nandito ka pala! Akala ko hindi mo na ako sisiputin, magtatampo na ako sa inyong mag kuya."
Caleil just smile at tumabi ako sa kanya para bumati din.
"Hello po. Best wishes po sa inyong dalawa."
Nanlaki ang mga mata ng tito ni Caleil at itinuro ako na parang amaze na amaze siya sa Nakita niya.
"Woah! is this your Girlfriend Rev? What a beautiful woman!"
"Not YET tito. I'm still courting her."
Nanlaki ang mga mata ko at napalingon kay Caleil.
"Aww. Really? But that's okay, Wag mo lang uunahan ang kuya mo na mag asawa. By the way kumusta na pala ang kuya mo at si Ma?"
Medyo may diin ang pagkakasabi niya ng Ma. Kaya alam kong pangalan iyon. What does he mean by that? I am the Girlfriend here. at Natasha ang pangalan ko.
"Nag kibitz balikat lang naman si Caleil. Tinapik ng tito niya ang balikat niya at nagpaalam na para lumapit sa ibang bisita.
Tumingin ako kay Caleil at tinaasan ng kilay.
"I told you, Break na kayo ni kuya at may iba na siya. Hindi ka pa din ba naniniwala?"
Hindi na ako sumagot sa kanya kaya bumalik nalang kami sa table namin. Nang humahapon na ay Nagsasayawan na ang mga tao. Nanunuod lang kami ni Caleil nang mag switch ang kanta from party song to sweet and slow music.
Naramdaman kong tumayo si Caleil sa tabi ko at nang tumingin ako sa kanya ay naglahad siya ng kamay. Nahihiya kong inilagay ang kamay ko doon at dinala niya ako sa dance floor kasama ang mga nagsasayaw din na mga tao.
Isinampay ko sa leeg niya ang mga kamay ko ay niyakap niya ako sa bewang. Hinapit niya ako papalapit sa kanya. Halos hindi na ako makahinga sa lapit naming dalawa. Titig na titig siya sa mga mata ko na parang ito lamang ang nakikita niya.
You're always on my mind
Since I've had this feeling
I found in you a dream
I've believed to be true
Nang nagsimula kaming gumalaw ay parang nanlambot ang mga tuhod ko sa paghaplos niya sa bewang ko.
Finally you got me fallin' like this
I don't wanna end a feeling like this
Naramdaman kong lumalapit siya sa akin kaya tumigil ako sa pagsasayaw at tumakbo papalayo.
Nang nakalayo na ako ay tumigil ako. Pero sa pagtigil ko ay naramdaman ko nanaman ang presensya niya sa likod ko.
"Stop running away Tasha, Cause I will always run after you. You can't escape me.
"Please Caleil. Let's end this. Alam nating pareho na mali ito."
"At bakit ito naging mali Tasha? Dahil may naging nakaraan kayo ng kapatid ko o dahil mas matanda ka sa akin?"
"Both Caeil both!"
Hinarap ko siya at Nakita ko sa mata niya kung paano siya nahihirapan ngayon.
"Kung may iba man ang kuya mo, masama pa din na tingnan dahil halos ate mo na ako. Mas madaming iba jan Caleil."
Tumungo siya at umiling.
"Yan din ang sabi ko sa sarili ko noon Tasha, Na madaming mas bata sayo yung hindi pagmamay ari ng iba. na hindi pagmamay ari ng kapatid ko. pero noong Nakita ko na may iba ang kapatid ko, Wala. hinanap na agad kita. Para akong baliw na nagtatanong tanong kung saan ka makikita. at kung sa tingin mo ay dahil lang jan ay mapapasuko mo na ako, Think again Tasha, sa dami ng tao sa mundo, kung wala lang itong nararamdaman ko para sayo, hindi na kita hahabulin dito."
Hindi ko namalayan na may tumulo nang luha sa mata ko. Agad siyang lumapit sa akin at pinunasan ang luha ko.
"I'll wipe your tears away. So please, wipe away the person that make you cry"
Natapos ang gabing iyon at hinatid niya ako sa room ko. Kinabukasan ay hiantid niya ako sa Bahay ko.
Pag pasok na pag pasok ko pa lang sa pinto ay Nanlaki ang mata ko nang nakitang naghahalikan si Mariel at Clark. Nag init ang gilid ng mata ko.
Lumingon sila sa akin at nanlaki ang mga mata nila.
Umiyak ako at akmang sasampalin si Mariel nang hinarangan ako ni Clark.
"W-'wag Natasha! S-shes Pregnant!"
Nang narinig ko ang mga salitang iyon ay para akong binuhusan ng kumukulong mantika sa sakit na naramdaman ko.
BINABASA MO ANG
Young Love
RomanceSumugal ako, Kahit walang kasiguraduhan kung mananalo ako. Wala eh. Pagdating sayo talo na ako. Isusuko ko lahat,Isinuko ko lahat. Pero anong ginawa mo? Nang isinuko ko lahat para sayo, Ako naman ang isinuko mo